Fifty

1.6K 92 34

Inside Showbiz @inside_showbiz
"Donny Pangilinan was spotted at NAIA; leaving Philippines soon?"
9:30 AM · 04 SEP 2022

Donny Pangilinan was spotted at NAIA; leaving Philippines soon?

Accordingly, Donny Pangilinan was in a hurry; catching the earliest flight to New York

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Accordingly, Donny Pangilinan was in a hurry; catching the earliest flight to New York. He did not allowed our team to interview him but he said something that woke up our curiosity.

"I'd rather lose my credibility as an actor than to lose my wife and my son." He said. "I would not let my son grew up without a father."

What do you think happened in New York?

I was silently praying na sana nasa bahay pa sila. Na sana hindi naisipan ni Kisses na magtago sa akin. Dahil kapag nangyari 'yun hindi ko alam kung ano kaya kong gawin.

As soon as we landed, I ran as fast as I could. Buti nalang at isang backpack lang ang dinala ko. Wala na rin naman kasi akong panahon para magimpake pa.

Walang nangyari sa amin ni Sharlene. I was too drunk para makipagkahalikan pa sa kanya sa kama. And I never expected her to do that, alam niyang mahal na mahal ko 'yung asawa ko.

Abot yata hanggang sahig 'yung kabog ng dibdib ko nung makarating na ako sa bahay namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala sila dito.

"Donny?!"

Nakahinga ako ng maluwag nang nakita kong nandito pa ang mag-ina ko.

Lumuhod ako kaagad sa harapan ni Kisses, hindi ko na napigilang hindi umiyak. Hindi ko kasi talaga kakayanin ko mawawala siya sa akin.

"Ano bang ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan." Aniya.

"Pakinggan mo muna ako, please." Pagmamakaawa ko.

"You don't have to kneel, Donny."

Hindi ko siya pinakinggan. Hinalikan ko 'yung kamay niya kahit pa na nanlalabo na 'yung mata ko dahil sa luha.

"Hindi ko ginusto." Sabi ko. "Hindi ko gugustuhin na lokohin ka."

Huminga ako ng malalim, "I would never do that, Kisses. Kasi alam kong ikaw 'yung mahal ko eh."

Pinipilit pa rin niya akong tumayo pero niyakap ko siya habang nakaluhod ako.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa naiisip kong kaya niyang gawin. Nakita ko sa mata niya 'yung sakit, at natatakot ako na baka iwanan niya ako.

"Tumayo ka diyan, Dons." Paguulit niya.

Umiling ako, "Huwag muna, please."

Inalis niya 'yung pagkakayap niya sa akin at lumevel sa akin. Nakita ko 'yung lungkot sa mata niya.

Pinunasan niya 'yung luha ko, "Hindi mo kailangan umiyak, Dons."

Hinawakan ko 'yung kamay niya at pumikit. Lord, wag naman ganito. Please. Wag naman sana.

Ramdam ko 'yung tuloy tuloy na pagbuhos ng luha ko. Alam ko na kasunod nito eh. Alam ko na.

"Dons.." Pagtawag sa akin ni Kisses. "Maybe we can take a break?"

Umiling ako kahit nakapikit ako, "Ayoko."

"Pero pareho tayong mahihirapan."

"Okay lang na mahirapan ako, basta kasama kita dito. Kasama ko kayo ng anak ko."

"Pero, donny."

"Stop." Sabi ko. "Don't run away, kasi kahit saan ka magpunta hahanapin kita."

Huminga ako ng malalim, "Kahit saan ka magtago, hahanapin kita. Baliktarin ko man ang mundo, gagawin ko."

"Hindi naman ako magtatago, gusto ko lang maghilom 'yung sugat."

Doon na ako napaiyak, "Hindi ko kaya."

"Hindi ko kakayanin." Iyak lang ako ng iyak habang hawak 'yung kamay niya. "Utang na loob, huwag mo naman akong iwanan."

Niyakap niya ako ng mahigpit, "Magpahinga ka muna, dons. Ang haba ng naging biyahe mo eh."

Tinulungan niya akong tumayo, humalik muna ako sa anak namin bago kami pumunta sa kwarto. May nakuha na ring nag-aalaga si Kisses para kay baby Elijah.

"Promise me na hindi kayo aalis ni Elijah habang tulog ako." Sabi ko habang pahiga ako.

"Matulog ka muna, Donny." Sabi niya.

"I love you, Kisses."

Sabi ko at hinalikan siya sa noo. Mabilis lang akong nakatulog dala na rin siguro ng pagod at pag-iyak ko kanina.


Ps. Last update for today. :D
Pps. Sorry sa updates ko, medyo sabog pa ako sa reports ko sa work. Pero, I love you ol, sibs! 💖

Somebody out thereBasahin ang storyang ito ng LIBRE!