"Caleb, ano?" Namaywang pa ako at nag-iwas naman siya ng tingin.

"S-Si Mr. Weston... Nag-hire ng mga bagong tao. Nagsisimula na sila sa labas."

"What!" I exclaimed. "Sinong nagbigay sa kanya ng karapatan? The hell!" Napalo ko ang kamay sa mesa.

I dashed to Zed's office, which was now occupied by Thorn. Nangigigil ako nang itulak ko ang pinto. May kausap siya sa cell phone at nagulat sa pagpasok ko.

"Who gave you the right to intrude with my decisions?" Bumagsak ang mga kamay ko sa mesa niya. "Bakit ka tumanggap ng mga bagong tao na hindi ko nalalaman?"

Bumaba agad ang mga mata niya sa suot ko saka napakunot-noo. "Sweetie, I'll call you back later," paalam niya sa kausap.

The fuck! Sinong sweetie ang kausap niya? Si Lucille ba? Kaya pala ni hindi ko man lang siya nakitaan ng kahit na anong attraction sa muli naming pagkikita. Samantalang noon, we already had sex on the first day we met. And the night before he vanished, he couldn't control his urge, so we ended up fucking inside an empty storage!

Hindi man lang siya tumayo. He's looking directly at my collarbone. I don't care if my cleavage is showing  clearly visible to him dahil sa pagharap ko sa kanya. All I cared about was him controlling my property!

Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya. "I was tasked by your father, Ms. Rhyce. Or, to put it another way, your parents trusted me more than their own daughter."

"Liar!" mariin kong sabi. Hindi ko inaalis ang titig sa mga mata niya. Nagpupuyos ang aking damdamin sa galit.

"I never lie, Ms. Rhyce," he grunted. Fighting back the look in my scorching eyes.

"Never? Huh!" Gumalaw ang mga kamay ko sa hangin. Pero muli ko ring ibinalik ang tingin sa kanya. Bumaba ang mga mata ko sa cell phone niyang nasa ibabaw ng mesa. Mabilis kong inagaw iyon.

I saw him stood up and stepped to come near me. Itinaas ko ang kamay sa harap niya. "Stay where you are. I know you're lying," I warned him.

Nagsimula akong magpindot ng numero. Pinanood lang niya ako. Bahagya akong tumalikod nang marinig ko ang tunog sa kabilang linya.

"Thorn, hijo. Mabuti at tumawag ka. Napasunod mo na ba si Ada? Okay na ba kayo? Do all you can, son. Medyo may katigasan lang talaga ng ulo ang batang iyan. But just like I said, it is now your responsibility to tame and take care of her..."

"D-Dad?" Halos bumara ang lalamunan ko. I felt betrayed.

"A-Ada? Kasama mo ba si Thorn? Hija, sana naman ay maging maayo-"

"T-Tatawagan ko na lang po kayo ulit," I told Dad and ended the call. Nanginginig ang kamay kong ibinaba sa mesa ang phone niya.

"I told you I will never lie." He sounded a little amused. No. He seemed to be mocking me. Alam kong pinagtatawanan niya ako ngayon.

Muli ko siyang tinitigan. Nasa gilid ko siya. My emotions are starting to rise once more. While his reaction told me he was in command of everything.

"N-Never, Thorn?" I asked with conviction. I caught the blink from his dark eyes when I mentioned his name. "Kahit kailan hindi ka nagsinungaling?" Nakagat ko ang labi ko.

"You're becoming irrational, Ms. Rhyce. You're mad because I bypassed you. I'm not going to make any decision if it's not for the good of your company."

Hilaw akong napatawa. "That's right. My company. Sa akin ang lugar na ito kaya wala akong pakialam sa usapan ninyo ni Dad. Paalisin mo lahat ng taong ikaw ang nag-hire!" hamon ko sa kanya.

"Why should I do that?" Tumaas ang mga kilay niya. "They're the best team. Compared sa mga tao mo."

Biglang kumulo ang dugo ko.What exactly does he mean by that? That I hired inefficient personnel? Amateurs? To think that I trained each of them myself. Fuck him!

Hinarap ko siya. Umaalon ang dibdib ko sa galit. "You know what? You are the worst thing that ever happened to me..." mariing sabi ko.

Nagbago ang reaksiyon niya. Nagkaroon ng mga guhit ang kanyang noo.

"Sana hindi kita nakilala noon. Sana hindi kita hinintay nang umalis ka. Sana.." Napalunok ako dahil sa nakaharang sa aking lalamunan. "S-Sana hindi kita hinanap nang nawala ka..." Nanginig ang labi ko at may pumatak na luha sa mga mata ko. "A-At sana, hindi na lang tayo muli pang nagkita! Fuck you, Thorn Reid Weston!"

Naglakad ako palabas ng opisina niya. Pero bago ko marating ang pintuan ay agad niyang nahagip ang braso ko. Iniharap niya ako sa kanya at saka mabilis na hinalikan ang labi ko.

He kissed me as if he was missing me. As if he was longing to put me in his arms... and caress every part of my aching heart. Marubdob ang kanyang mga halik na akala ko ay nakalimutan ko na. Mga halik na noon ay kasa-kasama ko hanggang sa pagtulog ko.

The hell, Ada! He's only pretending to be nice because you're upset, and being upset with him means he wasn't able to tame you as your father requested. And this is his only way to get back at you.

Bigla ko siyang itinulak. Then I smacked him across his face and I ran away from him. Ayaw ko nang maging tanga ulit. Isang tanga na naghintay at nanatiling umiibig sa kanya.

I Knew I Loved YouWhere stories live. Discover now