Establishing Your Writer's Voice

851 51 17

As a writer, isa sa dapat i-consider bilang greatest strength mo ang writer's voice. At dapat ikaw bilang manunulat ay malaman ang importansya ng topic na ito.


Ang Writing Voice ay ang nagsisilbing pananda mo bilang manunulat ng isang akda. Magmula sa vocabulary, sa word choice, sa tone and cadence, thoughts and point of view, lahat ng iyan ay masasakop ng writing voice. At iba ang writer's voice sa character's voice kung teknikal na basehan ang pag-uusapan.

Naniniwala akong kaya binabasa ng isang reader ang kuwento e, hindi dahil sa pamatay na plot, o dahil sa mga gwapo at sexy characters, o dahil sa genre na sikat, kundi dahil maganda ang paglalahad ng kuwento ng may-akda. Maganda ang boses ng writer kaya tinatapos ang kuwento. Nakakuha ng atensyon at nakapag-develop ng connection sa reader ang author.

Kaso ito ang problema mo bilang writer: Paano mo malalaman ang writing voice mo?

Again, magmula sa vocabulary, sa word choice, sa tone and cadence, thoughts and point of view, lahat ng iyan masasakop ng writing voice. So, nasa iyo ang desisyon kung paano ka maglalahad ng kuwento.

Iba-iba ang writing voice ng bawat writer at ang isanlibong salita ko ay hindi kailanman paparehas sa isanlibong salita ng iba pang writer, unless magpe-plagiarize ng akda. Kaya kung patatayuin si Writer A at Writer B sa iisang lugar at ipakukuwento sa kanila kung ano ang naroon sa lugar na iyon, malamang na ang ilalahad ni Writer A ay hindi ang eksaktong ilalahad ni Writer B. Maaaring pasulatin ng iisang konsepto at parehong elemento ang iba't ibang manunulat pero magkakatalo lang talaga sa kung sino ang nakapaglahad nang mas maganda at mas kabasa-basa para sa mambabasa.

Tandaan din na hindi lahat ng mabusisi sa balarila ay maganda nang gumawa ng akda. May mga kuwentong walang mali sa teknikal pero walang buhay.

Bumabagsak sa Tone and Point of view from basic technical elements ang writing voice, and hindi ito madalas na nile-lesson dahil hindi ito naituturo. Kailangan mo lang talagang buruhin ang sarili mo sa proseso para mahulma mo ang salita mo sa kung paano mo ito gustong hulmahin. Disiplina ang isa sa kailangan para makakuha ng natural na boses-panulat dahil una sa hahanapin para malaman kung nakuha mo na ito ay consistency ng word choice mo. Repetition of words, events, philosophy, treatment towards the subject, doon babagsak ang natural writing voice mo. May pattern kasi iyan aside sa paggawa ng characters.

Ang pinakamainam na paraan ng pagkukuwento ay ang paggamit ng natural na boses mo bilang manunulat.

Wala na tayong problema sa pagiging "NATURAL", ang problema ay doon sa parte ng "BOSES MO".


PAANO ANG GAMITIN ANG NATURAL VOICE?

Magsimula muna tayo sa NATURAL VOICE. Gaya ng sinabi ko, natural na boses mo bilang taong nabubuhay sa mundo ang gagamitin mo sa pagkukuwento. Effective muna itong explanation sa third person POV users (which is napaka-rare sa mga newbie Wattpad writer dahil mas sanay sila sa first person POV).

Mas maiging gumamit ng natural voice lalo na kung nagsisimula ka pa lang magsulat para mas nae-exercise mo ang way of storytelling mo. Kapag na-practice mo na ito, saka ka na bumanat ng mas madugong storytelling.

Magkaiba ang Natural SPEAKING voice sa Natural WRITING voice.


Bakit importanteng malaman MUNA ang natural writing voice mo?

Una, para alam mo kung saan ka kumportable. Kung trip mo ang easy-easy lang na narration, huwag kang babanat ng mala-Balagtas kasi basag ang boses kapag mali ka ng word choice. Basic lang iyan. Kapag solid na ang natural writing voice mo, malaya ka nang gawin lahat ng trip mo. Mararamdaman ng mambabasa mo kung para kang hino-hostage kapag nagkukuwento.

Pangalawa, para maka-connect ka sa reader mo. Ito ang pinaka-importante sa lahat. Lalo na kung ang habol mo ay reads. Mas natural na boses, mas relatable. Mas tunog-tao, mas realistic. Mas tunog-ikaw, mas kapani-paniwala. Mararamdaman ng readers kung pina-plastic lang sila ng storyteller. Alam nila kung sabaw ang binabasa nila.


PARA SA MGA STARTER, SA MGA ASPIRING WRITER O SA MGA JEJE WRITER.

Hindi natin maiiwasan ang mga verbal tic kapag nagsasalita gaya ng

"Eh kasi ganito","ayun nga", "so gano'n nga" o kaya "eto na nga ang nangyari". Verbal tic ang mga iyan at hindi iyan dapat gamitin sa paglalahad ng kuwento using your narrator's view.

Okay lang magkuwento ng ganiyan kung tropa mo ang kausap mo, pero kung magsusulat ka, huwag mo na munang tatangkain. Liban na lang kung alam mo na ang ginagawa mo at magagamit mo iyan sa paraang gusto mo lang i-break yung fourth wall o nasa loob iyan ng dialogue for quotation.

Serious talk, ang mga reader, gusto nilang makabasa ng akdang para lang silang kinukwentuhan ng kaibigan nila. Susi iyon para patapusin nila at subaybayan ang kuwento mo.

Sa isa pang level, ayaw nila na magkukuwento ka lang ng nangyari sa kuwento. Gusto nilang makita ang kuwento mo, gusto nilang makilala ang characters mo at ang mundong binabasa nila. Ito na ang madugong part kasi kailangan mo nang gumamit ng mga writing technique na syempre, hindi mo naman ginagamit sa pang-araw-araw mong pagsasalita. Dito mo na rin mare-realize na kailangan mo nang maging corny at cheesy kaya medyo magta-transform ka nang kaunti from natural to not-your-natural-but-have-to-be-professional writing voice.

Kailangan mo munang malaman ang natural writing voice mo dahil once na maglagay ka na ng character's voice, kailangan mo nang praktisin ang pagkakaroon ng neutral narrator's voice.

Ano ang neutral narrator's voice? Ito ang narrator's voice ng third person POV user. Nandoon pa rin ang word choice mo, hindi iyon mawawala. Ang aalisin mo na lang ay ang personality mo as narrator to compliment sa character's voice.

Pag-aralan ang basic, naroon lahat ang mahabang paliwanag para rio.


Mga dapat gawin para ma-practice ang natural WRITING voice:

1. Alisin mo ang mga verbal tic mo. Magsulat ka nang malinis pero relatable sa reader.

2. Huwag matakot mag-experiment ng paglalaro ng mga salita. Okay lang sa una na direct to the point ka pero mag-evolve ka naman. Level up din pag may time.

3. BASAHIN MO ANG SINULAT MO NANG MALAKAS. Iyong maririnig ng sarili mo. Kung ikaw, marinig mo ang sinulat mo na super awkward, may hindi na tama sa sinulat mo. Hindi ikaw iyan.

4. Mag-aral ka ng figures of speech at basic technical elements. Iba pa rin ang may alam.

5. Magsulat at magpa-critique. Huwag matakot masabihan ng pangit ang gawa mo. Hindi mo malalaman ang kailangan mong i-improve kung hindi ipamumukha sa iyo ang dapat mo pang ayusin sa gawa mo. Huwag immature.

Kahit pa ang gusto nating ma-achieve ay ang natural writing voice natin, kakailangan pa ng napakaraming editing at revision bago natin masabing tunog natural na ang sinusulat natin. Hindi ito matututunan nang isang upuan lang. Aabutin nang napakaraming salita at maraming araw bago mo masabing ikaw nga ang nagsulat ng gawa mo.

At ang walang kamatayang tip: SULAT LANG NANG SULAT at BASA LANG NANG BASA.

Writer's Starter PackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon