[32] ♔ Crush

1.5K 42 4

Hana's POV.

Umiiyak lang ako. Tangina. Tagal ko yun di sinabi kahit kanino.

“Sino ba siya?”

“Kailangan ko bang sabihin pa ang pangalan?”

“Oo. Naging sila ba ng babae? Tapusin mo kasi yung past mo. Ang ganda sana. Pero baka nga hindi kayo dahil may nakalaan para sayo.” sabi nito. Isang banat pa nito. Sasakalin ko na talaga siya. Di ba niya alam na ang hirap magpanggap na hindi kinikilig.

“Mas nag-focus ako sa mga kaibigan ko. At parang naging baliktad na yung mundo. Yung dating kami yung tinutukso ngayon iba na. Nagseselos ako noon. Imagine, palagi kaming nasa isang room. Sa tingin mo sino ang makakamove-on sa ganoon?”

“Ang lungkot pala ng first crush mo. May mga ganoon talaga. Ano ba ang natutunan mo sa nangyari?” tanong nito. Ang totoo marami akong narealize at natutunan.

“Wag umasa. Kaya ako nasaktan ng todo dahil umasa ako na gusto ko rin siya.”

“Bakit nga ba hindi mo sinabi ng gusto mo siya?”

“Kailangan pa ba?” sabi ko. Di na siya nagsalita. Naalala ko nanaman yung mga nangyari. May mga bagay talaga na kahit anong gawin mo hindi mo talaga makukuha hangga't hindi siya para sayo. Sa panahon na yun, sapat na saakin na pagmasdan siya. Siguro nga. Hanggang doon nalang yun. Nandito na ako sa lalaking ito----asawa ko pala. May asawa na ako.

Kailangan ko nang matulog. Pagod ako. Ang sakit ng katawan ko. May mga sugat as pasa ako.

Zzzzzzzzz...

Nagising ako dahil parang nahihilo ako. Mas naramdaman ko yung sakit ng mga sugat ko. Parang umiikot ako.

Nang imulat ko ang aking mata nakita ko si Hanniel. Kaya pala nahihilo ako kasi binubuhat niya ako.

“Hanniel?”

“Uuwi na tayo. Di na tayo maghihintay sa pesta nila. Kailangan mong magamot.” sabi nito. Ngayon ko palang nakita na ang dami palang pulis sa paligid namin.

Di ko nalang ito pinansin. Sa layo ng linakad ni Hanniel alam kong napagod siya. Nakauwi naman kami. Agad niya akong isinakay sa kotse niya. Binalikan niya naman yung mga gamit namin.

“Nagugutom ka na ba?” tanong nito ng makabalik.

“Mmm...” sabi ko at sabay tango sakanya.

Kumuha siya ng pagkain sa likod ng kotse niya. Buti nalang talaga girl scout ako at nagdala ako ng pagkain. Binigyan niya ako ng tatlong biscuits at isang yakult.

“Hindi ako umiinom ng yakult. Tubig nalang.” sabi ko. Hindi naman sa maarte pero may ibig sabihin talaga ng hindi ako umiinon ng yakult na yan.

Kumain na ako. Nagdrive lang siya. Hays. Akala ko may pupuntahan pa kami. Ang ganda pa naman don. Sa daan ko nalang itinuon yung atensyon ko.

“Hana?”

“Mmm...”

“Pwede bang ikaw muna ang magmaneho. Gutom ako eh.”

“Susubuan nalang.” sabi ko at tinignan siya. Namumula siya sa sinasabi ko? HAHAHAHA. Ang baduy niya.

Sinusubuan ko siya habang nagmamaneho. Minsan natatawa ako sakanya dahil naiilang siya. Nahihiya ba siya dahil gusto niya ako. HAHAHAHAHA. Kinikilig yata siya eh.

Nakarating agad kami sa Smith Medical Hospital. Di naman ako nagmamadali kaya pina-una muna namin yung mga manganganak. Ayaw din naman kasi ni Hanniel ng lalaking doktor. Baliw talaga.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!