Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking na halos kaedaran lang niya tingnan ay ama ni Ms.Valerie Rostov.
What the hell?!
Isang mahinang pagtawa ang pumukaw sa kanya. Nasa opisina sila ni Valerie dahil nakakaagaw na ng atensyon ang pagdating nito sa mga istudyante dumadating ng mga oras na iyun.
"May kambal akong anak,si Valerie at Zayne..hmm,mamimeet mo din sila sa tamang oras," anito.
Tumango siya. May isa pa rin katanungan na gumugulong sa isip niya.
"Alam kong nagtataka ka kung bakit tayo magkaharap ngayon," anito na may ngisi pa rin sa mga labi.
Prente itong nakaupo sa gilid ng desk ng anak nito habang nakahalukipkip. Siya naman nakaupo sa upuan na nasa harapan ng desk.
"Yes,Sir..iniisip ko nga yan," aniya.
Tumango ito.
"Gusto ko lamang makilala ang unang lalaki na bibihag sa isa sa mga prinsesa.." mahiwaga nitong saad.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
Ano raw?
Tumawa ito. "Malalaman mo rin sa tamang oras .." anito muli sa pangungusap na iyun.
Napakahiwaga ng sinasabi nito.
Sinundan niya ng tingin ang pagkilos nito. May kung ano ito dinampot sa gilid ng mesa.
"Welcome gift ko para sayo,kaibigan.." anito sa hawak nitong kulay puting bote na mahaba ang leeg at kulay ginto ang takip niyun.
"Uh,wine?" aniya habang inaaabot niya iyun mula rito.
"Special wine yan mula sa aking mundo," mahiwaga na naman nitong sabi.
He's so weird.
"Salamat," aniya.
"Pwede mo lamang yang inumin sa oras na makita iyan ng babaeng nagmamay-ari niyan," anito na kinatigil niya.
"Ha?"kunot-noo niyang turan.
"Ibig kong sabihin,iinumin niyo iyan ng sabay ng babaeng itinakda sayo,kaibigan.."mahiwaga na naman nitong sabi.
Naguguluhan na napatitig siya sa bote at sa lalaki.
"Uh,hindi ko maunawaan,Sir.." aniya.
"Siya ang magpapaliwanag sayo..sa tamang oras," anito at tumindig na para umalis na.
Naguguluhan pa rin siya. Malaking question mark ang pinagsasabi ng Zei na yun.
Kaya naman nagtanong siya sa anak nitong si Ms.Valerie Rostov.
"Uh,ang prinsesa lamang ang pwedeng magpaliwanag sayo eh," tugon nito sa mga tanong niya.
Sinong prinsesa ba?
Gusto niyang mapailing,mag-ama nga ang mga ito.
Parehong weird.
Ilang beses niyang sinubukan buksan iyun pero hindi niya mabuksan-buksan pagkauwi mula sa unibersidad.
"Tss,pati ba naman itong bote may pagkaweird din," frustrated niyang saad.
Marahas na bumuga siya ng hangin at nilapag na lang niya ang bote sa maliit na center island ng inuupahan niyang bahay.
"Mabubuksan din kita," aniya sabay talikod upang makapagpahinga na.
Maaga pa niya lalagyan ng bagong pitas na gumamela ang flower vase sa mesa ni Ms.Esferial.
Sa pamamagitan man lang yun iyan ay masuklian niya ang kabutihan na nagawa nito sa kanya.
Iyun nga lang ba,Shuck?
Pagtanaw lang ba ng utang na loob o..yung sinasabi mong love at first sight?
Para-paraan ka,Shuck.
Ikaw na talaga!
May ngiti sa mga labi niya na ipinikit niya ang mga mata.
Wala naman siguro masama kung gagawin yun? Hindi naman siguro malalaman ni Ms.Esferial iyun.
BINABASA MO ANG
The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INC
Werewolf#2ndGeneration #Colai #Prophecy #Mate #WhiteWolf
