Baekhyun's Pov
Nagising ako sa sinag ng araw. Nasa kwarto parin ako ni Chanyeol at yakap yakap nya ako. May nanyari sa amin kagabi, pinaramdaman nya kung gaano ako ka espesyal pero ibang pangalan ang binabanggit nya.
"Hihintayin ko na ang pangalan ko naman ang sasambitin mo. Dahil mahal na mahal kita." hinaplos ko yung mukha nya. Dahan dahan kong inialis yung mga kamay nya na yumayakap sa akin. Dahan dahan kong pinulot yung mga damit ko sa sahig at nag tungo sa kwarto ko. Doon ko binuhos yung luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko. Pero para sa anak ko magiging matibay ako. Nag ayos na ako ng sarili at bumaba sa kusina.
"Good morning Nay Rose. Anu po yung breakfast?" Tanong ko.
"Gising ka na pala anak halika at kumaen ka na. Eto nagluto ako ng lugaw alam ko naman na ito na yung pinaglilihian mo. At eto may prutas at gatas din para maging malakas kayo ng baby mo."
"Wow ang sarap naman po nito. Nay panu po gumawa ng hang over soup?"
"Bakit naman?"
"Si Chanyeol po kasi lasing pagkauwi kagabi napasarap sa kwentuhan nila kai at Sehun."
"Ay ganun ba sige gagawa ako ng hangover soup."
"Wag na nay ako na lang po. Ituro nyo na lang po sa akin."
"Sige." Pagkatapos ko kumaen tinuruan na ako magluto ng hangover soup ni nay Rosa. Pagkatapos gumawa din ako ng honey water at dinala ko ito sa kwarto niya. Nilagay ko ito sa side table kasama ang isang pain realiver. Hinanda ko na din yung suit na gagamitin nya. Dahan dahan ako syang ginising.
"Chanyeol gising na. May meeting ka ng 9am." Nagising naman sya. Pag bangon nya hinawakan nya agad yung ulo nya. Kinuha ko yung honey water at ung gamot at binigay sa kanya.
"Eto inumin mo. Marami ka yatang nainom kagabi." Tinignan nya ako. kinuha nya ung honey water at yung gamot at ininum nya. Palabas na ako ng kwarto nya ng tawagin nya ako.
"Baekhyun....."
"Bakit?"
"Maraming salamat."
"Wag kang mag alala ginagampanan ko lang yung role ko bilang asawa mo. Kasama na dun yung pag siping sa yo."
Umalis na ako ng kwarto at nag ayos ng sarili papasok ng opisina.
Chanyeol's pov
Nagising ako ng may tumatapik sa akin.
"Chanyeol gising na. May meeting ka ng 9am." Pag mulat ko mukha agad ni Baekhyun yung nakita ko. Medyo namumula yung mata nya. Naalala ko na may nangyari sa amin kagabi. Pag bangon ko agad na sumakit yung ulo ko. Marami akong nainom kagabe kaya eto may hang over.
"Eto inumin mo. Marami ka yatang nainom kagabi." Binigay ni Baekhyun yung honey water at gamot sa akin agad ko naman ito ininom. Napansin ko din na nakahanda na yung suit na susuotin ko. At si Baekhyun ang gumawa. Paalis na sya ng kwarto ng tawagin ko sya.
"Baekhyun....."
"Bakit?"
"Maraming salamat."
"Wag kang mag alala ginagampanan ko lang yung role ko bilang asawa mo. Kasama na dun yung pag siping sa yo."
Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na sya ng kwarto ko. Di ko alam kung bakit ako nasaktan sa sinabi nya sa akin?
PAgkatapos kong mag ayos ng sarili bumaba na ako at nag punta ng kusina.
"Gising ka na din pala. Eto kainin mo alam kong lasing ka kagabi. Yung asawa mo ang nag luto nyan." Kinaen ko yung hangover soup na niluto ni Baekhyun sa akin. Pagkatapos kong kumaen sakto naman na bumaba na si Baekhyun mula sa kwarto nya.
"Tara sabay na tayo." Sabi ko at ngumiti lang sya.
Wala kaming imikan sa byahe. Hanggang sa makarating kame ng opisina. Ngayon ang unang araw nya bilang secretary ko. Habang nag lalakad kami sa lobby nakita ko na puro bulungan yung mga empleyado. Kaya hinawakan ko ang kamay nya at sabay kaming sumakay ng elevator. Pilit nyang iniaalis yung kamay nya pero mas malakas ako kaya wala syang nagawa.
Pag dating sa opisina dumeretcho na sya sa table nya at ako naman ay pumasok na sa opisina ko. Mga 9am kumatok sya tinatanung kung ready na daw ako para sa meeting.
May stockholder meeting kame ngayon at balita ko may isang stockholder ang papasok ngayon dito. Hindi ko sya kilala si mamita lang yung nakakaalam. Malapit daw ito kay mamita. Hindi ko lang alam kung sino.
Pag dating namin umupo ako sa gitnang bahagi ng lamesa. At si Baekhyun naman ay nasa gilid ng kwarto.
"Good morning everybody. Before we start our meeting let me introduce to you our newst stockholder please welcome Mr. KIM Tae Woo." At pumasok yung bagong stockholder. Laking gulat ko kung sino yun. Yun ung lalaking kasama ni Baekhyun sa Maldives. Yung tinatawag nyang Kasper.
"KASPER!!" Narinig ko na sinabi ni Baekhyun.
At nakita kong kinindatan nya si Baekhyun. Di ko namamalayan na nakukuyom na yung kamao ko.
Pag katapos ng meeting agad nyang pinuntahan si Baekhyun. Mukhang niyaya nyang kumaen sa labas si
Baek. Lumapit ako at inakbayan ko ang asawa ko.
"Sorry pero may lunch date kame ng ASAWA KO!" Pag didiin ko sa salitang asawa para alam niya na may nagmamayari na kay Baekhyun.
Hindi ko alam kung bakit naiinis ako pag nakikita kong magkasama sila. Hindi ko maiwasan di magalit sa kanya. Nag seselos na ba ako?????
______________________________--___________
Anu sa tingin nyo? Nagseselos na b si Yeol?
BINABASA MO ANG
Trap Marriage ( Completed)
FanfictionNormal lang ang buhay ng isang Byun Baekhyun. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating sa buhay niya ang isang Park Chanyeol. isang lalaki na magpapabilis ng tibok ng puso nya. ang lalaking maituturing nyang 1st love. sa unang kita palang ni baekhy...
