Namamangha na nilibot ni Axel Jax ang mga mata sa kabuoan ng malamansyon na tirahan ng kasintahan. Everywhere is all white!
"Hindi na ko magtataka kung paborito mo ang kulay puti," nakangisi niyang baling sa kasintahan.
"Your hair,your skin.." amuse niyang saad habang masuyo niya pinapasadahan ng namamangha tingin ang anyo nito.
Tumawa siya ng mahina. "Mabuti na lang hindi ako maitim.."
Isang mahinhin na tawa ang kumawala sa bibig ng dalaga. Masuyo na hinaplos niya ang napakalambot nitong buhok.
"I love your hair.." komento niya sa buhok nito. Muli ito tumawa ng mahina.
"Hindi ganito ang kulay ng buhok ng mga magulang ko," saad nito.
"Talaga? Paano naman nangyari na naiba ang kulay ng buhok mo sa kanila?" namamangha saad niya.
Iginiya siya ng dalaga sa magarang sofa na obviously na kulay puti din.
"Marahil sa pinagmulan ng aking ama.." anito.
Tumango siya at hinapit ang dalaga. Pinaupo niya ito sa hita niya. Agad na pinagsalikop niya ang kanilang mga kamay na nasa ibabaw ng mga hita nito.
"Nasaan ang mga parents mo? Are you with them?"usisa niya.
Kailangan na niya ihanda ang sarili na harapin ang mga magulang nito.
"Hindi ko sila kasama ngayon,ako lang ang nandito sa mundo niyo," anito.
Naguluhan siya sa sinabi nito at agad naman nito napansin ang sinabi nito. Isang mahiyain na ngiti ang pinukol nito.
"Ang ibig kong sabihin nasa ibang bansa sila," anito sabay kagat sa pang-ibaba labi nito. Natuon ang mga mata niya roon.
Damn it,napakalambot ng mga labi nito habang inaangkin niya ang mga iyun.
Napalunok siya. Kailangan niya magpigil. Hindi ito tamang oras para doon!
Magpigil ka,Axel Jax!
"Sana mameet ko sila,someday," aniya.
"Mangyayari yan,Axel.."sigurado nitong saad na kinasiya ng puso niya.
" Hihintayin ko na mangyari yan..gusto ko makilala ang mga magulang na bumuhay sa sweetheart ko,"aniya.
Isang matamis na ngiti ang pinukol nito sa kanya. Malambing na niyakap nila ang isa't-isa.
"Hindi ko akalain na mag-isa ka lang rito,"saad niya.
"Sanay naman na ko mag-isa sa bahay na ito at isa pa hindi naman ako nagpatayo ng bahay na ito,si Zei.."tugon nito.
"Yung father ni Ms.Rostov?" hindi makapaniwala saad niya.
Tumango ito. "Oo..siya kasi ang pinagkatiwalaan ng mga magulang ko habang nandito ako kaya siya ang naging guardian ko at nagbigay ng mga kailangan ko," anito.
Namamangha na napatango-tango. Hindi lang nakakamangha na mukhang bata na naging ama ang Zei na yun kundi talagang kakaiba din ito.
"Bigla tuloy ako nahiya sa inuupahan ko,kahit yung condo ko sa manila paniguradong wala pa sa kalahati ng laki niyun sa mga banyo mo rito," aniya sa nahihiyang turan.
Hinaplos nito ang likod ng ulo niya at humilig naman siya rito. Gustong-gusto niya na ginagawa nito iyun sa kanya. Narirelax siya.
"Hindi naman mahalaga ang materyal na bagay para magustuhan kita,Axel..ikaw at puso mo lang ang kailangan ko," masuyo nitong saad.
Matiim na tinitigan niya ang dalaga sa mga mata.
"Hindi mo lang alam kung gaano ako kaswerte na pinagtagpo tayo,Mia-Ashly..ngayon pa lang hindi ko kaya na mawala ka sakin,"matiim niyang saad.
"Gayun din ako,Axel Jax.."
Muli niya pinangahasan na angkinin ang bibig ng kasintahan at agad naman nito binigay ang gusto niya. Tumugon ito sa halik niya na puno ng damdamin.
BINABASA MO ANG
The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INC
Werewolf#2ndGeneration #Colai #Prophecy #Mate #WhiteWolf
