CHAPTER 32: Love Over Friendship

2.9K 72 0
                                    

CHRIS' POV

Bigla na lang nagyaya sina Justin na mag-inuman daw sa condo ko kaya hinatid ko na muna si Mary sa kanila bago ako dumiretso ng condo kung saan naabutan kong naghihintay ang mga loko. Inamin na nina Justin sa akin na sila ang nagpalista sa amin ni Mary sa Marriage Booth at sina Peter at Sheena naman ang nag-collaborate ng iba pang booth.

I'm so thankful for what they did. Dahil sa kanila ay nagkaroon kami ng moment ni Mary na kaming dalawa lang at higit pa roon ay nakapagtapat na ako sa kaniya ng tunay kong nararamdaman. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay patunayan iyon sa kaniya na siya namang gagawin ko.

"Grabe, bro! Kinilig ako sa letter mo kay Mary. Muntikan na nga akong maniwala e," natatawang sabi ni Justin na siyang unang bumasag sa katahimikang bumabalot sa aming lima.

"Mabuti na lang at naalala naming palabas lang ang lahat dahil kung hindi ay baka nadala na kami sa LSM mo," gatong naman ni Stanley.

"May nalalaman ka pang CJ," pang-aasar sa akin ni Ryan habang wala pa rin siyang tigil sa pagtawa niya.

Tahimik lang si Peter sa tabi ko dahil alam niya kung ano ang tunay kong nararamdaman para kay Mary. Matagal ko ng nasabi sa kaniya ang tungkol sa bagay na ito kaya hinayaan niya na ako sa ginagawa kong pakikipagmabutihan kay Mary.

Hanggang ngayon ay wala pa ring ideya ang tatlo tungkol sa katotohanang nahulog ako sa sarili kong bitag kaya ganoon na lang sila kung mang-asar. But I guess it's about time to tell them the truth. They're the one who started it after all. Sila ang naging daan para makilala ko si Mary kaya tama lang na malaman nila ang totoo.

"I quit," seryosong sabi ko.

Natigil naman silang tatlo sa pagtatawanan nila at naguguluhang binalingan nila ako ng tingin. Mukhang hindi nila naunawaan ang sinabi ko.

"Anong pinagsasabi mo, bro? Lasing ka na ba?" natatawang tanong ni Ryan.

"Anong quit ang pinagsasabi mo?" dagdag na tanong ni Stanley at uminom ng isang basok alak.

"Hindi ko na itutuloy ang laro," diretsahang sagot ko.

Bigla namang naibuga ni Stanley ang alak sa bibig niya habang sina Justin at Ryan naman ay hindi na maipinta ang mga mukha. Ngunit mayamaya lang ay bigla na lamang silang humagalpak ng tawa habang napapailing na lamang si Peter sa tabi ko.

"Nice joke, bro," tumatawang sabi ni Justin at tinapik ako sa balikat.

"I'm not kidding. I'm serious," mariing wika ko kaya sa pagkakataong ito ay sumeryoso na sila at sinubukang basahin kung anong tumatakbo sa isipan ko.

"Sigurado ka na ba riyan sa desisyon mo? Hindi ka kailan man sumuko o nagpatalo sa kahit anong bagay. Baka naman nabibigla ka lang sa desisyon mo," paalala sa akin ni Ryan.

"Sigurado na ako sa desisyon ko. I love her," walang pag-aalinlangan kong sagot.

"Mahal? Seryoso ka ba riyan, bro? Iyong manang at masungit na babaeng 'yon, mahal mo? Ginayuma ka ba niya?" natatawang tanong ni Justin.

Bigla namang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi ni Justin. Matatanggap ko pa ang tawagin niyang manang at masungit si Mary. Pero ang isipin niyang ginayuma niya ako ay hindi ko na mapapalampas pa.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon