Minsan naramdaman mo na bang parang hindi ka mahalaga?
Yung parang hindi ka importante
Yung feeling na ang hopeless mo
Andami ng bagay na tumatakbo sa utak o isip mo
Mga bagay na hindi maganda para sayo
Siguro, naisip mo na din yun?
Mahirap ba?
Yung kahit anong gawin mo, ay mali pa rin para sa kanila?
Na kahit na nahihirapan ka na
Gusto mo pa ring ipakita sa kanila
Yung halaga mo, bilang isang tao
Pero bakit ganon diba?.
Bakit parang di pa rin nila makita?
Yung paghihirap mo, pagpupursigi mo
Ay napupunta lang sa wala
Masakit diba?
Ang bigat bigat pa sa pakiramdam
Kaya heto ikaw, nagpapanggap na masaya
Kahit hindi naman talaga
Tumatawa pero hindi aabot ng tenga
Ngingiti, pero nauuwi rin sa isang ngiwi
Yung mga mata mong nawawalan na ng buhay
Yung mga mata mong dating may kislap
Ay nawala sa isang iglap
Onting pagkakamali, marami na sayong pupuna
Marami na sayong huhusga
Kahit wala naman silang alam sa iyong nadarama
Makagawa ka man ng tama, ito pa ri'y mali sa kanilang mga mata
