Chapter 58: (I Just) Died In Your Arms

It's been three years since I died in his arms XD

One of my favorite chapters ever. Ewan ko na lang kung magugustuhan nyo to. As always, comment and vote pag nagustuhan

PS: Thanks sa comments sa Ch57! Nakakatuwa, ang hahaba ng comments. Keep it up!

-

PEOPLE ALWAYS LEAVE.

Isa yan sa pinakanatatandaang linya ni Barbs mula sa One Tree Hill. Feel na feel pa nga nya yung pagkakasabi ni Peyton Sawyer ng linyang yan.

PEOPLE ALWAYS LEAVE.

Hindi nya maintindihan kung bakit hanggang pag-uwi nya.. sobrang sakit ng nararamdaman nya. Siguro, di nya tanggap na patay na si Lola Babes.

"Lola? Sinong lola?"

Tinanong pa nya yun kay Lean. Baka kasi yung foster grandparents nya yun, di naman nya sure kung buhay pa sila. Imposibleng si Lola Babes yun. Not her.

"Uhh.. Barbara Tanchingco raw. Akala ko nga ikaw, kapangalan mo kasi. That's weird."

Di, ibang Barbara yun, yan ang naisip nya. Baka naman nagkamali lang ng tawag kay Cyrus. Malay ba natin kung ilang Barbara ang nandun sa home for the aged? Imposible namang sya lang ang nag-iisang Barbara dun.

Gusto nyang itago ang pagkabigla nya mula kay Lean. Baka kasi pag nagreact sya, magtanong ito at madulas pa sya sa sikreto ni Cyrus. Dineny pa nya last time na close silang dalawa.

"Aahh.. Pakisabi na lang po sa kanya na condolence," yan na lang ang nasabi nya, walang emosyon. "Sige Lean, una nako. Hinihintay nako ng team."

Tumango si Lean. "Sige, sasabihin ko sa kanya. Sht yung team ko pala!"

Inunahan na ni Barbs na makalabas ng room si Lean. She couldn't believe it. Si Lola Babes.. wala na? Parang a 3 weeks ago nagkausap pa sila ah! Yung pag-uusap nga nila na yun ang pinaka-intimate na usap ever sa buhay nya. Sa taong di pa nya close, ang dami nyang nasabi.

Pagbalik nya sa Ravenettes, agad syang nagpaalam na uuwi na, kasi dadating ang ate nya. Totoo naman yun, kaso mga 9pm pa ito dadating. Nagdecide na ang team na umalis na rin para makapagpahinga para sa game bukas ng hapon.

Denial pa rin sya hanggang sa kwarto nya. Nilock na nya ang pinto at dun na umiyak.

Sabi pa naman nya sa sarili nya na di na sya iiyak pag may namatay na mahal nya sa buhay. Bakit, katwiran nya, pag umiyak ba ako mabubuhay ulit sila? Tama na para sa kanya ang nangyari kay Vicky, nasaid na ang tearducts nya dun.

Pero bakit para kay Lola Babes, na dalawang beses pa lang nya namimeet, ganto na agad sya makaiyak? Ni wala nga syang alam tungkol sa matanda kundi ang pangalan at koneksyon nito kay Cyrus. Bakit ganto sya makareact?

"Kasi hindi ka masasaktan kung wala kang nararamdaman."

"Damal talaga si Lola Babes," medyo natatawa pa nyang sabi. Kahit inis na inis sya sa litanya na yun tumatak sa kanya yun. Kasi totoo nga naman. In a way naattach na rin sya sa matanda. Nilabag na naman nya ang rule nya about attachments.

May isa rin syang iniisip.

Si Cyrus. Kamusta kaya sya?

She wanted to call him, to ask if he's alright.. kaso san sya lulugar? Yun ba talaga dapat ang role nya? Strangers sila ah, kailangan bang magpakita ng affection sa kapwa stranger.

There's this little nagging voice inside her, telling that she should swallow her pride and comfort him. Kaso taong bato 'tong si Barbs, ayaw patinag. Kahit kating-kati na ang mga kamay nya na itext o tawagan si Cyrus pero she restrained herself.

Kung tama si Lola Babes, yes, she cared for him once. But that's enough. Kung ang kapalit din ng care na yun e paninira ng tiwala.. ayaw na nya mag-aalala kahit kelan.

Di nya alam kung paano sya nakatulog kahit kumikirot ang damdamin nya. Ganun siguro pag sobrang sakit na ng nararamdaman mo, mas gugustuhin mo na lang matulog kesa isipin kung paano ihandle ang sakit. Mas nakakabaliw kasi.

-

FRIDAY

Sira na agad ang araw ni Wes.

"I told you to focus on your acads! Di yang puro na lang basketball yang inaatupag mo!"

Umuwi kasi ang daddy nya the day before galing London para sa Christmas break nito. Ayaw sana sabihin ni Wes ang exhibition game nila mamayang gabi kaso madaldal ang nanay nito.

"Wala naman po kaming masyadong ginagawa ngayon, patapos na rin kasi ang school year," maayos pa nyang sagot sa tatay nya.

"Kahit na, dapat nag-aaral ka pa rin. Paano na sa pasukan this January, di ba quarterly exams nyo na yun? Kelan ka pa magrereview for that?"

Nawalan na ng gana kumain si Wes. Sana pala maaga na lang syang gumising para nasa school na sya ngayon. "Kung gusto nyo lang naman manood, Pa. I'm not forcing you to go."

"Ayoko ng tono mong yan. Sumagot ka ng maayos!"

"Pa naman," umextra na ang mama nya. "Manood na tayo mamaya, last game na to ni Wes oh. The next na uwi mo graduation na nya."

"Basketball's just a wa--"

"Okay lang po na wag kayong manood, I'm not forcing you," medyo padabog na sabi ni Wes.

"Ayusin mo yang tono mo, Wesley. Nasa harap tayo ng pagkain," warned his dad.

"Pa.. umattend na tayo, okay?"

"Hindi naman po importante yun, Ma. Exhibition game lang naman yun."

"Importante kaya yun Kuya!" bulong sa kanya ni Anais. Sinamaan na lang ni Wes ng tingin ang kapatid nya para di na magsalita. "Sorry."

Nahihirapan naman ang mama nila sa sitwasyon na yun. "Basta anak, manonood kami later, okay? We'll be there."

Gusto sanang paniwalaan ni Wes yun, but knowing his dad, imposibleng mangyari ang iniisip nya. "Text nyo na lang ako pag pupunta kayo ah? Una nako, ma pa."

Tumayo na sya at sinukbit ang bag nya.

This is gonna be a long day for him.

If I FallRead this story for FREE!