Chapter 20: Are You Flirting With Me?

11 1 0

Alexandra's POV

Ilang araw din ang nakalipas at hindi pa din kami nagkikita ni Daniel. Busy kase sya sa mga guesting nya pagkatapos nya magbakasyon (more of tumakas) kasama ako. Tinatawagan naman nya ako tinetext lagi kung ano ginagawa nya. Hindi pa nga lang kami nagkikita talaga.

Naikwento nya din na medyo nagalit ang mama nya sa kanya dahil nga sa pagalis nya ng walang paalam at dahil sa mga naantala nyang trabaho. Ok naman lahat sa amin ni Daniel pero namimiss ko na talaga sya. :(

Nandito ako ngayon sa trabaho ko, break time ko kaya kumakain ako ng lunch. Wala naman ako kasabay dahil wala akong friends. Nabigla ako ng biglang may magtext sa akin.

From: Daniel <3

Kita tayo mamaya Xandra, date tayo. :)

Hay, sa wakas magkikita na kami. Gusto ko na talaga sya makita. Nakikita ko lang sya sa mga guestings nya sa TV. Oo simula nung naging kami ehh nagbubukas na ako ng TV para makita sya. Haha. Agad akong nagreply sa text nya.

To: Daniel <3

Sge. Ano oras?. Pupunta ka ba sa apartment ko mamaya?. :)

Excited na ako para mamaya. Grabe, ipagluluto ko sya ng spaghetti mamaya kung pupunta sya sa apartment ko. :)

From: Daniel <3

Lumabas tayo mamaya, saka na lang ako pupunta sa apartment mo sa isang araw. Susunduin kita mamaya sa trabaho mo. I love you Xandra. :)

Lalabas pala kami, pero paano?. Disguise na naman siguro to. Hahaha. Yaan na, atleast mararamdaman kong normal ang relasyon namin kahit artista sya.

Dapat nga mas matuwa ako dahil nageeffort sya na ipakita sa akin na pwedeng maging normal kami kahit mahirap ang trabaho nya. Nakakatuwa talaga. :)

To: Daniel <3

Okay, see you soon. I love you too Daniel. :*

Itinago ko na yung phone ko pagkatapos ko magreply. Magiging masaya kami mamaya. Gosh excited na ako. :)

Lumipas ang maghapon at sa wakas makakapagout na ako. Parang ang bagal ng oras kanina, talaga atang ganun ehh. Kapag may importanteng mangyayari sayo ng araw na yun babagal ang oras.

Pababa na ako ng building at itetext ko na si Daniel para itanong kung nasa baba ma sya pero bago pa ako makapagtext sa kanya may nagtext sa phone ko.

From: Daniel <3

Xandra mauna ka na sa Greenbelt, sorry hindi na kita masusundo kase may meeting pa kami para sa upcoming teleserye. Intayin mo ako dun ha, sa starbucks ka na magintay. Tatawagan kita kapag on the way a ako. Pupuntahan na lang kita dun pagkatapos ko dito. I love you. :)

Nadisappoint ako sa nangyari, ineexpect ko kase na susunduin nya ako ehh pero hindi naman pala.

Busy sya kase artista sya. Yan ang bulong ng isang parte ng utak ko. Pumayag ako na makipagrelasyon sa kanya kahit alam kong mahihirapan ako. What do I expect?, na hindi sya makikipagmeeting para lang masundo ako?.

Hindi naman ako ganoon kademanding. Alam kong may mga priorities din sya kagaya ng trabaho nya. Hindi dapat ako ganito ngayon dahil simula pa lang to tapos parang hirap na hirap na ako. Keep the spirit Alexandra!.

Nakarating ako sa greenbelt ng matiwasay at pumunta agad ako sa starbucks. Hindi ako umorder dahil mahal ang kape nila. Jusko, mag 3-in-1 na lang ako sa apartment at ilalagay ko sa ref tapos lalagyan ko ng whip cream kesa naman bumili ako dito.

You Found Me (On hold)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!