Baekhyun's Pov
Habang kausap ko si mama hindi ko maiwasan ang di maiyak. Unang una namimiss ko sya. Pangalawa nag aalala ako sa kanya dahil mag isa na lang sya sa Batangas. Maya maya naramdaman kong may yumakap sa akin pag angat ko ng tingin si Chanyeol ang nakayakap sa akin. At sa di inaasahang pagkakataon hinalikan nya ako sa labi. Nagulat ako ng gawin nya yun. Kaya naitulak ko sya ng malakas.
"sorry nabigla lang ako." Ako din nabigla sa ginawa nya.
"Tara na matulog na tayo." Utos nya at pumasok na kami sa kwarto. Humiga na ako sa kama at tumalikod sa kanya. Clueless ako kung baket nya ginawa yun. Hindi ko din magawang itanong dahil ang awkward..
"Sorry Baek. Good night. " yun ung huling sinabi sa akin ni Chanyeol bago matulog.
Pag gising ko wala na si Chanyeol sa tabi ko, hinanap ko sya sa buong kwarto nya pero wala sya. Pati dun sa secret room nya wala din. Maya maya may nagbukas ng pinto at pumasok si Chanyeol. At may dala dalang almusal.
"Sakto gising ka na. Mag almusal ka na." Nagtataka ako bakit nya ginagawa sa akin to.
"Bakit? Para saan to?"
"Para sayo."
"Baket nga? Kung ung nasabi mo sa akin nung nakaraan ok na yun. Alam ko naman na nabigla ka lang. At kasalanan ko din kasi di man lang ako nagpasabi na malalate ako ng uwi. At yung kagabi papaglagpasin ko yun." Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko at tumingin ng deretcho sa aking mata.
"Baekhyun alam ko na isang pagkakamali yung nangyari sa atin pero na realize ko na isang magandang biyaya sa akin yung anak natin. At nagpapasalamat ako at ikaw ang nagdadala sa kanya. Isa kang mabuting tao. At alam ko magiging mabuti kang magulang sa anak naten. At mabuting asawa sa akin. Kaya Baekhyun hayaan mong alagaan kita pati yung anak naten. Dahil…… mahal kita"
"Baekhyun.... Gumising ka na dyan. Malalate na tayo sa trabaho. At saka hinihintay tayo ni mamita sa baba para kumaen ng breakfast. Kaya tumayo ka na dyan. "
Oh my panaginip lang pala.... Baket nga ba ako umaasa na mamahalin nya. Hay Baekhyun wag kasing umasa masaket masaktan.
Pagkatapos ko makapag bihis bumaba na ako at sinamahan si mamita at chanyeol sa garden para makapag almusal.
"Baekhyun nga pala niregister na kita sa lamase class para yun sa mga buntis. Para malaman mo ung mga gagawin mo during pregnancy. Mabuti para sa inyo yun dahil first time parents kayo. Kaya Chanyeol samahan mo yung asawa mo mamaya dito ha."
"Pero may mga meetings ako mamaya. Napakaimportante yun. Malaking kumpanya sa Japan yung mag iinvest sa atin. Kaya di ako pwede."
"Ah mamita okay naman po kung ako na lang ang pumunta sa class. Kaya ko naman po."
" hindi dapat kayong dalawa ang magpunta. At ikaw Chanyeol Dont you worry naayos ko na yan. Kaya wala kang dahilan para di samahan yung asawa mo."
"Opo mamita."
Pagkatapos namen kumaen ng agahan ay dumertcho na kame sa opisina. Nagpunta ako sa desk ko at nilapitan ng impaktitang officemate ko.
"Baket sabay nanaman kayo ni Mr. PARK pumasok?"
"Nagkasabay lang kami sa elavator. "
"Naku ikaw ah wag kang tumatabi kay Mr. Park dahil di kayo bagay."
"At sino ang mas bagay sa kanya aber???" Singet ni Kyungsoo.
"Syempre walang iba kundi ako. Maganda na sexy pa saan ka pa."
"Maganda at sexy nga wala naman utak." Bulong ni Luhan.
"Ano sabi mo?"
"Tignan mo bungol pa.... Wala sabi ko maganda ka." Sabay tawa kame ng malakas. At umalis na sya sa pwesto namen.
"Ikaw naman Baekhyun nilalait ka na di ka pa lumalaban." Sabi ni Luhan.
"Ayoko kasi mastress alam mo naman bawal sa bata." Bulong ko.
"Kamusta ka naman at saka yung inaanak namen." Tanong ni Kyungsoo.
"Okay naman kame. Malakas akong kumaen ngayon syempre para malusog si little peanut." Hinimas ko yung tyan ko.
"Mabuti naman. Oo nga pala tinatawag ka ni mr. Wang."
Pumunta ako sa desk ni mr. WANG anu kaya kailangan nun.
"MR. WANG tawag nyo daw po ako?"
"Ayun buti dumating ka na Mr. BYUN. Pwede mo bang dalhin dito yung kartong na nasa stock room? Kailangan sa meeting yun mamaya."
"Sige po." Paalis na ako ng tawagin ulet ako ni Mr. Wang
"Mr. Byun teka. Pagkatapos mo pala kunin yung karton pakibili na din kame ng kape." Hay baket kasi ang baet ko.
Tumango na lang ako bilang pagsang ayon.
Nagpunta na ko dun sa stock room at kukunin ko yung karton pero ang problema ko mabigat. Hindi ako pwede mag buhat. At higit sa lahat nasa mataas syang pwesto di ko abot. Ang hirap maging matangkad. Tumingin ako sa paligid baka may mapatungan ako bahala na sa pagdala.
"Ayun sakto may upuan." Paakyat na ako sa upuan ng may kamay na humawak sa braso ko.
"Sino may sabing umakyat ka dyan? Paano kung mahulog ka at may mangyari sa baby." Patay lagot nanaman ako kay hitler.
"Ano kasi kukunin ko yung box sa taas kailangan daw sa meeting mamaya."
"Sino nag utos nyan?"
"Si Mr. Wang" hinila nya ako palabas
"Teka teka... Bibili pa ako ng kape."
"Para saan yung kape bawal sayo yun ah."
"Pinapabili ni Mr. Wang para sa meeting."
Chanyeol's Pov
"Halika.." Hinila ko sya palabas ng stock room.
"Teka teka...aray.."
Nabigla yung mga empleyado sa pagpasok ko sa department nila.
"Mr. Wang!!!!!" Sigaw ko agad agad naman syang lumapit sa akin!
"Sir???"
"Alam mo ba na muntik mo na ipahamak yung mag ina ko!!!"
"Po?"
"Makinig kayong lahat… wag na wag nyong uutusan magbuhat ng mabigat o bumili ng kape nyo si Baekhyun… dahil dinadala nya ang anak ko. Siya ang asawa ko. Kaya kung sino man ang inutusan o saktan yung asawa ko mananagot kayo sa akin. Maliwanag ba?"
Walang sumagot sa akin kaya inulit ko ito at mas lalo pang sumigaw na pagalit sa kanila.
"Opo." Sabay sabay nilang sambit. At hinila ko sya palabas ng opisina.
BINABASA MO ANG
Trap Marriage ( Completed)
FanfictionNormal lang ang buhay ng isang Byun Baekhyun. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating sa buhay niya ang isang Park Chanyeol. isang lalaki na magpapabilis ng tibok ng puso nya. ang lalaking maituturing nyang 1st love. sa unang kita palang ni baekhy...
