XI

540 20 0
                                    

Where were she? It's been more than three weeks already, almost a month since the last time I saw her. Bakit hindi na siya dumadalaw sa akin?

~•~•~•~•~•~

Maybe I was really crazy. Marahil nga ay may mali talaga sa akin at gusto ko siyang makasamang muli kahit na hantarang pagtataboy ang ginagawa niya sa akin kapag nagkikita kami.

I shook my head again and tried to think rationally but there was nothing to think of but her beautiful face, over and over. Mistulang nakamantsa na ito sa utak ko.

Kahit anong gawin ko, iisang kongklusyon lang ang pumapasok sa isipan ko. Nababaliw na nga ako. Nababaliw na ako sa babaeng iyon.

I wanted to deny it but I would a hypocrite if I did so. Parang gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader pagkat hindi ako makapagisip nang tama.

This couldn't be happening to me. Wala pa man, napanghihinaan na ako ng loob. Marahil dahil alam kong ngayon palang ay wala akong lulugaran sa buhay niya. And it felt really awful.

Ayaw kong dumating ang panahong ipipilit ko ang sarili ko sa kanya. This infatuation should stop now. Ayaw kong maging desperado.

Today, I decided to talk Wilson.  What specifically about was something I was not really sure of. Agad akong pumunta sa Prime Palace at inabutan itong papaalis.

Ni walang mababasang emosyon dito nang makita niya ako. Alam ko, galit parin siya sa akin magpahanggang ngayon.

"What are you doing here?" Blangkong ekspresyong tanong niya sa akin.

"I'm here to talk."

"If it's about you not marrying my sister, I've no time. Umalis ka na lang."

"Iyon nga ang ipinunta ko dito. I need more time for her to say yes. Siyempre, hindi mo naman puwedeng ipilit iyon nang basta-basta sa kanya. Kilala mo siya, alam mong hindi mo siya madadaan sa mga ganyang paninigdak mo." Inismiran lang niya ako sa sinabi ko.

"I don't actually see the point of what you're saying right now. Wala na siyang magagawa. Kung hindi niya ako susundin, ibebenta ko ang buong kompanya."

"We both know you wouldn't do that. Tinatakot mo lang si Jessica."

"No, I'm not. Kapag hindi siya sumunod sa gusto ko, mawawalan nang saysay ang lahat ng pinaghirapan niya. Wether she likes it or not, she will obey me."

"Bakit mo ba siya pinahihirapan nang ganito?" Hindi ko naiwasang itanong. I maybe confused right now about what I was feeling, it didn't really matter. Jessica was more important to me than anybody else now. More than Wilson, my best friend.

"Sinabi ko na sayo noon pa, hindi ako makakapayag na tumanda siya nang ganyan ang paguugali. She has to change. Pati narin ang paraan niya ng pakikitungo niya sa iba."

"Then let me help her change. Once we get married, I assure that she will. Just give me some more time. Enough for her to trust me." I pleaded for the last time. Like I've said before. I became more desperate by time.

Tinignan lang niya ako nang diretso, wala paring mababasang ekspresyon sa kanya. Mayamaya ay tumango siya at isinuot na ang coat niya. Umiling-iling pa na parang may kung anong natuklasan sa sinabi ko. Tila nangingiti ito.

"You're in love with her, Mase." He said, more of a fact than accusing.

"I guess I am." Pagamin ko. Bumuntong-hininga siya at lumapit sa akin. Tinapik-tapik niya ako sa balikat at nilagpasan na ako ngunit huminto siya hindi pa man din nakakalayo.

"I never thought I would see falling in love. And of all people, to my sister Jessica."

"One doesn't really have much of a choice when they fall in love specially to whom they would fall in love with, don't you think? It just happens."

Flademian Monarchy 4: For the Girl Who has Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon