Chanyeol's POV
Pagkatapos ng meeting ko umuwi na ako sa bahay. Pagpasok ko ng bahay ang tahimik. Umakyat ako at pumunta sa kwarto ni Baekhyun pero wala sya. Teka kanina pa yun pumunta ng clinic para sa pre natal check up nya ah. Tatawagan ko sana sya ng mag chat sa akin si Sehun.
May sinend syang picture binuksan ko to at nakita si Baekhyun na may kasamang lalake at kumakaen sa isang restaurant.
Hyung nakita ko si Baekhyun hyung kanina akala ko ikaw yung kasama nyang kumaen iba pala.
Chat ni Sehun.
Hindi ko na nireplyan si Sehun. Pumunta ako ng kusina para kumaen. After kumaen nagpunta naman ako ng sala para manuod ng tv.
"Chanyeol anak baket wala pa yung asawa mo,gabi na ah di ba kayo sabay umuwi?" Tanong ni Manang Rosa sa akin.
"Nay patimpla na lang po ako ng kape."
"Sige." Pagkahatid nya ng kape sa akin pinatulog ko na sya at ako na ang mag hihintay sa lalaking iyon.
Pagpatak ng alas onse ng gabe may narinig akong kotse na huminto sa tapat ng bahay namen. Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Baekhyun pababa ng sasakyan. Dahan dahan siyang pumasok para di ko marinig yung pag pasok nya.
"saan ka galing?" Tanong ko. Pero yung tignin ko nasa tv pa din.
"Uhmm nag pa pre natal check up diba sinabi ko sa iyo kanina."
"Check up?? Ngayon ka lang natapos sa check up eh anung oras na?"
"Eh anu kasi dumaan muna ako sa pharamacy para bumili ng mga vitamins na niresta ni Dr. Zhang at saka dumaan din ako sa grocery para bumili ng mga prutas." Sige mag sinungaling ka pa.
"Yun lang ang pinuntahan mo?"
"O...o yu...n lang" sinungaling!!!
"Sinungaling! May nakakita sa iyo na kumakaen sa isang resto at may kasamang lalake." Nagtaas na ako ng boses.
"Ano kasi... Kaibigan ko yung kasama ko kumaen kanina. Si Kasper sya yung nakilala ko nung nagpunta tayo ng Maldives." Sya nanaman! Baket parati na lang syang sumusulpot kung nasaan si Baekhyun. Dont get me wrong im not jealous. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Sa susunod kung lalandi ka pwede sa malayo yung walang makakilala sa iyo. " isang palad ang naramdaman ko sa pisnge pagkatapos ko iyon sabihin.
Nakita ko na lang sya umakyat at nagtungo sa kanyang kwarto.
Baket sya ang magagalet dapat ako ang magagalet dahil may kasama syang ibang lalake. Kaya nag tungo din ako sa kwarto ko.
Kinabukasan nasa dinning area ako nag aalmusal. Mga ilang minuto lang naririnig ko nang bumababa sya. Kinuha ko yung dyaryo at nag basa.
"Oh ihjo di ka ba mag aalmusal?" Tanong ni Manang rosa.
Tahimik lang ako nakikinig sa kanila.
"Di na po manang sa opisina na po ako kakain. Marami pa po akong tatapusing trabaho. "
"Eto kunin mo tong mansanas para kainin mo pag dating sa opisina. Teka di ba kayo sabay pumasok ng asawa mo?" Kinuha nya yung mansanas at nilagay yun sa bag nya.
"Di po. Malalate na po ako. At saka sya naman yung boss kaya pwede syang pumasok kahet anung oras nya gusto. " at umalis na sya ng bahay.
"Anak may problema ba kayo ng asawa mo?" Tanong sa akin ni manang Rosa. Hindi na lang ako kumibo at nagsimulang kumaen.
"Chanyeol sana alagaan mo ang asawa mo. Wag mong bibigayan ng stress. Nakakasama sa buntis ang mastress kawawa naman ung anak niyo." Sabi nya.
Narealize ko na sumobra ako kagabi. Di ko lang mapigilan yung sarili ko. Di ko rin maintindihan yung sarili ko kung bakit ko nasabi yung mga salitang yun, Napangunahan ako ng inis, na dapat hindi ko maramdaman dahil nasa kontrata namen ang walang pakielamanan.
BINABASA MO ANG
Trap Marriage ( Completed)
FanfictionNormal lang ang buhay ng isang Byun Baekhyun. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating sa buhay niya ang isang Park Chanyeol. isang lalaki na magpapabilis ng tibok ng puso nya. ang lalaking maituturing nyang 1st love. sa unang kita palang ni baekhy...
