*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

CHAPTER 58.2: Live and Love

381 8 1

Luhan's POV

*After 2 days**

"Manager, may pupuntahan lang ako!" pagmamadali kong paalam kay Manager Soo

"Huh? Saan ka naman pupunta?"

"Kay Patchii Manager... Kay Patchii..."

"Te-teka... hindi ba nasabai sayo na--"

Hindi ko na pinatapos pa yung sasabihin ni Manager. This time, ayoko ng mahuli. Ayoko na. Gusto ko siya makausap. Gusto ko mag sorry. At higit sa lahat, gusto ko ipaalam sakanya kung gano ko siya kamahal.

Naging bobo ako eh. Inuna ko yung galit. Hindi ako agad nagtiwala.

2 days makalipas nung pag uusap namin ni GDragon. Hindi ko agad naharap si Patchii nun kasi sunod sunod yung mall tour, guestings, fan day at kung ano ano pa. Kaya ngayon lang ako nagkaron ng time.

Ginamit ko yung motorbike nung kaclose kong staff. No need to balance kasi motorbike lang naman. Nagpunta ako ng school nila.

Na walang kadisguise disguise.

Nagbabaan ang mga studyante pag dating ko. Nilapitan nila kong lahat. Pero hindi ko sila pinapansin, hinahanap ko sa mga estudyante sa paligid ko si Patchii.

"Luhan??? anong ginagawa mo dito?"

Napatingin ako sa nagsalita. Nabuhayan ako  bigla.

"Chamae! Tulungan nio muna ako makaalis dito" sagot ko.

Tinulungan naman nila akong makaalis sa gitna ng mga estudyanteng yun. Talagang pinalibutan nila ko. Tapos nagpipicture sila kahit hindi ako nakatingin.

Dinala nila ako sa rooftop ng school nila.

Si Tarie, Chamae,Shan at Yurisu nasa harap ko ngayon.

Bakit kulang sila?

"Luhan? miss ko kami no?" Yurisu

"Si Patchii miss niya hindi ikaw Yurisu!" Shan

What is LOVE(EXO ft. GDragon Fanfic)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!