"Hindi naman masyadong masama ang lasa" seryosong sabi niya at uminom ng tubig
"Kakainin ko ito dahil alam kong pinahirapan mo itong lutuin para sa akin
"sigurado ka bang kakainin mo yan?" tanong ko
"Oo naman" naka ngiting sabi niya at nagpatuloy sa pagkain ng lugaw
Tsk ang tigas talaga ng ulo niya baka mas lalo siyang magkasakit dahil kinain niya ang niluto kong lugaw
Bigla akong napangiti nang makita kong nahihirapan siya sa paglunok ng lugaw damn ang cute niyang tignan kapag kumain siya
Nakita kong pinagpapawisan siya kaya pinahid ko ito gamit ang kamay ko haisst talagang seryoso siya na uubuusin niya ang niluto ko
Alam ko namang pinipilit niyang kainin ang niluto ko dahil ayaw niyang masayang ang pinag paguran ko
"Tapos na" parang batang sabi niya at uminom ulit ng tubig
"Inumin mo na ang gamot mo, huhugasan ko lang itong pinag kainan mo" sabi ko at umalis na sa kwarto niya
Pumunta ako sa kusina at agad na hinugasan ang pinag kainan ni kyle. Hindi talaga ako sanay sa mga gawaing bahay lalong lalo na sa paghuhugas ng pinggan dahil may mga maids naman na gagawa nito para saakin
Pagkatapos kong hugasan ang mga pinggan ay pumasok ako sa kwarto ni kyle at nagulat ako nang mapansin kong kagagaling lang pala niyang maligo
Nakasuot siya ng pajama at v- neck t-shirt damn ang hot niyang tignan at mas lalo siyang naging hot dahil sa medyong magulo niyang buhok
Napatingin ako sa mapupula niyang labi shit gustong gusto kong halikan siya ngayon!
"Bakit ka naligo?Baka mas lalong tumaas ang lagnat mo" sabi ko at umupo sa tabi niya
"Ayos lang naman ako kaya wag kang mag alala" sabi niya at humiga sa kama
Ipinatong ko ang comforter sa katawan niya "ininom mo na ba ang gamot mo?" tanong ko sa kanya
"Oo" maikling sagot niya
"Umalis ka na baka hinahanap ka na ni nathan" sabi niya
Biglang akong nagtaka dahil sa sinabi niya "bakit mo kilala si nathan?" tanong ko
"Hu-hula ko lang" nauutal na tanong niya at umiwas ng tingin
Bakit kaya niya kilala si nathan?Wala naman kasi akong maalala na sinabi ko ang pinakilala ko ang abnormal na nathan sa kanya kaya imposible talagang makilala ni kyle si nathan
"Alam ko namang hindi ako hahanapin ni nathan" sabi ko
"Ang totoo hindi ko naman talaga boyfriend si nathan" dagdag ko at yumuko
Natatakot ako na baka magalit si kyle sa akin dahil baka akala ni kyle na boyfriend ko talaga si nathan
"Alam ko" sagot ni kyle
Bigla akong napaharap sa kanya "bakit mo alam?hindi ka ba galit?" tanong ko
"May nagsabi kasi saakin na hindi mo talaga boyfriend si nathan at hindi naman ako galit" sagot niya
"Sino naman ang nagsabi sayo?" tanong ko
"Baka magulat ka kaya hindi ko nalang sasabihin" sabi niya at pumikit
Hindi nalang ako nagsalita at lihim na nagpasalamat sa kung sino man ang nagsabi kay kyle na hindi ko talaga boyfriend ang pangit na nathan na yun
Napansin kong nangiginig si nathan habang nakapikit parin "giniginaw ka ba? pwede kong patayin ang aircon" sabi ko kay kyle
Umiling siya "wag na, pwede ka nang umalis" sagot niya
Bakit kaya ang sungit niya ngayon? May dalaw ba siya ngayon at sinusungitan niya ako?
Hindi ako nakinig sa kanya at humiga sa tabi niya "hindi ako aalis" sabi ko at niyakap siya
Lalayo na sana siya saakin pero mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya "wag kang malikot, hayaan mo nalang ako pwede ba?" tanong ko
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya mas lumapit pa ako at niyakap siya damn ang bango niya talaga
Nabasa ko kasing ito ang mabisang paraan para maibsan ang nararamdamang lamig ng isang tao sa kanyang katawan at para din hindi ito masyadong ginawin
Kawawa naman kasi si kyle dahil alam kong giniginaw na siya dahil nakita kong nangiginig siya kanina
Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman kong ang lamig nang kamay niya haisst kawawa naman siya
Bakit ba kasi ang tigas ng ulo niya? Ano ba kasi ang trip niya at naligo pa siya kanina? Yan tuloy giniginaw siya ngayon
"Goodnight kyle" sabi ko at hinalikan ang labi niya
Damn gustong gusto ko talagang halikan siya ulit pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka magahasa ko siya nang wala sa oras
"Goodnight" pabulong na sabi niya
Napamura ako sa isip ko shit ang sexy ng boses niya! ang sarap pakinggan ng paulit-ulit
Napalunok ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko at mas inilapit pa ako sa kanya
Layuan mo ako tukso!
Sigurado akong mahihirapan talaga akong matulog ngayon dahil kay kyle
YOU ARE READING
That gay is mine - Completed
RomanceHer pov Nakita ko si Kyle na naka upo sa mga isa sa mga bench habang nagbabasa ng libro "Hi babe" sabi ko at umupo sa lap niya Nakita kong nag iba ang expression ng mukha niya "umalis ka nga girl hindi tayo talo noh" maarteng sabi niya Ang arte tal...
CHAPTER 30
Start from the beginning