I

2.2K 41 2
                                    

"Pre, ano sama ka ba bukas?" Tanong ni Bryan habang nag-aayos ng mga gamit sa bag nya. Pauwi na kasi kami galing sa 7pm class namin.

"Anong meron bukas?" Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sinukbit ang bag sa likod ko.

"Nag-aaya kasi si Kia sa rest house nila sa Batangas pre. Sama ka na. Sigurado masaya yun !" Tumayo na din sya at nag-umpisa na kaming lumakad palabas ng room.

"Ano namang gagawin ko dun? Hindi ko naman close yang si Kia"

"Hahaha ! Alam kong yan ang sasabihin mo .. wag kang mag alala kasama naman si.."

Napatigil sya sa pagsasalita ng makasalubong namin ang ultimate crush kong si Heart habang pababa kami sa hagdan, si Heart naman paakyat na tila nagmamadali, may naiwan siguro.

"Uy, musta. Pauwi na kayo? Ingat !" Madali nyang sinabi samin, pagtapos ay kumaripas na ng takbo paakyat ng hagdan.

"Ayos lang naman kami, oo pauwi na nga kami eh. Sige ingat ka rin" Natatawang sinabi ni Bryan kase wala naman na si Heart sa harap namin.

"Umayos ka nga" Siniko ko sya sa tagiliran.

"Hahaha ! Pre naman kase, di tayo nagkaroon ng chance makasagot sa mga tanong nya. Bat ba mukhang nagmamadali yun? Hmmm teka.. " Napahinto muli si Bryan sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya at huminto nadin sa paglakad.

"Anong iniisip mo?" Nagtataka kong tanong.

"Yan yan yan ! Yan ang hirap sayo kaya di ka maka-porma kay Heart eh. Napaka-torpe mo. Eh diba kras mo yun nung 1st year college palang tayo? Pre 4th year na tayo ! Kumilos-kilos ka na aba ! Swerte mo sa dami ng umaaligid sa kanya ni isa wala syang sinasagot, malay mo ikaw lang pala inaantay nya. Yiiieee" Ginulo-gulo nya ang buhok ko, pagtapos ay hinawakan nya ako sa siko at kinaladkad na para akong bata pabalik sa tapat ng hagdan kung san namin nakasalubong si Heart kanina.

"A-ano ba pre ! Bitawan mo nga ako ! Ano ba to?"

"Pre, ito na yun ! This is your time to shine ! Tanungin mo si Heart kung sasama sya bukas sa rest house nila Kia. Alam kong wala kang topic na maiisip eh. Hahahaha ! Goodluck !" Tinapik nya ako sa balikat sabay karipas ng takbo paalis.

"P-pre sandali lang, hindi pa ako handa !"

"Hindi handa saan?" Pag tingala ko sa taas ng hagdan ay nakita ko si Heart na naglalakad pababa papunta sa akin. Omaygulay ! Nakangiti sya. Ang ganda talaga nya. Hinawi nya yung mahaba nyang buhok na nasa balikat nya papunta sa likod.

"Kala ko pauwi na kayo ni Bryan, bat andito ka pa? Don't tell me hinihintay mo ako?" Napapailing nyang sinabi. Magkatabi na kami at nag umpisa na syang lumakad. Naiwan akong nakatayo parin sa pwesto ko.

"Oy ano ka ba? Wala ka pang sinasagot sa mga tanong ko? Ayos ka lang?" Kinakawayan nya ako habang sinasabi yun. Bumalik ako sa ulirat at ngumiti din sa kanya. Natulala ako ng bahagya dun ah.

"Ah .. eh .. pauwi ka na ba? Hatid na kita" sa wakas nasabi ko din !

"Sige ba. Walang problema" Ngumiti ulit sya at nag-umpisa na kaming lumakad. Nakatingin lang ako sa kanya magdamag. Ang cute nya kase. Dagdag pa na hanggang balikat ko lang sya hahaha.

"Oo nga pala. B-bukas sa ano .. uhm .. " Takte ! Bat di ko ba masabe !
Tumingala sya sakin ng bahagya.

"Sa rest house kami nila Kia bukas .. Wait, Don't tell me kasama ka din?" Nasa parking na kami ng school.

"Kung .. kung kasama ka.." Sumampa ako sa motor ko at iniabot ko yung helmet ko sa kanya. Syempre gusto ko mas safe sya.

Kinuha nya yung helmet at tinitigan nya muna bago sya bumaling ng tingin sa akin saka nagsalita.

Psycho || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon