Chapter 32

5.3K 189 7
                                        

"Magagawan ni ama ng paraan yan para makalimutan na niya ang nagawa niyang iyun lalo na ang damdamin niya para kay Sir Axel Jax,prinsesa.." untag ni Valerie ng ipaalam niya rito ang tungkol kay Andrea Mendes.

Ang dalagang naging istudyante ng kasintahan na siyang sumira sa reputasyon bilang guro ng huli.

Tumango siya. Alam niya na makapangyarihan ang dating panginoon ng mga lobo.

"Kung hindi nakakaabala sa kanya," aniya.

"Si Ama pa..si Mr.Cupid kaya yun,eh,si Ma'am Nimfa? Para wala ng hadlang sa inyo ni Sir Axel.." banggit nito sa guro.

Ilang beses ng umaabsent ang guro sa kadahilanan na may importante itong inaasikaso.

"Hindi na siguro,wala naman na siya ginagawa para ipilit niya ang sarili kay Axel.." aniya.

Tumango ito. "Sabagay,sige,mahal na prinsesa..ipapaalam ko kay ama ang ipapagawa natin sa kanya," paalam na nito sa kanya.

Ilang minuto mula ng umalis si Valerie dumating ang kasintahan na matamis na nakangiti sa kanya.

Napangiti siya ng makitang suot pa rin nito ang eyeglasses.

"Good afternoon,Sir Axel Jax.." bati niya at tumayo umakto siyang istudyante.

Tumawa ito sa inakto niya.

Ayie,hindi na mahiyain ang prinsesa! Tukso ng inner wolf niya.

Bigla tuloy siya nahiya dahil doon pero bago pa man mangyari yun niyakap na siya ng kasintahan.

Hinapit siya nito at umupo naman ito sa gilid ng desk niya.

"Hindi naman ako papayag na maging istudyante kita,torture yun sakin bilang guro mo," anito sa malambing na tono.

Tumawa siya ng mahina. Mabilis na pinatakan nito ng halik ang nakangiti niyang mga labi.

"Salamat sa pag-alok mo kay Andrea na mag-enrol dito," anito.

"Mas mainam kung magpapatuloy siya sa buhay niya," aniya.

"Sana makalimutan na niya.." anang ng kasintahan.

"She will and I'm sure with that," makahulugan niyang saad.

Tumango at humugot ng malalim na hininga ang binata at malambing na niyakap siya. Agad na hinaplos niya ang likod ng ulo nito na palagi niyang ginagawa.

"Can I sleep with you again?" usal nito sa may leegan niya.

Nagsisimula na muling mag-init ang katawan niya sa pagkakadikit ng katawan nila.

I want him so much! Anang ng inner wolf niya.

"Okay,let's go home.." mahina niyang saad.

Torturer! Argh!

Maliksi at tila kasingbilis ng kidlat ang bawat pagkilos at pagtakbo ng puting lobo sa gitna ng kakahuyan.

Isang oras na niya ginagawa iyun para palipasin ang in heat na sumasakop sa sistema niya. Pasamantala niyang iniwan ang kasintahan na mahimbing natutulog sa silid niya.

I'm tired,princess but we still in heat!!!!

Humihingal na huminto sa matarik na bangin ang puting lobo.

Matayog na itiningala nito ang ulo sa kalawakan habang mabining tinatangay ng hangin ang makapal na balahibo nito na tila alon ng dagat.

Ninamnam ng puting lobo ang katahimikan ng paligid at hinintay na kumalma ang nagwawala niyang hormones.

Ipinikit ng puting lobo ang may kalakihan mga mata nito at hinayaan na tangayin din ng hangin ang nararamdaman ng mga oras na iyun .

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon