Chapter 4

254 27 9
                                    

Third Person's PoV

Sa field habang nagsasanay ang mga estudyante, kung ikaw ay isang pangkaraniwang tao lamang ay paniguradong hindi mo maiiwasang mamangha sa mga pinapakitang kakayahan nila.

Mayroong nagpapalutang ng kanilang sarili o ibang mga bagay, gamit ang levitation, mga estudyanteng gumagawa ng ibat-ibang illusion at kung ano ano pa, masyadong malawak ang field kaya nagagawa nila ng maayos ang mga pagsasanay na kailangan nila, dahil sa totoo lang sakop ng Field ang kalahati ng buong school basta wag lang nilang abusuhin ang aggamit ng kakayahan nila dahil baka iyon na rin ang maging  dahilan ng kanilang pagkamatay.

"Hoy Prince, wag kang umastang prinsipe lang dito na habang kami nagttraining ikaw patulog tulog lang." Sita ni Ayane kay Prince.

Nakasandal lang kasi ito sa puno sa field habang nakasaksak ang earphones nito sa magkabilang tenga at mukang natutulog na. Hindi niya naman talaga niya dapat sisitahin ito, sadyang wala lang talaga siyang kadaldalan o makausap man lang dahil masyadong seryoso ang mga estudyante sa pagsasanay na ginagawa nila.

"ARGGHHH" * bogsh* Sinipa niya ito ng malakas pero dahil sa ginawa niyang yon lalo lang siyang nainis. Hindi man lang kasi nagising si Prince. Mukang mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog nito kahit pa nakahiga na nga to sa damuhan dahil sa pagkakasipa niya.

" Yung totoo gigising ka ba o gigising ka? " Tanong niya sa taong nakahiga sa damuhan na napakahimbing ng tulog napaisip tuloy siya 'ano kayang ginawang kalokohan nito at parang pagod na pagod? At dito pa talaga natulog. '

"Hayst." Napaupo na lang rin siya sa damuhan. Napagod na rin kasi siya sa pagttraining. Ilang oras na rin kaya sila dito sa field  -___-

"Nasan na ba kasi si Master? " Tanong niya sa sarili niya.

Umalis kasi ito kaagad ito pagkatapos silang paalalahanan sa mga dapat at hindi dapat nilang gawin. Pinanood niya na lang ang mga estudyante na nagsasanay...

" Patabi ha... "

Nalipat ang tingin niya sa babaeng umupo sa tabi niya.

Nagtaka siya dahil hindi niya naman ito kilala. Pero bago pa siya makapagtanong kung sino ito ay naunahan na siyang magsalita at mukhang alam na nito kung ano ang itatanong niya.

"Ako nga pala si Mizu Asano, Mizu na lang ang itawag mo sa akin " Napatingin siya sa kabuuan ng mukha nito.

'Muka namang mabait hmmmm at wala rin akong nararamdaman na kakaiba sa kanya. Pwede nang maging kaibigan' Sabi niya sa sarili niya.

Simula kasi nung pumasok siya sa Academy na to hindi ganun karami  ang mga tunay na  kaibigan niya bukod kasi sa maraming mapili ng kaibigan dito marami ring pwedeng trumaydor sayo.

" Wag kang mag-alala wala naman akong gagawing masama makikiupo lang ako" sabi ni Mizu, pakiramdam niya kasi parang naiilang sa kanya si Ayane.

"Ikaw anong pangalan mo?" tanong ni Mizu sa kanya.

" Ayane...Ayane Rei Haus" sagot ni Ayane

 Sa una ay nagkailangan pa silang dalawa pero nawala rin kagad ang ilangan na yon. Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan sa ilalim ng puno kaya hindi na nila namalayan ang paglipas ng oras at ang pagdating ng Master nila. Nagpaalam rin sila sa isat-isa dahil kailangan na nilang pumunta sa kaniya kaniya nilang Dorm

Napatingin siya sa may pwesto kung saan nakapwesto kanina si Prince.

" Nasan na yun?" sabi niya sa sarili niya habang naglalakad paalis sa Field

'Ay ewan malaki na yun'  yun na lang ang nasabi niya bago tuluyang pumasok sa tinutuluyan niya.

"Oyst, san ka galing bakit ang tagal mo?! " tanong sa kanya ng Dormfriend niyang si Asakura Hime, mabait yan at sweet pero medyo slow -______-  hearthrob rin siya sa Academy

 Si Ayane isa lang siyang simpleng estudyante hindi famous hindi rin naman loner medyo maingay pero syempre joke lang yun Napakaingay kaya niyan mahilig rin sa trippings.

"Oy tinatanong kita "

 
"Naglakad lakad lang sige na magpapahinga muna ako" sabi niya at nagdiredirecho na sa higaan niya.

 ------------------------------------------














Yascynth Academy (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon