Hahaha. after this epilogue na :)) Ayiiiieh!! excited na me sa ending.

------------------

Chapter 69 

-----------------

Hanggang dumating ang araw ng biyernes, hanggang ngayon hindi pa kami nagkakausap ni Kuya Tj pati na rin si ranz, hanggang ngayon di kami nag uusap. Kahit isang hello man lang hindi niya ako pinapansin. Haaaay. 

" Alisha, pupunta ka pa ba sa prom? " tanong ni Toby habang kumakain kami ng recess ngayon dito sa may school garden. 

" Ah eh di ko alam tsaka wala akong kapartner " sabi ko.

" anong wala?! eh si ranz? " nagulat niyang tanong sakin.

" eh hindi nga ako pinapansin simula pa nung isang araw na hindi mo ko sinamahan umuwi " paliwanag ko

" haaaaay. buhay nga naman. pero pumunta ka padin sa prom ah. gusto kita makita dun sa dress na binili natin " sabi niya

oo nga naman, syaang din yung pinang bili namin ni Toby dun. kasi diba, galing kay Daniel yung pera. Gusto kasi niya na kahit damit man lang mafeel ko na siya yung taong kasama ko sa araw na yun.

speaking of daniel, hindi na talaga siya nagpaparamdam. Kinakabahan tuloy ako na baka inooperahan siya o kaya naman lagi siyang nasa ospital, o baka . . .  baka . ..  ewan. ako sabihin. masama yun eh. Im just hoping for the best.

Daniel, kung naririnig mo ko. Please, bumalik ka na dito. Miss na miss na kita. I need you here. Ang daming nangyayari sakin simula nung umalis ka. Gusto ko nandito ka. Gusto ko ikaw ang tutulong sakin iresolba itong mga problema ko. 

" oh alisha? bakit ka umiiyak diyan ? " tanong ni Toby.

" ha? wa-wala. napuwing lang " palusot ko.

" sus. hmmmm. wag ka nga magdrama diyan. " -Toby

" Haaaaay. " pagbubuntong hininga ko. 

" Pumunta ka na sa prom. please " sabi ni Toby

" pag iisipan ko " sabi ko.

Tapos nagbell na at bumalik na kami sa classroom. 

Naupo na ako pero hindi ko napigilang lumingon at tignan si ranz. Nakatingin din siya sakin kaya agad agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

Mga ilang minuto tumingin ulit ako sa kanya. 

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!