Chapter 30

79.2K 2.8K 286
                                    

Chapter 30

"Mallory?"

Tumikhim ang police officer at marahan akong kinalabit. I immediately snapped out of my thoughts.

Suminghap siya. "I know you're going through a lot right now, but we need to finish this," itinaas niya nang bahagya ang papel na hawak. "We need to finish this report as soon as we can. Wala pa kaming lead sa pumatay sa iyong ina..."

My throat constricted. Does he really have to remind it?

"So please, answer the questions properly. Nakita mo ba ang mukha ng taong bumaril sa iyo at sa iyong ina?"

I shook my head.

"May ideya ka ba sa taong may motibo para gawin ito at sa iyong ina?"

I shook my head again.

"Mallory, sigurado ka ba? Nangyari ang krimen malapit sa mansion ng mga Monterio..." he trailed off. "Hindi ba ito isa sa kanilang mga tauhan—"

I shook my head firmly.

He let out an irritated sigh. Malakas niyang hinampas ang papel sa lamesa na nagpatalon sa akin sa gulat.

"You've been shaking your head for the past few days!" singhal niya sa akin. "Nauubos na ang pasensiya ko sa iyo! Hindi ka ba talaga sasagot nang maayos?"

"Raymond!" galit na saway ng kaniyang kasamahan. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko habang nakatitig sa kaniya.

The police offer looks taken aback. Mukhang nakonsensiya ito sa kaniyang ginawa dahil naupo siyang muli sa kaniyang silya at malalim na bumuntong-hininga. "Okay. I give up. I'm not talking to this girl anymore. Pinapataas niya ang presyon ko sa dugo."

"Ako na ang bahalang kumausap sa kaniya, sir."

Tumango ang nakakatandang officer at tinapunan ako ng isang tingin bago siya lumabas ng interrogation room. Marahan kong pinalis an aking luha at pinigilan ang paghikbi.

The other officer left as well. Humalumbaba ako sa lamesa. I want to get out of here.

Nanatili lang akong nakaupo hanggang sa makabalik ang isa pang pulis. I weakly lifted my gaze up to him. He gave me a sympathetic smile and slowly handed me a cup of coffee.

"Magkape ka muna bago tayo mag-usap, ok?" malumanay nitong wika.

Tears prickled my eyes. I never drink coffee. My mom would always prepare a glass of milk for me.

But nevertheless, I accepted his offer.

---

Puno ang aming bahay ng mga estyudante ni Mama pati na ang buong faculty members. Nagulat ako pagkakita ko sa kanila nang ibaba na ako ng pulis mula sa kanilang sasakyan.

"Babalik ka ulit bukas sa presinto, ayos lang ba? Hindi pa kasi tapos ang aming report."

I weakly nodded my head and climbed out of the car. My mother's students are crying silently. Ang iba namang faculty members ay siyang naghahanda sa burol ni Mama. They started distributing biscuits and coffee. Nang makita nila ako ay kaagad akong nilapitan.

"Mallory!" Mr. Pediangco exclaimed. He pulled me into a tight hug and stroked my hair. "I'm so sorry it has to happen to you..." aniya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. "Pero huwag kang mag-alala, Mallory, nandito kami para sa iyo. Hindi ka namin iiwan, okay?"

I nodded my head and tried not to cry when I saw my mother's coffin for the first time. A lump formed inside of my throat. I swallowed it back and slowly pulled away from his hug.

The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon