Chapter 15

767 37 4
                                        

Chanyeol's Pov

Pagdating namen sa parking lot binitawan ko sya. At hinawakan yung kamay nya mukhang napahigpit yung hawak ko sa kanya.



"Ikaw hindi lahat ng utos kailangan mong sundin. May mga utilities naman dyan na pwedeng utusan. Di mo naman gawain yun. Paano kung nahulog ka sa upuan, mapapahamak pa yung anak naten. "



"Sorry hindi ko na uulitin."



"Simula bukas dun ka na sa opisina ko magtratrabaho."



"Eh anu naman ang gagawin ko dun?"



"Ikaw na ang magiging secretary ko."




"Diba may secretarya ka na?"



"Nasa maternity leave kaya ikaw ang papalit sa kanya. At para mabantayan kita."


"ei bakit mo ako babantayan?"



"Para makita ko galaw mo. Mamaya aakyat ka nanaman sa upuan at mapaano ka."


"Sige."


"Pumasok ka na sa kotse."


"Teka saan tayo pupunta?"




"Remember na inenroll ka ni mamita sa may lamase class."



"Ay oo nga pala. Teka sasama ka ba talaga?"




"Malamang sasamahan kita."



"Sigurado ka ba dyan?"



"Oo nga. Pasok na." Habang nasa byahe kame narinig kong kumalam yung tyan ni Baekhyun.



"Anu gusto mong kainin?"


"Huh? Di naman ako guto…" at tumunog ulet yung tyan nya

"Di daw gutom pero tumutunog ung tyan..."



"Gusto ko ng lugaw. Ung mainet."


"Sige punta muna tayo sa may restaurant."


"Teka ayaw ko nung lugaw na mamahalin. Gusto ko dun sa gotohan na malapit lang sa bahay naten."



"Teka malinis ba doon?"


"Oo naman. "



At nagpunta kame sa may gotohan na sinasabi nya. Maraming tao. Umupo kame sa loob at nag order ng lugaw.



"Isang lugaw na may laman then tokwa't baboy at itlog. Ikaw Chanyeol anu gusto mong kainin?" Di ko alam kung anu ung oorderin ko. Di naman ako kumakaen sa ganung kainan.



"Ah kung anu na lang inorder nya yun na lang din yung akin."



"1st time mong kumaen sa mga ganitong kainan no?" Tumango ako bilang pag sang ayon.


"Wag kang mag alala pag mas madaming tao mas masarap. At saka malinis dito. "


"Kelan nga pala next pre natal check up mo?"


"Next week bakit?"


"Sasamahan kita."


"Ha? Baket?"


"Anung baket? May karapatan naman akong sumama ah at saka gusto kong makita kung healthy kayo ni anak naten."



"Teka wala ka bang mga meeting? AT sasamahan mo ako sa clinic?"



Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon