P.S. Thanks po sa lahat ng votes, thanks po sa lahat ng sumusuporta ng ASKB. Sa mga naiinis na bakla si Toby at si Trance. Wala po kayong magagawa, ako ang author at ako ang masusunod :)) Mahilig ako sa boy to boy eh. kaya sorry pero this is the way I like it. 

------------------

Chapter 68

-----------------

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, at sinusundan padin ako ni ranz.

Biglang napadaan ako sa may 7eleven kaya pumasok muna kao dun para bumili ng pagkain. may extra 200 pesos pa naman ako dito sa wallet ko na binigay ni Kuya Tj sakin para daw pang miryenda namin ni Princess.

Ewan ko pero hindi na ata sumusunod sakin si Ranz, di naman kasi pumasok sa loob ng 7eleven kaya ayun di ko na inisip yun.

Pumili na lang ako ng mga pagkain.

" alisha, mahal mo ba talaga si daniel ? "

" ay! pwet ng kabayo! " sigaw ko. nagulat kasi ako dahil katabi ko na pala si ranz ng di ko man lang namamalayan.

" kagwapo ko namang pwet " medyo na tawa naman ako dun.

" ehem, sabi ko kung mahal mo talaga si Daniel? " tanong ni ranz

" oo mahal na mahal ko siya " sagot  ko naman.

" eh pano kung hindi na siya babalik dito? " -ranz

" babalik yun, alam ko. hihintayin ko siya kahit pumuti na buhok ko " sabi ko sabay hinga ng malalim.

" weh? asa pa! makakahanap ka din ng iba " sabi niya

" excuse me, si daniel lang mahal ko " masungit kong sabi

" malay mo nasa tabi mo na pala yung soulmate mo, as in yung REAL na soulmate mo " -Ranz

" Mukhamuuu! Si Daniel lang gusto ko, at wala ng iba. Kung hindi man siya bumalik, magpapakatanda na lang akong dalaga! " sabi ko.

" yuck! matandang dalaga?! di bagay! " pang iinis niya

" gusto ko eh " sabi ko. 

" sasayangin lang kagandahan eh " 

" pake mo ba?! bakit ? ako ba ikaw? " sabi ko. pataas na ng pataas ang tono ng pananalita namin, halatang nagkakainitan na kami sa loob at maramina din samin ang nakatingin.

" hindi " -ranz

at ayun na nahimik na din siya sa wakas. 

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!