Gabriel’s POV

“Hi! Gus2 ko snang 2mingin ng regalo pra s ate ko. Pwde ka b s Sabado?”

Text ko sa kanya.

Agad naman siyang nagreply.

“May usapan n kme ni Jion s Sabado eh, sorry...” Reply niya.

Nagtext ako ulit. “Eh sa Sunday?”

“ah… hnd ako pwede ng umaga at mghohome study kme ni Jion ng hapon, sorry...” Reply niya.

“Eh next Sunday?” tanong ko ulit.

“May lakad din kme nun eh, sorry…”reply niya.

“Eh kailan ka pwede?” tanong ko nalang.

uhmm… next month? Sorry tlga…” sagot niya.

“Gusto mo akong maghintay ng isang buwan?! Wala ka bang balak humiwalay diyan sa bestfriend mo kahit isang araw?!” reklamo ko ng puntahan ko sila sa canteen ng lunch.

“ah-ah—“ hindi siya makasagot.

“Isa pa puro nalang sorry ang nasa text mo.” Dugtong ko.

Tumingin naman ako kay Jion. Masama.

“Kung gusto mo, pwede kang sumama samin ngayong sabado.” Sabi niya.

Nagtitigan kami saglit.

“Sige, sasama ako.” Itong demonyo na’to!

Saturday: Sa may Jenra Mall.

Nauna kaming dumating ni Yuna kaya naman naupo muna kami sa bench dun.

“Parati ba siyang late?” umpisa ko ng usapan.

“Sa school lang siya nalalate. Never pa siyang nalate pag lumalabas kami. Nauuna pa nga siya saken eh.” Sagot naman niya.

“Hmm… hindi ba talaga kayo naghihiwalay? Parati na kayong magkasama sa school ah. Hanggang weekends magkasama parin kayo?” sunod-sunod na tanong ko.

“ahaha pag Sunday talaga nagpapaturo siya saken kasi ayaw niyang kumokopya lang ng assignment. Gusto niya naiintindihan niya. Atsaka minsan lang kami lumalabas pag weekends.” Sagot niya.

“Hindi ba kayo nagsasawa?” tanong ko.

“Hindi naman. Pag kasi merong bago, tinatry namin. Kaya nageenjoy kami.“ sagot niya.

“Meron pang mas nakakaenjoy gawin kesa dun.” Sabi ko sa kanya.

“Ano naman?” tanong niya.

“Makipagdate.” Sagot ko agad.

Nakita kong medyo nagulat siya at namula rin siya.

“ahaha baka nga…”

“Talaga bang magbestfriend lang kayo?” diretsong tanong ko sa kanya.

“Oo naman! Magbestfriend lang kami. Ang totoo isa sa dahilan kaya naging bestfriend niya ako dahil sa hindi ko siya crush.” Sagot niya.

“Eh sinong crush mo?” tanong ko.

“Ha? W-wala. Wala pa akong crush.” Nahihiyang sagot niya.

Wow. Kung ganon, ako ang first pag nagkataon.

Overly Attached Best FriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!