Forty seven

1.7K 76 9

Hindi ko alam kung ganoon ba talaga kalaki 'yung nagawa kong kasalanan para hindi ako kausapin ng asawa ko. Tatlong araw, tatlong araw niya akong hindi nirereplayan. Hindi rin niya sinasagot mga tawag ko.

Napabuntong hininga nalang ako habang papasok sa restaurant; magkikita kasi kami nila Jairus.

Pero parang gusto ko nalang lumabas ulit at umuwi nung nakita kong nandoon si Sharlene. Mas titindi kasi galit ng Misis ko eh.

"Bro!" Sigaw ni Jairus at lumapit sa akin. "Uuwi ka? Kakarating mo lang ah?"

"Hi, don donny!" Bati ni Sharlene sa akin.

Nginitian ko lang sila at inagawan ng upuan si Jairus. Sa tabi nalang kasi ni Sharlene 'yung may bakanteng upuan.

"Hanggang kailan ka pa dito, dons?" Tanong ni ate AI.

"Hindi ko pa sure eh."

"Buti at pinagbigyan mo kami ngayon?" Tanong ni Sharlene. "Di magagalit si Kisses?"

Galit na nga eh. "Nagpaalam naman ako."

Nagtuloy-tuloy ng 'yung kwentuhan hanggang sa magkayayaan na pumunta sa bahay namin. Pumayag nalang ako dahil wala rin naman ako sa mood na tumanggi.

Sumabay sa akin si Sharlene, ewan ko pero nakakaramdam  a ako ng pagkainis.

"Dito ka nalang muna sa Pinas, dons." Pabirong sabi ni Sharlene.

Ngumiti lang ako. Buti nalang ay saktong nasa bahay na kami. Pagbaba ko ng sasakyan ay masamang tingin ni Hannah ang sumalubong sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako. Kakampi nga pala ni Kisses ang isang 'to.

"Hi, hans." Bati ni Sharlene. Hannah just smiled and walked away.

"Galit ba si Hans sakin?" Tanong ni Sharlene.

Nagkibit balikat lang ako. Dumating na din 'yung iba kaya naman tumuloy kami sa may swimming pool area.

Napansin ko naman na kanina pa dikit ng dikit si Sharlene sa akin, tho sanay naman ako na ganon siya.

"Dons, what if hindi kayo kinasal o nagkabalikan ni Kisses? You think you'll fall for other girl?" Biglang tanong ni Sunny.

"Bakit naman ganyan tanong?" Tanong ko.

"Napaisip lang ako." Ani Sunny. "What if lang."

"Kung hindi man siya nakipagbalikan sa akin, most probably, I'll be the one to." Sabi ko. "As I have said, I'll fly to New York the next day kung hindi siya magmemessage sa akin."

"You really love her 'no?" Tanong ni Jairus.

"Sobra." Sabi ko sabay ngiti. "I can't imagine my life without her in it."

Ngumiti si Ate AI sa akin, "Kisses really stretches you 'no? Hindi ka naman ganiyan dati."

I smiled, "I've learned from the best."

Tumawa nalang kami. But, si Sunny at Sharlene biglang tumahimik.

"You okay?" Tanong ko kay Sharlene.

"Ang manhid mo 'no?" Sabi ni Sharlene.

Napakunot noo ako, "What?"

She laughs without humour, "Ang manhid manhid mo, dons."

"What?"

Tumayo si Sharlene, "Gusto kita, Dons. Bakit ba hindi mo maramdaman 'yun?!"

"S-sharlene..."

"Napaka-manhid mo! Nandito naman ako eh!" Sigaw niya sa akin. "Mahal naman kita."

"S-shar.." Wika ko. "May asawa't anak na ako."

Somebody out thereBasahin ang storyang ito ng LIBRE!