Chapter 1- The Incident

27 1 0
                                        

Ten minutes, ten minutes na lang ang inaantay ko para mag ring yung bell, at matapos na ang school year na ito.

'Ten minutes, please make me calm down for ten minutes.' sabi ko sa sarili ko

Naririnig ko ang hagikgikan sa gilid ko. Alam ko na kung sino yung pinagtatawanan nila hindi na kailangan pang lumingon.

'Mizu focus ka na lang sa ginagawa mo.' sabi ko ulit sa sarili ko

"Akalain mo sa kanya tayo umasa tapos wala rin pala hahaha" sabi ng isang babae

"Oo nga akala mo siya na yung pagasa pero hindi pa pala" sabi ng isang babae

"Paasa kasi ha-ha" sagot pa ng isa

Yan lang ang naririnig ko sa mga taong nasa gilid ko. Kilala ko naman talaga sila pero hindi na sila worth it ipakilala. Simula nung nag quit na ko sa swimming team nung sembreak yan na ang palagi kong naririnig. tinignan ko uli yung orasan sa wall. Eight minutes, eight minutes na lang. Bakit parang nang aasar ata yung orasan paraang mas lalong binagalan. Hindi naman mapigilan ng isip ko na mag travel sa past. Nung araw na nirerespeto pa ako, may kapangyarihan at may ipagmamalaki.

"Ang galing mo kanina dahil sayo nakapasok na tayo sa semi finals!" sabi ng kaibigan ko sa team namin. Masaya naman ang lahat at sa wakas after five years nakapasok uli ang school namin sa semi finals. Pero siyempre meron paring kontrabida.

"Sus nakapasok lang naman tayo dahil sa swerte. Malapit na ring mahawakan ni Vengelina kanina eh" sabi ng kontrabidang si Beatrice, napatahimik naman kaming lahat sa sinabi niya. Well totoo nga naman na malapit na ring mahawakan ni Vengelina yung gilid ng swimming pool pero ako parin naman nauna.

"Sus ikaw nga kalahating round pa lang talo ka na" sabi ng isang ka teammate namin di ako sure kung sino. Dahil dito mas nagalit si Beatrice pero hindi na siya nanlaban pa. Tumalikod na lang siya at umalis kasama ang dalawa niyang buntot. Dahil sa sinabi ng kug sino man yun napagtawanan tuloy siya at siya ang naging usapan ng buong grupo.

Dumating ang Semi-finals, naging matindi ang laban sa dulo ng school namin at nang school ng kabilang team. Nakita ko na nasa bench ang parents ko at si lola na sobrang saya sa kung ano ang pwede kong marating sa buhay. Nang ako na ang sasalang sa pabilisan lumabas na ang kaba ko. Pero di ako magpapatalo. After five years ngayon lang uli nakapasok ang school namin sa semi- finals at ayaw kong sirain ang pagkakataon na makapasok kami sa finals hinding hindi. Pumunta na ako sa place ko at nag form na ng position ko.

Pinaringgan ko ang whistle at nang narinig ko na ito tumalon na ko bigla. Wala nang ibang laman ang isip ko kundi ang ngiti sa mga mata ng mga magulang ko at ni lola. Pati na rin ang whole team namin and hopefully pati si Beatrice ayoko naman siyang kaaway eh di ko pinangrap yun. Kaya gagawin ko ang lahat para manalo, para samin. Di ko naman namalayan na nasa end na pala ako ng swimming pool. Nanalo na pala kami masyado kasing occupied yung isip ko eh.

"Wowwwww Mizu won again!!"sigaw ng speaker , gulat na gulat naman ako. Ganon pala iyon noh kapag marami kang iniisip lalo na pag positive, positive din ang magiging labas sa ending. Sinalubong ako ng mga classmate ko at team mate ko ng yakap. Sa wakas nakapasok na ang school namin sa finals. Nag celebrate kami nung gabi na iyon sobrang saya. Close game din kasi eh kung hindi ko napanalo yung kanina panigurado ngayon umiiyak kami. Pagkatapos ng celebration namin ay sem break na at one month after ng sembreak magsisimula ang Finals. Pero dun nagsimulang umikot ang mundo ko.

"Who's ready for hawaii?!!!" sigaw ng pinsan ko na si Kuya Drake natawa naman kaming lahat. Matagal ang sembreak namin ngayon isang month kaya susulitin namin ito at mag hahawaii. Sabi rin ni mama na celebration parin namin ito sa nagawa ko for the team.

Special ClassWhere stories live. Discover now