Rain.Boys Chapter: 2

Magsimula sa umpisa
                                    

        "So nandito ako talaga dapat para maging gwardiya niyo Best?" sabi ko ng pabiro, mayamaya pa ay may kumatok sa pinto at bigla ako natensiyon. Iniwan ako sandali ni Best para tignan ang kumakatok na sigurado naman na si Arwin.

        "Best, nandito na si Arwin." tawag sa'kin ni John, lumingon ako sa kanila at hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang nagsalubong ang kilay ko noong nakita ko sila na magkahawak ng kamay.

        Magkatabi sila ni John na naupo sa kabilang side ng mesa, pero nasa tapat ko si Arwin.

        "Good morning Luke!" ang bati sa'kin ni Arwin ng nakangiti.

        "Walang maganda sa umaga dahil nandito ka." ang pagsusungit ko at nawal yung ngiti n'ya, habang si John medyo natawa.

        "Ha-ha, alam ko hindi kayo magkasundo pero parehas kayo mahalaga sa'kin kaya 'wag na kayo masiyado mag-iringan at kung hindi ko kayo kilala ay iisipin ko na gusto ninyo ang isa't isa." pabirong sabi ni John.

        "NEVER!" sabay namin na sabi ni Arwin, at natawa si Best habang kami ni Arwin ay nagkatinginan na nakasalubong ang kilay.

        Nakatapos na kami mag almusal na puro si John lang ang nagsasalita, at tumayo na kami para iligpit ang mga pinagkainan namin.

        "Ay naku Best 'wag na kayong tumulong, ako na lang dito, kaya ko na 'to, mabuti pa pumunta na lang kayo sa sala ni Arwin." sabi ni John, agad namang sumang ayon si Arwin at pumunta na agad sa sala, habang ako naman ay tuloy lang sa pagliligpit.

        "Sige na Best ako na lang dito, alam ko naman na hindi kayo mag-uusap ni Arwin, kaya manood na lang kayo ng movie doon sa sala, may mga bago akong DVD diyan." sabi ni John sabay kuha sa mga pinggan na hawak ko.

        "Alam mo Best nakakahalata na ako sa'yo parang nanadiya ka na talaga na pagsamahin kaming dalawa ng mokong mong boyfriend." pabirong sabi ko kay John, at pumunta na din ako sa sala.

        Nakita ko si Arwin na nakaupo sa pang isahang sofa kaya naman doon ako sa katapat na sofa naupo, nagkatinginan kami pero walang kibuan, kinuha niya ang cellphone niya at nagpipipindot habang ako kinuha ko yung mga DVD sa ibabaw ng lamesita para makapili ng panonoorin.

        Napili ko na panoodin ang Thai movie na "The Love of Siam", may katagalan na yung petsa ng movie pero mukang maganda kasi si Mario Maurer ang isa sa main cast, nang naisalang ko na ang DVD ay biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito mula sa bulsa ko at tinignan, may nag-text at galing kay Arwin ang text, napatingin ako sa kanya pero nasa cellphone niya ang mata niya, kaya binasa ko na ang text niya sa'kin:

        'Oy, bakit ang sunget mo? Kagabi lang okay tayo ah, tsaka hindi na ako naiinis sa'yo kaya 'wag ka mag-alala na baka sungitan kita.'

        At ni-reply-an ko siya:

        'Hu u po?'

        Ang reply ko kahit na naka-save na ang number niya sa'kin, at nag-reply naman siya sa'kin:

        'Aww, grabe hindi mo pa din sine-save yung number ko? Arwin 'to mukhang ang laki ng galit mo sa'kin Mr.Sunget.'

        At ni-reply-an ko naman s'ya agad:

        'Ah ikaw pala, oh bakit text pa? Hindi ba pwedeng mag-usap o magsalita na lang? Lakas makapanis ng laway. Tsaka hindi tayo close para tawagin mo ako ng Mr.Sunget, CHE!'

        Pagkatapos ko i-send ang text na 'yon ay tumingin siya sa akin at tumingin din ako sa kanya at biglang ibinalik niya ang tingin sa cellphone niya.

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon