Chapter 12: Who are them?

345 61 0
                                    

"Bes pa check ng panty ko baga nalaglag na!"

"Ho my gad! Ho my gad! I can die now!"

"Royalties! Paki sampal ako beh baka na nanaginip lang ako!"

"Pare ang gaganda talaga nila!"

"Bro tingnan mo may bago!"

"Ay panalo teh! Ang ganda nung babaeng nasa gitna ng asawa ko!"

"Omg ayos lang ba make up ko?!"

Napapa iling nalang ako habang nag lalakad kasabay ang dalawang lalaking nasa mag kabilang gilid ko.

Sobrang lakas ng tilian at sigawan ng mga estudyanteng nadadaanan namin, mapa babae man o lalaki, pare-parehas kaming pinag uusapan.

Malaki ang buong Cafeteria kaya nag kasya ang mga studyanteng hindi na mag kaintindihan sa pag sisiksikan.

Binibigyan naman nila kami ng daan upang maka deretsyo sa lamesa kung saan naka upo na ang iba naming kasama.

Pansin kong mas madami ang mga taong pinag uusapan kung sino ako.

Malapit na kaming maka rating sa aming lamesa ng may tatlong lalaki at dalawang babae na humarang sa amin, at kasama na sa mga babaeng iyon si Amanda.

"Tingnan mo nga naman ang pag kakataon oh!" Malakas na wika nung ngungunang lalaki, kahit naka uniform sila halata sa mga itsura nilang puro sila basagulero.

Tiningnan ko ang limang bultong naka harang sa amin daanan. Yung mga lalaki ay maayos na naka uniform, pero hindi tulad ng suot nila Lucio.

Mag kaiba ang desenyo ng uniform nila at uniform namin, dahil ang kanila; Sa lalaki ay simpleng long sleeve na puti na may necktie na asul at best lang na kulay gray, habang sa pangbaba naman slacks na kulay mocha at sapatos na itim. Sa babae naman ay long sleeve din na puti, at best din na tulad sa lalaki pero wala silang cardigan tulad samin.

"At kung sinu swerte nga naman, ito pala yung bago nyong myembro." Salita naman nung isa pang lalaki.

"Omy bessy! Diba she is Mia? She's the girl na umagaw to Miko?" Conyong sabi naman nung isang babae sa katabi nyang si Amanda.

"You're right girl!" Maarteng tugon sa kanya ni Amanda.

What the... Naalala pa nya yun? Tss. Patay ka talaga sakin mamaya Miko.

"Kung kaylan naman natin gustong kumain dito, saka may mga asungot na sumulpot." Napabaling ang atensyon ko sa kaninang lalaking nag salita.

Mukhang sya ang lider nila... lider nilang mukhang pinag sakluban ng langit at lupa ang mukha.

"What's your problem?" Tanong ng lalaking nasa kaliwa ko, si Lucio.

"Problema ko? Kayo ang problema ko!"

"Trashy attitudes." Lait naman ni Thunder sa lalaking namilosopo kay Lucio.

"Bumalik ka na din pala my friend!"

"You're not my friend." Malalim ang boses na sagot nya.

"Aray! Ang sakit naman." Umakto pa yung lalaki na mukhang nasa saktan.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now