"Familiar yung kausap niya." salita ko habang nakatingin parin sa dalawa.

"Si Camille. Yung dalawang beses bumasted sa kanya." -Jordan

Napaisip naman ako bigla.

"Ay oo nga."

"Ry!!!"

Nagulat kaming lahat sa sigaw ng kababaihan at napalingon dito. Sila Karina lang pala. Kumpleto na ulit ang Destiny's Child.

Habang busy sa pakikipagkwentuhan si Quinn, ako naman patingin tingin lang sa mga tao. Ang bilis lang ng panahon.

"Ice?"

Napalingon ako isang familiar na lalaki na naka-cap at black blazer at plain white t-shirt.

"John? Uy kumusta?" tumayo na ako para makausap ito.

"Okay lang. Ikaw? Buti nakapunta ka." nakangiti ito sa akin.

"Oo nga eh. Minsan lang din kasi 'to."

"Sinong kasama mo?"

"Sila Jordan yung mga friends ko." tukoy ko kina Jordan na busy din sa pakikipagusap.

"Tapos si Quinn." pahabol ko. Nagulat pa akong nakatingin pala ito sa amin. Nginitian ko nalang ito. Yung kita yung ngipin ko. Pero pinagpawisan bigla yung mga kamay ko. Kumaway naman si John sa kanya.

"Best friends forever talaga." komento nito.

Smile nalang ako pagkatapos ay pasimpleng tumingin ulit kay Quinn na busy na ulit sa pakikipagusap kay Karina at Mae.

"Sige baka nakakaistorbo na ako."

"Hindi naman." hindi naman talaga pero medyo hindi rin ako komportable.

"Ay pwede palang mahingi ang number mo? Kung okay lang?" hirit nito.

"Ha? Ah... kasi... wait lang hindi ko kasi memorize yung number ko. Ikaw nalang yung magbigay ng number tapos text nalang kita." palusot ko dito.

"Oh sige."

Pagkatapos ibigay ni John yung number niya na hindi ko naman talaga sinave, nagpaalam narin ito. Salamat!

"Uy... muling ibalik ang tamis ng pagibig." asar ni Quinn sa akin dahil bumalik narin sila Karina sa mga upuan nila.

"Sus! If I know selos na selos ka."

"What? Ako nagseselos? Ba't ako magseselos?" sige deny pa kahit sobrang halata naman.

"Wag ako!" sabi ko dito pagkatapos ay hinolding hands ito. Nasanay lang. Minsan hindi ko rin napapapansin, hawak ko na pala ang kamay niya.

"Feeling ka talaga."

"Sorry. Pinili mong mag girlfriend ng isang Ice Dela Cruz." asar ko sa kanya.

"Yuck!"

"Grabe maka-yuck." pipisilin ko na sana ang pisngi nito—

"Masisira ang makeup mo."

"Samahan mo ako. Magsi-cr lang ako."

"Tara!" inalalayan ko ito.

"Oh? Uuwi na kayo?" biglang sulpot ni Kris.

"CR lang." sagot ko.

"Nakaholding hands talaga dapat?"

"Mahirap na." mahina kong sabi. Tumawa lang si Kris.







After naming mag-cr, pabalik na sana kami sa table namin ng biglang may dalawang lalaking humarang sa amin. At yung isa dun—

"Hi Ry!"

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!