CHAPTER SIX

484 4 0
                                    

---------------------------------

KAIREY'S POV

Hindi na nasundan yung pagdalaw saakin ni hailey. Busy nanaman siguro ang lokaloka sa pagbabar. Yan ang trip niya e. Minsan naman nasa restaurant nila. Haynako sobrang miss ko na siya. At eto ako ngayon nasa office kakatapos lang pirmahan lahat ng papeles. Hindi ko nakakalimutan ang magpahinga at inumin yung vitamins na nireseta saakin ng doctor. Minsan nga kinakausap ko si baby nakakatuwa kase. Pero Hanggang ngayon hindi ko parin na sasabi. Kanila mom at dad natatakot kase talaga ako.


"Ma'am may meeting po kayo mamayang 3pm sa Glamour Hotel With Ms. Hailey." Sabi ng secretary ko.


"Okay." Sagot ko at lumabas na siya.


Anong trip kaya ng babaeng yon at nagpaappointment pa siya. At sa isang sobrang sikat pa na hotel ha. Daming pera. Hahahaha. Ginugol ko nalang ang sarili ko sa  pagbabasa ng mga proposal.


*At Glamour Hotel


Pumasok na ako sa isang restaurant sa loob ng hotel.


"Any reservation ma'am?" Sabi ng staff saakin


"Yes I'm with Ms. Hailey." Sabi ko


"This way ma'am." Sabi nito


Dinala ako nito sa pinakadulo at sa tingin ko VIP room yun. Ang ganda ng set up ng table. May mga balloons pa at yung ambiance ng paligid nakakarelax dahil sa mga bulaklak at fountain na nasa gitna. Baka naman nagkamali ang staff at hindi dito ang table namin. Pumunta nalang muna ako sa harap ng fountain. May music na naririnig dito. Ang sarap talaga sa feeling. Napapikit nalang ako at dinamdam ang musikang naririnig ko.



"Maganda ba?" Sabi nito nakatalikod ako kaya hindi ko nakita agad kung sino ang nagsalita. At the same time nagulat din.


Pagtingin ko sa likod ko. Isang napakagwapong nilalang ang nakita ko. Bigla nalang akong napangiti at niyakap siya. Aaminin ko namiss ko siya. Kahit hindi pa kami gaano magkakilala.



"Nagustuhan ko sobra." Sabi ko


"Mabuti naman kase kung hindi mag iisip ulit ako kung paano ka isusurprise." Sabi nito.



"Sobra akong nasurprise thank you czues. Kailan ka pa dumating?" Sabi ko


"Kahapon lang sinundo ako ng kaibigan mo kasama din ang kaibigan ko." Sabi nito



"Kaya pala hindi nagpaparamdam si hailey e. " sabi ko.



"Hahahaha. Alam mo bang kanina lang to inayos." Sabi niya


"Talaga bakit parang hindi naman. Sobrang ganda kaya nito baka abutin to ng 1or 2 days para sa preparation." Sabi ko


"Magagaling lang talaga ang nag isip." Sabi niya.


"Tara na? " dagdag niya


Iginaya niya ako sa table. Pinagisod ng upuan. Sobrang gentleman talaga niya. Wala na akong mahihiling pa. Parang inlove na ata ako sa kanya.


Pinasok na ng crew ang pagkain namin. Natakam ako sa nakita ko. Amoy palang masarap na paano pa kaya pagkinain mo na. Syempre hindi ko ipapahalata na takam na takam ako baka isipin pa na patay gutom ako. Kaya kumain ako ng maayos katulad ng tinuro saakin ni mommy.


Natapos naman ang pagkain namin at tama nga ang hinala ko sobrang sarap talaga kaya naparami ang kinain ko. Okay naman kay czues. Pero syempre nakakahiya diba?



Just a night with him.Where stories live. Discover now