Chapter 3

4.1K 65 2
                                    

Yna's POV

tatlong buwan na din ang nakalipas mula noong nagkita at nagkausap kami ni Nic Ian Melendez. napalapit na din yung loob ko sakanya hanggang sa tuluyan ko siyang sinagot.

Nicx: anong oo? tayo na?

yna: hahaha sige na nga

Nicx: talagaa?

yna: oo hahaha

nicx: YEEEESSSSSSS!!!

yna: ay hahahahhaa

nicx: di ko akalain na yung babaeng pangarap ko dati eh nasa akin na ngayon..

ganyan yung eksena namin last week nung sinagot ko siya  which is May 13 .

kasalukuyan akong naghihintay na mag chat siya dahil bigla na lang siyang nawala 6 hours ago. habang abala sa pagbabasa biglang tumunog yung cellphone ko.

Nicx: "Bbyyy 😭😭"

Yna: anyare sayo?

Nicx: naospital yung friend ko 😭

Yna: ano nangyare?

Nicx: ewan ko pababa daw sya ng bus tapos nahilo siya pupuntahan ko nga eh.

yna: sige po ingat ka.. boy ba siya?

Nicx:  girl po. 😭

Yna: ah yung girl bestfriend mo?

Nicx: No it's a friend.

natigilan ako sa nabasa ko.. paanong? paano siya nagkaron ng kaibigan na babae? ang kwento niya sa akin isang babae lang ang kaibigan niya and yun yung girlbestfriend niya na medyo pinagseselosan ko.. you know why pinagseselosan ko yun? dahil may time na nagusap kami tungkol sa girlbestfriend niya ..

*flashback*

Yna: pano if dumating sa time na papipiliin ka ng tao between me and your girl bestfriend?

Nicx: wag mo akong papipiliin sa inyong dalawa kasi masasaktan ka lang...

ang sakit non. hindi pa niya sinasabi yung sagot pero mukhang alam ko na..

*end of flashback*

Madaming reason kaya ako nag selos sa girlbestfriend niya. lagi silang magkasama, sweet sila, si Nic pa yung nag tatali ng sintas ng sapatos niya lagi kasi di daw siya marunong like duh mag 18 na siya this year tapos magsintas ng sapatos di niya alam? hmm..

madami akong napapansin kay nic pero binalewala ko. Alam kong hindi niya ako mahal pero inisip ko na mapapamahal din siya sa akin.

hanggang sa dumating ka yung time na napamahal siya sa akin sobrang mahal niya ako. sobrang makulit siya sakin, sobrang lambing pero nalaman ko na yung sinasabi pala niya na friend niya na nahospital last month nung pababa sa bus eh kalandian niya din pala. na tinimer niya ako pero hiniwalayan niya yung girl dahil napamahal na siya sa akin.

It's been 3 months mula nung naging kami ni Nic. kasalukuyan akong nag aayos dahil nagbakasyon uli sila dito sa baguio. this will be the first time na magkikita kami bilang couples and im so nervous.

Nic: asan kana?  malapit na ako sa inyo.

Yna: yep. im ready na din.

nic: dont eat breakfast mag brebreakfast tayo sa labas

yna: alright.

nic: andito na ako where are you?

yna: pababa na..

agad akong lumabas at nagpaalam. Kinakabahan ako pero sige lang..
habang naglalakad unti unti ko siyang natanaw, agad siyang lumapit sa akin pagkatapos ay inalalayan niya ako pasakay sa isang kotse kung san nakasakay ang tito,mama at ate niya.

agad naman akong nakipagbatian sakanila pagkatapos ay agad na naming tinahak ang daan, tahimik lang akong nagmamasid sa labas , hindi ako kumportableng kausapin siya.. nahihiya ako..

nagulat ako nung bigla niyang paglaruan ang kamay ko, pagkatapos ay agad niyang isiniksik ang kanyang mga daliri sa pagitan ng daliri ko.. magkahawak kamay kami buong byahe pero tahimik pa din kami..

"what do you want to have ija?" tanong sakin ng nanay niya nung makarating kami sa isang kilalang restaurant

"chicken and rice na lang po." nahihiyang sabi ko.

"wala ka ng gusto?" tanong sakin ni nic

"wala, kumain naman na ako sa bahay"
kunwaring sagot ko pero ang totoo ay nahihiya lang talaga ako..


"sabi ko wag ka kakain sa bahay niyo eh" biglang singit ni nic . nginitian ko na lang siya.

madami silang naging tanong sa akin pero mas madalas ang pang aasar nila sa amin ni Nic maya maya pa ay isinerve na ang mga pagkain namin at masaya kaming nag usap usap ..

"Sweet si Nic sayo?" biglang tanong sa akin ng ate niya. bigla akong napatingin kay nic bigla tapos ngumiti lang siya sa akin.

"opo" walang alinlangang sagot ko.

"ang daya sa gf mo sweet ka tapos sa akin na ate mo hindi!" nagtatampo kunwaring saad ng ate niya.

"malambing naman talaga yang si nic , ikaw lang tong nagmamaldita ayan tuloy lumayo loob niya sayo. dati kaya sunod ng sunod sayo yang kapatid mo kahit sinusungitan mo." biglang singit ng mama nila.

"oo nga kasi ate maldita ka" nakangiwing sabi ni nic sa kanyang ate.

habang kumakain ay nag aasaran sila kaya naman nung natapos na kami ay agad akong inalalayan ni nic papasok sa kotse.

nagpunta kami sa isang sikat na pasyalan dito sa baguio pero hindi na kami nakababa upang kumuha ng mga larawan dahil na rin sa bumabagyo. buong magdamag ay hawak ni Nic ang kamay ko at tila ba wala siyang balak na bitawan iyon. bago nila ako ihatid pauwi ay gumala muna kami sa sm at kumain.

natapos ang araw na masaya, nag kwentuhan kami sa chat ni Nic at napag desisyunan namin na magdate ng kaming dalawa lang kinabukasan dahil babalik na din sila sa Laguna.

Mr. ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon