Tinapat na niya ang co-teacher na si Ma'am Nimfa. Inunlakan niya ang pag-iimbita nito na magdinner sila sa labas. Iyun na ang pagkakataon para tapatin na niya ito. Nakikita niya ang kasiyahan nito sa pagpayag niya pero nagiguilty siya dahil alam niya panandalian lang iyun mararamdaman ng dalagang guro.
Bago iyun,ipinaalam muna niya iyun kay Mia-Ashly. Gusto niya ipaalam ang lahat na ginagawa niya rito.
Pumayag ito at iyun na daw ang oras para putulin ang pagkagusto sa kanya ni Ma'am Nimfa.
Tumikhim siya para kuhanin ang atensyon nito na abala sa phone nito. Alam niyang pinipost nito ang picture nilang dalawa. Hinayaan niyang magpakuha siya ng larawan rito habang magkatabi sila.
"Sorry,naeexcite lang ako kasi ang ganda ng kuha natin,ang dami na kaya likes!" nasisiyahan nitong saad.
"May sasabihin sana ako sayo importante,if you don't mind?" aniya.
Agad naman nito binitiwan ang celpon at matamis na ngumiti sa kanya.
"What is it?" anito.
"I have a girlfriend now,Ma'am Nimfa..alam niya na magkasama tayo dahil ipinaalam ko sa kanya," deretsahan niyang saad.
Unti-unti napalis ang matamis nitong ngiti.
"M-may girlfriend ka na? Sino? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?" sunod-sunod nitong saad.
Bumuga siya ng hangin.
"Kailan lang kami naging magkasintahan and I'm in love with her,so much.." aniya.
Hindi nakaimik ang dalagang guro.
"T-taga Manila ba?" tila maiiyak nitong saad.
Umiling siya sa seryosong anyo.
"Hindi,taga-rito din siya," sagot niya.
"Sino? Baka..baka kilala ko?"
Naikuyom niya ang mga palad.
Alright,medyo nakakainis na straigth to the point ka na nga ang dami pang dapat usisain.
"Ma'am Nimfa,alam kong masasaktan kita pero hanggang sa pagiging makatrabaho o kaibigan lang ang turing ko sayo..I'm sorry,alam kong may mas deserving pang lalaki para sayo kaysa sakin,"matapat niyang saad.
Tumayo siya at hindi na hinintay pa ang magiging komento nito.
"Salamat sa binibigay mong atensyon,Ma'am Nimfa..but you have to move on now," aniya sabay talikod niya rito.
That's harsh!
Napabuga siya ng hangin ng makalabas siya ng Cafe na kinaroroonan nila.
Naiiling na pumara siya ng tricycle.
Agad na ikinuwento ni Axel Jax ang nangyari ng nakaraan gabi sa pag-uusap nila ni Ma'am Nimfa.
Masuyo niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa mukha nito habang nakayakap siya mula sa likuran nito.
"Hindi siya pumasok ngayon araw,sa palagay ko nasaktan ko talaga siya," usal niya.
Humigpit ang yakap niya rito. Pareho sila nakatayo sa may bintana ng tree house nito. Papalubog na ang araw ng mga oras na iyun.
Ipinatong niya ang baba sa balikat nito at pinikit niya ang mga mata ng haplusin nito ang buhok niya.
"Malalagpasan din niya iyun,huwag ka ng maguilty tama lang na gawin mo yun.." anito.
Tumango siya at nanatili na ganun pa rin ang ayos niya.
"Gusto kita makasama kahit isang gabi lang," bigla usal niya.
Agad siya nagmulat ng mga mata na walang tugon siya natanggap mula rito.
Nasalubong niya ang mga mata nito na matiim na nakatitig pala sa kanya.
"Gusto din kita makasama,Axel Jax.."
Napahigpit ang yakap niya rito.
Bigla kung ano pag-iinit siya naramdaman at agad naman niya iyun sinupil.
Damn! Maaga pa para sa ganun!
"Thank you," usal niya wala kaabog-abog na nilapat niya ang bibig sa malambot nitong mga labi.
Damn! Her lips so soft!
Pinalalim niya ang halik at tinugunan naman iyun ng dalaga lalo lang iyun nagpasidhi sa nararamdaman niya...pagnanasa?
Damn,Axel Jax! Not now!
Napaungol siya sa bibig nito at naputol lang yun ng kapusin na sila ng hininga.
Namumula ang mga pisngi ng dalaga at namumungay ang mga mata nito.
"I love you,Mia-Ashly.." paos niyang saad.
"I know,my mate.."tugon nito.
Hindi man ito tumugon ng 'I love you,too' sa kanya sapat na ang nakikita niya sa mga mata nito ang sidhi ng damdamin nito para sa kanya.
Muli niya inangkin ang bibig nito na agad naman nito tinugon.
BINABASA MO ANG
The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INC
Werewolf#2ndGeneration #Colai #Prophecy #Mate #WhiteWolf
