Fifteen

1.7K 77 25

WTKWLI — Fifteen

Skype's P.O.V.

"Ayoko nga sabi eh." Yan yung huli niyang sinabi before she left the condo.

What's wrong with her? Tss.

I just turned off the T.V. and sinundan ko siya pa-elevator. Malapit lapit na ako ng biglang may lalaki na tumakbo pa-elevator and pinigilan yung pag sara ng pinto.

Teka. Eto yung guy na tumulong kay Aina last time, ah?

Pagkasakay nung lalaki, nakita ko kung pano nila ngitian sa isa't-isa kaya di na ako sumabay sa elevator na pinasukan nila. Sa ibang elevator na lang ako sumakay pababa.

Mga babae talaga. Napaka-moody eh.

Naabutan ko sila sa parking lot. Hindi ako nagpakita kasi baka kung anong isipin netong si Ai at sinundan ko siya.

Hindi ko alam kung bakit ko sila sinundan sa coffee shop. Yun lang yung gusto ko gawin nung nakita kong sumakay sila sa kotse nung lalaki. Tss. Kung kani-kanino na lang nasama eh.

Tiningnan ko lang sila. Mula sa kotse ko.

I saw her smiling at him and they even laugh. Nakakainis na naiinis ako sa kanila. Bakit ba ako naiinis? Tss.

Nabubwisit din ako sa lalaki. Pa-cute masyado eh. Pa-shy type pa si gago.

Bwisit. Makabalik na nga lang.

Aina's P.O.V.

11am

Isang oras na lang, aalis na ako. Pero hindi maganda nararamdaman ko. Sinisipon na ako. Dito ako sa kwarto ni Skype natulog. Lumabas siya kanina bago pa ako makatulog.

Hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko pero nanghihina ako tsaka malabo labo yung paningin ko.

Hindi naman ako nagugutom kaya dito na lang ako mag stay hanggang mag 12nn para diretso alis na ako. Nahihiya rin ako na makipag-usap kay Skype eh. Para akong timang kanina.

*kruuuuuuuu*

Napahawak ako sa tyan ko. Joke lang pala na hindi ako nagugutom. Hays. Wrong timing naman 'tong tyan na 'to eh.

Kinuha ko na lang ang phone ko at nag twitter. Sa twitter na lang ako nag rant ng gutom ko.

"Hays. Pizza. 😫🍕"

Tapos nag scroll scroll lang ako. Nakakainis. Di ko alam kung mapang asar lang ba ang twitter dahil sa mga pagkaing nakikita ko.

In-off ko na lang ang data ko at isinantabi ko ang phone ko sabay humiga ulit. Gusto ko talaga ng pizza eh.

Makaalis na nga para makabilis ako.

Inayos ko lang saglit yung bag pack ko tsaka lumabas sa kwarto. Naka yuko lang akong naglakad sana palabas pero bumangga ako.

Hindi sa kung saan kasi ang bilis ng tibok ng puso ko.

Napatingala ako tapos tiningnan ko siya saglit. Alam niyo naman, yung mata niya nakakadala. Di ko kaya titigan.

"Sorry." Bulong niya.

I frowned. Huh? Sorry?

"Di ko rin alam kung bakit ka nagalit sa'kin pero sorry. Kumain ka na muna bago ka umalis." Plain niyang sinabi tsaka dumiretso sa kusina.

And there, I saw a whole box of pizza na parang kaka-open lang. Huhu. Feeling ko nag heart-heart mata ko sa nakita ko.

Mag iinarte pa ba ako? HAHAHAHA! Lilantakan ko agad 'tong pizza. It's S&R. Pepperoni. Yeeeeey!

Want to Know What Love is? (Bisexual Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!