Fifty three

1.5K 76 20

"H-hindi sa ganoon." Sabi niya. "Please, understand me."

"Naririnig mo ba sinasabi mo sa akin ngayon ha, Sharlene?" Tanong ko. "You're asking me to let go of my husband and my son's father para sa anak mo?"

"Please, Kisses." And right there, she cried.

Gusto kong makaramdam ng awa pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob si Sharlene para humarap sa akin at hilingin ang mga bagay na ganito.

"I'm sorry, pero hindi ko kayang ibigay ang hinihiling mo."

Tumayo na ako at mabilis na lumabas ng restaurant pero nahabol ako ni Sharlene. She kept on begging pero wala talaga akong maramdaman. Sa inis ko ay hinarap ko siya.

"Alam mo? Matagal ko ng gustong gawin sayo 'to," I said and slapped her right cheek. "That's for kissing my husband," And slapped her left cheek, "And that's for ruining my family."

Umiyak lang siya sa harapan ko and kept saying sorry pero wala eh. Wala akong maramdaman.

"And telling me na nabuntis ka ni Donny?" I ask. "I know my husband more than I know you, and do you see this?" Tanong ko sabay pakita ng singsing ko sakanya, "This is the proof that nothing happened between you and him. You maybe kissed but you did not had sex, so paanong mangyayari na anak niya 'yan?"

Hindi siya nakasagot. "I was just healing myself, Sharlene. Dahil na rin sa shocked ako, but that doesn't mean I will let go my husband. I will never ever give you my husband. He's mine, only mine." And yeah, just like what Angel Locsin said, akin lang ang asawa ko.

Tinalikuran ko na siya at mabilis na pumara ng taxi. Habang nasa sasakyan ako ay doon ko napagtanto na hindi naman talaga ako galit; siguro ay nagulat lang ako sa bilis ng mga pangyayari. Hindi ko rin naman maitatanggi na kahit ano pang gawin ni Donny ay mamahalin at mamahalin ko pa rin siya.

Pagdating ko ng apartment ay nakita kong naghihintay si Donny sa tapat ng pintuan. He was looking down kaya hindi niya ako napansin.

"Hey," Tawag ko sa kanya. "Bakit ka nandiyan?"

"Bub... Kisses!" He said at niyakap ako ng mahigpit pero siguro nung narealize niya na yakap niya ako ay binitawan rin niya ako. "S-saan ka galing?"

"May pinuntahan lang." Sabi ko at pumasok na. "Dito ka na matulog, Donny."

"O-okay lang ba?"

"Yeah."

"Pwede bang tabi kami ni Elijah?" Tanong niya.

I nodded, "Oo naman. Sa kabilang kwarto muna ako."

"S-sige.." Sabi niya. "G-goodnight."

"Goodnight."

Liked by hannahpangilinan, ellapangilinanx, mommymaricel and 209, 870 others

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Liked by hannahpangilinan, ellapangilinanx, mommymaricel and 209, 870 others

donny: I missed you and kirby. I love you. 💖

➖ comments disabled

Somebody out thereBasahin ang storyang ito ng LIBRE!