Chapter 17

750 41 4
                                        

Baekhyun's Pov

"Kasper?" Hindi ako makapaniwala na isa syang business man.


Pagkatapos ng meeting nilapitan nya ako at niyaya nya akong kumaen sa labas. Pero nabigla ako ng akbayan ako ni Chanyeol.



"Sorry pero may lunch date kame ng ASAWA KO!" Talagang may diniin yung salitang ASAWA. Nag seselos ba sya?



"Mauna na kami Kas.... este Mr. Kim "



"Call me Kasper  yun naman dati yung tawag mo sa akin." Tumango na lang ako bilang pag sang ayon.



Hinila na ako papuntang elevator ni Chanyeol. Hawak hawak pa din nya yung kamay ko hanggang sa makarating kame sa parking lot.


"Saan mo gustong kumaen? May gusto ka bang kainin?" Tanong nya.



"Wala naman. Punta na lang tayo ng mall tignan naten kung may masarap na resto dun."


"Ok sige." Nag lalakad lakad kami sa mall ng mapadaan kame sa isang store na nag bebenta ng mga pangbatang damit at gamit. Tumigil ako at tinignan yung mga damit ng bata.



"Gusto mong pumasok?" Tanung sa akin ni Chanyeol. Tumango ako at hinawakan nya ang kamay ko papasok ng store.



"Wow ang cucute naman ng mga damit dito."



"Oo nga eh. Gusto mo bilhin naten?"



"Wag muna di pa nga natin alam kung babae o lalaki yung magiging anak natin eh. Baka masayang."



"Ok. Sige sabi mo eh." Habang nag lalakad ako palabas ng store may nakita akong family tshirt. May naka print na mommy, daddy and baby. Gusto ko sanang bilhin kaso parehas kaming lalaki ni Chanyeol.


"Ay sir maganda po ito pang family." Alok ng sales lady



"Ok lang miss salamat." At umalis na kame. Pumunta kame sa isang steak house.  At kumaen. Di na din kame bumalik sa office. Sa halip nag grocery na lang kameng mag asawa.
Si Chanyeol yung nagtutulak ng cart habang ako naman ang nag lalagay ng mga grocery sa cart.




Chanyeol's Pov



"Chanyeol pwedeng kumuha ako ng chocolate?"
Tanung ni Baekhyun.




"Sige lang kumuha ka ng gusto mo. " kitang kita sa mata ni Baekhyun yung saya habang kumukuha ng chocolate. After nun nagpunta naman kami sa may milk section at kumuha kame ng gatas ni Baekhyun. Sabi kasi ng doktor kailangan uminom ung mga buntis ng gatas para maging malakas din yung buto ng baby. Kumuha din kame ng mga prutas at gulay.


"BAEK.... " tawag ko at lumingon sya.



"Bakit?" Tinulak ko yung cart papunta sa kanya at hinawakan yung kamay nya. Nag taka sya kung bakit ko sya hinawakan.


"Keep close your belongings daw sabi ng announcer. Baka mawala ka kaya hinawakan kita mukha ka pa namang bata. Baka akalain nawawala ka. Hahaha "



"Sira ulo. Gusto mo lang ako hawakan dami mo pa excuses. Tara na nga." So ayung magkahawak kamay kami habang namimili...


Papunta na kami sa may counter ng makasalubong ko si Irene kabatch mate ko sya nung college at may gusto sa akin. Kaso lang hanggang pagkakaibigan lang talaga yung tingin ko sa kanya.


"Chanyeol ikaw ba yan?"



"Ui Irene ikaw pala kamusta?" Lumapit sa akin si Irene at humalik sa pisnge at pinulupot yung mga braso nya sa leeg ko.. Kitang kita ko panu tumaas yung kilay ni Baekhyun at napa irap.



"Balita ko wala na kayo ni Nana. So pwede na tayo?"


"Ha?? Kasi ano....." Nabigla ako ng mag salita si Baekhyun





"Sorry Miss pero hindi na pwede maging kayo ng lalaking ito." Pilit na inialis ni Baekhyun yung mga kamay ni Irene sa leeg ko. At kumapit sa akin.



"Teka sino ka naman? At bakit di na sya pwede?" Mataray na tanong ni Irene



"Dahil tong lalaking to ay magiging ama ng anak ako at ako lang naman yung asawa nya. PARK BAEKHYUN." Natatawa ako habang sinasabi nya yun.  At hinila nya ako papuntang counter.



"Oh bakit ka natatawa dyan?" Sabay irap sa akin. Pinisil ko ung ilong nya.


"Aray..."



"Ang cute cute mo pag nag seselos ka. Alam mo ba yun?"




"Ako nagseselos??? Nagpapatawa ka ba?"



"Talaga di ka nag seselos?"



"Oo. "


"Talaga lang ah...." Nilabas ko yung cellphone ko at kunwaring tinatawagan si Irene.


"Hello Irene..... Date tayo...." Nakita kong nanlaki ung mata nya at hinablot yung cp ko.



"Oo na nag seselos na ako ok??!!"



"Bakit ka nag seselos??"



"Bakit??? May karapatan naman ako mag selos ah."


"Bakit nga?"

"Dahil asawa mo ako."

"Yun lang ba???"

"Oo na aamin na ko dahil mahal kita ok????"


Hinawakan ko yung kamay nya at tumingin ng deretcho sa kanya. Napaisip ako kagabi na kakalimutan ko na si Nana at mag fofocus na lang bilang asawa at ama sa baby namin ni Baekhyun. Narinig ko yung sinabi sa akin ni Baekhyun at  Alam ko na nasaktan ko sya. At alam kong mabait na tao si Baekhyun at hindi nya deserve yung mga ginagawa ko sa kanya.




"Baekhyun  tungkol sa sinabi ko sa iyo kagabi seryoso ako. Maaring di ko pa maibabalik yung pagmamahal na binigay mo pero alam kong di ka mahirap mahalin. Kaya Please help me na makalimutan ko sya. Help me. For our family... "

Baekhyun's Pov


"For our family......" Ang sarap pakinggan... Pero bakit natatakot ako.  Pero para sa anak namin at sa nararamdaman ko susugal ako. Hindi mo naman malalaman kung magiging matagumpay ka o matatalo ka kung di mo susubukan diba. Ang pag ibig naman parang sugal maaring  magtagumpay ka o matatalo ka.


"For our baby please Baekhyun. Let's give it a try"



"Yes... Let's give it a try ....for our baby and for our family."


"Yes....." Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan nya ako sa noo.



"Chanyeol kurutin mo nga ako?"



"Bakit?"



"Baka nanaginip lang ako." Pero imbes na kurutin nya ako hinalikan nya ako sa labi.

Hindi nga ako nanaginip pero Halong halo yung nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na sa wakas susubukan namen maging pamilya. Pero natatakot ako na baka isang araw mawala ito. Pero sa ngayon magiging masaya ako kasama yung asawa  ko at soon yung magiging anak namen.

…………………………………………………………………………………………
Ayan na… warning for the next chapters.... Maglalandian na po sila... Whahaha enjoy reading...





Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon