A/N : Sana makatulong toh hahahhahahahha labyuuu kafatid! xD
Sab's POV
"P*tang*na naman Anah! Sinong may sabing isama mo yang tukmol na yan?!" Gigil kong tanong habang hila hila ang magaling kong pinsan. Pano tinext ba naman ako para daw makapagchill kami ngayong araw. Eh ang gag* may dala dala palang kuhol!
"A-aray ko naman! Sakit mo sa tenga! Hindi ko kasalanan noh! Nagpumilit syang sumama! Dikit sya ng dikit sakin.Tsaka sinundo nya ako sa school nung nakaraang araw kasi pinagkakaguluhan ako dahil sayo. Kalat kaya sa campus na close ka sa exo!" irita nyang sagot.
"Ah ganun?! Kaya mo yan sinama?!"masungit kong pahayag. Umirap lang naman sya at hinila ang braso nya mula sa pagkakahawak ko.
'Alam mo Sab? Ang labo mo rin eh ano? Kung gusto mo ng lubayan ka ni Julius aba'y diretsuhin mo na hindi yung umiiwas ka! Sinong niloloko mo?! Sarili mo lang diba?" bwisit na rin nyang sabi. Napatahimik naman ako.
Kahit kailan ...ayaw ko mang aminin sa sarili ko pero tamang tama ako sa mga pinagsasabi ng pinsan ko. Kahit puro kagag*han minsan ang alam nya..lagi syang may point. Yun ang nakakairita.
'Ano? Ok na Sab ha? Maiwan ko na kayu. Makitawag ka nalang sa kanya mamaya pag gusto mo ng puntahan kita. Ewan ko ba dyan sa jowa mo, d ka pa bilihan ng cellphone!"Malakas nyang sabi.
'Anong jowa?!" Nagtataka kong tanong.
"Yung mahabang baba! " Nakangise nyang sagot.
Imbes na kiligin ako ay agad din akong napasimangot. T*ngina lang. Isang linggo na nya akong di pinapansin. Kada maghahi naman ako lagi lang akong iniiripan! Daig pa ang babaeng nireregla sa sobrang kasungitan!
Pano nya ako bibilihan ng telepono kung ni ha ni ho galing sa kanya wala?
"Hindi ko jowa yun gag*!" pagtataboy ko sa kanya paalis. Kanina ko pa din kasi ramdam ang pagtitig sa amin ni Julius. Nakaupo sya sa isang bench ..di kalayuan sa amin ni Anah.
"Oh sya sige na iiwan ko na kayu ng ex mong loko. Hahaha see you laturrr Sab." matawa tawa nyang sagot at agad na tumakbo papalayo.
Dahan dahan naman akong naglakad papunta kay Julius. T*rantado talaga! Kung wala lang mga taong dumadaan sa park na to kanina ko pa toh nasabunutan at nabugbog.
'Oh? Bakit ka nakipagkita?Imbitahan mo ba ako sa binyag ng anak mo?!" Malamig kong tanong. Gag* sya eh. Kung di nyo naitatanong kung bat kami nagbreak. Simple lang. Nakabuntis sya ng ibang babae eh. Masyado syang makati.
"Sab. Sorry na ok? Kaya ako biglang nawala dahil dun. Hindi naman akin yung bata eh. Maniwala ka.Nung nalaman kong niloko lang ako nung babae hinanap agad kita." pagpapaliwanag nya.
"ULOL! Sinong niloko mo!? Ako?"gigil kong sagot sa paliwanag nya. Nakakaleche ng araw.
"Seryosos ako Sab." Medyo nagulat naman ako nang hawakan nya ang kamay ko kaya agad ko din hinila ang kamay ko.
"Wag mo akong hawakan."
"Sorry. Sana naman maniwala ka sa akin. Oo aamin ako, may nangyari talaga sa amin ni Sena (A/N : Nakakaasar na pangalan whhahah) pero sa maniwala ka't sa hindi..hindi ko talaga anak ang dinadala nya. Anak nila yun ng boyfriend nya.'
YOU ARE READING
Perfect Match ~~ chapter 23 ~~
Fanfictionsi kris baba ay para kay sabrina PERO SI LU GANDA AY PARA SA AKIN LANG HAHAHA :P
