x39: Father Material (part1~)

[RACHELLYN's PoV]

Ilang linggo na ang lumipas after ng 4th birthday ng baby ko, ng 3rd anniversary namin ni CJ, at ng.. ng 'gabing' yun.

Until now, may nararamdaman pa rin akong hiya sa nagawa ko nung gabing yun pero si CJ, patuloy lang sa pagprove sakin na ayos lang yung nangyari, na kaya nya talagang maghintay kasi nga mahal at nirerespeto nya ko.

Si Adrian naman.. Well. May nagbago samin. Medyo nag-iiwasan KAMI nitong huli. As in KAMING DALAWA at hindi one-sided yung pag-iwas.

Ako inaamin ko, iniiwasan ko sya. Kasi naman, di ko gusto yung nararamdaman ko pag nagkakalapit kami. Di ko mapigilang mainis, malungkot, malito..ahh tsaka wala naman nang dahilan para maging close pa kami sa isa't isa. Sapat na yung nag-uusap kami minsan tungkol sa anak namin..

Eh sya kaya, anong dahilan nya't iniiwasan nya ko?

Siguro guilty sya.. Siguro di na nya natupad ang mga sinabi nya sakin non kaya ganun..

*sighh

Okay lang.. Matagal ko nang tanggap yun.. Basta ang mahalaga, di nya pinababayaan si Andy..tulad ngayon.

Sinisipon at nilalagnat si Andy ngayon kaya dumalaw si Adrian kahit gabi na. Actually, kagabi pa may sakit ang anak namin pero kaninang umaga, nawala na yung lagnat nya. Naging matamlay nga lang sya maghapon then now, bumalik yung lagnat. Hassle nga eh kasi busy kaming mag-aral at magpa-finals na.

"WAHH! SIGE PO PAPA! MAG-GAGALING AKO PO!" sigaw ni Andy nang may binulong sakanya si Adrian.

Nakakapagtaka. Ano kayang binulong ni Adrian kay Andy at nagkalakas syang sumigaw nang ganun? O___o

"Haha. Sabi mo yan ah?" ginulo ni Adrian ang buhok ni Andy. "Pero para gumaling ka, dapat magpahinga ka. Sumunod ka kay Mommy. Okay ba 'nak?"

"YES PAPA! TAPOS PAPA, PAG MAGALING NA KO PO PU--"

"SHH!" napatakip ng bibig si Andy sa suway ni Adrian.

Nagbulungan ulit sila tapos tumango-tango na lang si Andy habang nakatakip pa rin ang bibig nya.

Psh.. Sobrang naku-curious na ko huh.. = 3=

After that, nagpaalam na agad si Adrian sa anak namin.

"Chelle. Alis na ko." paalam nya naman sakin.

"Sige.." sinundan ko syang lumabas ng kwarto. "Ay teka. Ano palang pinagbubulungan nyo ni Andy kanina?"

Nginitian nya ko. Ngiti na matagal ko nang di nakikita sakanya..

"SEC-RET." sabi nya. Psh.

I just rolled my eyes at him. Kala nya ah. Malalaman ko rin kay Andy mamaya ang secret na yun. =.=

Hinatid ko sya hanggang sala. "So ano.. Diretso uwi ka na noh?"

"Hmm.. Di pa ko uuwi.." sagot nya nang di nakatingin sakin. "Mangbababae pa muna ko.. Hehe.."

=/

Okay lang.. Okay lang yun Rachellyn. Just breathe deep..

"O-Okay.." sagot ko sakanya. "Good luck na lang sayo.."

Adrian gave me one plain smile then umalis na sya.

I sighed when he left. Nakakasama pa rin talaga ng loob pero..sabi ko nga..okay lang yun..

Bumalik ako sa kwarto ni Andy. Tulog na sya. Dahil may sakit sya, tatabihan ko na lang sya matulog.

"Baby ko.. Tulog ka na?" mahina kong tanong pagkahiga ko sa tabi nya.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!