Chapter 21: True Love

12 1 0

Daniel's POV

Umalis kami ni Xandra dito sa Greenbelt kase may iba akong gustong puntahan. Gusto kong maranasan pa lalo na normal ako, na hindi ako artista. Gusto kong maramdamang gumalaw nang wala laging nakatingin.

Nandito kami ngayon sa University Belt at pumunta kami sa hepa lane. Matagal tagal na din na hindi ako kumakain ng mgs streetfoods.

"Grabe!. Sarap nitong kwek-kwek. Sarap ng suka.!" napasigaw na ako sa sarap ng pagkain ko. Napatingin tuloy ang ilang mga tao tapos tumungo lang ako.

"Hahaha!. Grabe, ngayon ka lang ba nakakain ng kwek-kwek?. Itry din natin yung isaw dun sa kabilang stall." sabi ni Xandra habang natatawa.

"Isaw?!. Saan?!. Grabe gusto ko yun, paborito ko yun kaya lang hindi ko makain lagi ehh."

Natawa na naman si Xandra sa akin at hinigit ako sa stall ng isaw. Ngumiti ako ng makita ang mga isaw at agad bumili para sa amin ni Xandra.

Naglalakad kami habang kinakain.ko yung isaw na binili namin. "Grabe, ang sarap talaga nitong isaw. Woooo!." napasigaw ulit ako. Medyo OA na ata ako pero wala akong pakelam. Tawa lang ng Tawa si Xandra.

"Nakakatuwa ka Daniel, hindi ko alam na ganito ang magiging first date natin." natatawa pa din sya habang sinasabi yan.

"Nadisappoint ba kita?. Gusto ko lang kaseng maging malaya tayo. Yung kahit hindi ko masyado pinapakita ang mukha ko sa ibang tao ehh maramdaman kong malaya tayong makakapagdate."

"Hindi ako disappointed. Nagulat lang ako. Akala ko kase sa isang resto tayo pupunta tapos VIP yung treatment na nakakairita kapag ganun." nagmake face sya sa VIP treatment na sinabi nya.

"I know, alam kong ayaw mo nun kaya ganito yung naisip ko. Masarap naman db?. Feeling ko ang laya nating dalawa. Feeling ko hindi ako si Daniel Padilla. Ako lang to, ang Daniel mo."

Nakita ko ang pamumula ng mga pisngi nya sa sinabi ko. Natutuwa ako dahil nararamdaman nya yung pagmamahal ko sa kanya kahiy naipapakita ko ito sa mga simpleng bagay.

"U-uhaw lang yan Daniel. Tara bili tayong shake." iiling-iling na sabi ni Xandra. Napangiti na lang ako na sumunod sa kanya.

Bumili kami shake at umupo sa may bench. "Kamusta naman araw mo?." paninimula ko sa conversation namin.

"Okay lang naman, ganun pa din sa trabaho. Pinapakamusta ka ng boss ko at tinatanong kung buhay ka pa daw. Kakatawa talaga sya." natatawang sabi ni Xandra. Naalala ko tuloy yung sinabi ko sa boss nya.Nakakahiya pala yun.

"Wag mo na ipaalala yun. Sabihin mo bago na boyfriend mo." nahihiya kong sabi habang nagmamasid sa paligid.

"Hmm, sge sasabihin ko. Haha. Ano yan Daniel?. Nahihiya ka?. Hindi yan attitude ng isang aktor." natatawa pa din nyang sabi.

Biglang napawi ang mga ngiti nya nang nagtanong sya. "Nagkita na ba kayo ni Kathryn?."

"Hindi pa nga ehh, nagtataka nga ako kung bakit hindi pa kami nagkikita. Iniiwasan siguro ng management. Nagmeeting kanina pero ako lang ang pumunta. Natatakot siguro sila na baka magkaroon ng tensyon sa aming dalawa."

"Kung sakali bang magkita kayo, handa ka na ba Daniel?." tanong nya sa akin habang nilalaro ang straw nya.

"Oo naman, magiging magkaibigan na lang kami ngayon. Yun lang at wala nang hihigit pa doon. Nagaalala ka ba na kapag magkita kami may maramdaman pa akong kakaiba sa kanya?."

"H-huh?. H-hindi noh. A-ano ka ba naman?." namumulang sabi ni Xandra habang tumitingin sa paligid pwera sa akin.

Kinurot ko ang pisngi nya. "Ang cute mo kapag nagseselos ka."

"Hindi ako nagseselos ha!. Gusto ko lang malaman kung anong mangyayari kung sakaling magkita kayo." sabi nya sabay taas sa akin ng kilay. Mataray pa din kahit kelan. -.-

"Mukhang okay kayo magkasama ni Seth ahh. Dapat magkasundo kayo kase bestfriend ko yun ehh." sabi ko pagiiba lang ng topic.

"Hindi kami magkakasundo ng isang yun. Masyado syang mayabang, napatol sa babae lalo na kapag inisan at feeling gwapo lagi. Magkasalungat kayo ng ugali. Paano kayo naging magkaibigan?." bakas sa mukha ni Xandra ang pagtataka.

"Ako din hindi ko din maintindihan minsan kung bakit kami nagkakasundo kahit magkaiba kami ng ugali. Siguro dahil sa nakikita ko naman sa kanya na mabait sya. Minsan nga lang may pagkaloko loko ang isang yun."

"Mabait?. Tss. Wala akong nakitang ganun sa kanya kanina. Nako." naiirita nyang sagot sa akin. Napangiti na lang ako.

Ilang sandali pa kaming naglakad-lakad hanggang sa magyaya na umuwi si Xandra.

Inihantid ko sya at buong byahe nakatingin lang sya sa bintana. Hindi nya napansin na nandito na kami sa harap ng apartment nya.

"Xandra, ano problema?. Okay ka lang ba?." tanong ko sa kanya kase nagaalala na ako. Baka may hindi sya nagustuhan sa sinabi ko.

"Okay lang ako, wala naman problema. Iniisip ko lang yung mga pwedeng mangyari. Sayo, sa akin, sa atin."

"Wag mo na muna isipin yan Xandra. Ang pinakamahalaga sa atin ngayon ay alam natin kung ano ang nararamdaman natin para sa isa't-isa. Hindi naman kita pababayaan. Poprotektahan kita." hinawakan ko ang kamay nya at marahang pinisil. Ngumiti naman sya sa akin ng matipid.

Lumabas ako ng kotse at pingbuksan sya ng pintuan. Bumaba sya ng kotse nang nakangiti pa din.

Inihatid ko sya sa may pinto ng apartment nya.

"Salamat para sa araw na to Daniel. Nagenjoy talaga ako. Ulitin natin ha?." ngiting ngiti pa din sya habang nakatingin sa akin.

Tinanggal ko ang shades ko para makita nya mga mata ko. "Ako din sobrang nagenjoy. Salamat din at pumayag kang makipagdate kahit mesyo weird na nagdidisguise ako." napakamot ako sa ulo ko at sabay tungo.

Napatawa naman si Xandra kaya lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa labi. One delicate kiss. Napakabilis lang pero ramdam mo yung pagmamahal nya sayo.

"Goodnight Daniel. Mahal kita" sabi ni Xandra na nakatingin sa mga mata ko.

"Alam mo, mas madali daw sabihin ang I love you kesa sa mahak kita. Mahal din kita Xandra ko. Goodnight." inakap ko sya ng mahigpit.

Ilang linggo ko pa lang nakikilala at nakakasama si Xandra pero parang buong buhay ko kilala na sya. Eto na nga ata talaga yun. Totoong pag-ibig.

You Found Me (On hold)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!