Chapter 57: Truth, Bitter Truth

84.7K 1.4K 335

Chapter 57: Truth, Bitter Truth

Nothing much to say.

As always, comment and vote if you liked the chapter. Ayos? XD
PS: No softcopies for If I Fall. Sorry :)
-

She can't believe it.

Baka nagkakamali lang sya. Baka iniisip nya na si Lean na lang sana si MRSD kaya ito ang naiimagine nya. Baka figment ng imagination nya ito.

Hindi pwedeng si Lean ay si MRSD. This can't be.

"Barbs, okay ka lang?"

She blinked continuosly. Akala nya imagination pa rin nya yun.

"Lean.. seryoso ba 'to?"

Lean nodded. "Have a seat."

Parang jell-o ang mga tuhod ni Barbs. She.. can't believe it. Mindfck at its finest! Himala pang sumayad ang pwetan nya sa upuan. Her eyes are fixated to the guy in front of her.

Si Le--Mr/s Darcy.

Ayun, nagtitigan lang silang dalawa. For 2 minutes.

"Akala ko ba nasa outing ka?" Yan lang ang nasabi ni Barbs, more of nabulong nya.

"Ha? Paki-ulit?"

Medyo nawala ang kaba nya. "Outing ng faculty ngayon diba?"

"Aahh yun ba?" tinanggal na nya ang hood. "Di ako sumama dun. Nasa Ateneo lang ako the whole day."

"Sabi ni Vivien.. kasama ka ra--"

"A white lie. May team building kami sa Ateneo.. so yeah."

Di na kayang tumingin ni Barbs kay Lean kaya ang libro na lang ang tinignan nya. "Of all books.. why One Hundred Years of Solitude?" wala na syang matanong.

"Dahil sa cover. Madaling mapansin." He's right.

"Di ko nga tinapos yan. Medyo boring."

"I know. Muntik ko na ipabasa sa inyo to sa Honors pero alam kong tatamarin kayo."

Sumilip si Barbs sa labas. Buti na lang nasa pinakasulok sila ng Starbucks, walang makakapansin sa kanilang schoolmate.

"Barbs.." he trailed off.

"Are you fcking kidding me, Leandro? Please tell me this is a fcking joke. Kung pinagtitripan nyo lang ako ni Cyrus di t--"

"He has nothing to do with this.. well.. meron..."

"ANO NGA?!" napatingin sa kanila yung crew na napadaan. "Can you please fcking tell me the truth?!"

"Saan mo gusto kong simulan?" sumeryoso na ito.

"Sa simula.. ikaw ba talaga si Mr/s Darcy?"

Tumitig na si Lean sa mga mata ni Barbs. "I am Mr/s Darcy."

"Patunayan mo."

Lean let out a sigh and got his iPhone from his bag. "Para makita mo, sige."

Sinilip ni Barbs ang ginagawa ni Lean sa iPhone nito.

Sht. Maglolog-in sa Wattpad.

Pigil-hininga si Barbs. Mabilis na tinaype ni Lean ang username at password nito.

At nakapasok nga.

"Baka naman hinack mo yan," pabulong na halos ni Barbs.

"Psh. Di ako ganung kadesperado, Barbs. Ano pa?"

Hindi pa rin sya kumbinsido kay Lean. Pwede kasing hinack lang nya ito. But may part sa kanya na naniniwala na si Lean nga yun. Ramdam nya eh.

"Bakit Mr/s Darcy? Bakit Wattpad? Ba--"

"Isa-isa muna, please? Nakakatawa ka kasi eh," pigil na sabi nito.

"Agit na talaga ako dito, Leandro. Masasapak kita."

Sumeryoso ulit si Lean. "Fine. Gusto mo talaga malaman?"

"Kaya nga 'to meetup diba? Yun ang purpose nun."

Lean sighed. Sumasakit ang ulo nya sa katarayan ni Barbs ngayon. "Haay.. Again, I'm MRSD. Author ng Those Three Words. 2 years nako sa Wattpad."

"So.. nagstart ka nung.."

"3rd year college. Actually.. trip trip lang yun. It was my ex girlfriend who told me about Wattpad. Escape from reality nya yun, since sabog na sya sa Architecture. At first sobrang nacocornyhan ako sa Wattpad. Then sa isang subject namin, may project kami na magsulat ng story na malayo sa comfort zone namin. I don't like romance stuff, I rarely read those maliban sa Para Kay B. Ayun.. naisip ko yung kina Tres at Red habang tumirik yung sasakyan ko sa Cainta. What if may ganun nga, allergic sa pheromones? Short story lang talaga sya, kaya nga Those Three Words.. ayun. Kaso nakita ni Anya, my ex.. natuwa sya. And she prodded me to post it in Wattpad. Ayoko naman, ang gay kasi," medyo natawa si Barbs. "To think na lalaki ako at nagsulat ako nun diba? Nakakatawa lang yung prologue. Parang babae."

"Bakit.. MRSD? Alam mo bang ikaw na ang pinakamysterious na author sa Watty?"

"Para may anonimity. Ayoko ngang malaman nila na lalaki ang author nun. Kasi the way I described Tres!"

Tuluyan nang tumawa si Barbs. "Ang mala-Adonis na si Tres! Yeah right, somehow gay."

"Eh saktong may position paper ako about Jane Austen, saktong nasa Pride and Prejudice ako. Ang ginawa ko kasi, alter universe ng Pride. What if lalaki yung nasa position ni Elizabeth vice versa? Parang ganun."

Nagkakaron na ng kulay para kay Barbs ang lahat. Kumakalma na rin sya. "So.. that explains the irregular updates. Almost 2 years na rin ang kwento mo!! Ang tagal!!"

"Wala na kasi akong maisip," nahihiyang confession ni Lean. "Malapit na rin syang matapos, about 10 chapters to go."

"So hindi na sya trip-trip para sa'yo ngayon? Seryoso ka na dyan?"

"Ewan ko. Nag-uupdate ako pag may naisip nako. Depende talaga nakakawalang-gana kasi minsan."

"Ikaw kaya ang pinakatamad na magreply sa lahat! Tambak na MB mo!!"

"Ikaw lang kaya nirereplyan ko. Hindi pa kita kilala nun ah!"

Kinabahan na naman ulit si Barbs. Eto na, seryoso na 'to. "Pano mo nalaman na.. ako si notanotherfairytale? Sabi mo kanina may kinalaman si Casabueno? He's here earlier, nag-usap ba kayo?"

Nagulat naman si Lean, di sya umaacting. "Nasan?" silip agad ito sa labas.

"Earlier nga, bingi. Pano mo ko nakilala?"

"Nung minessage kita.. wala akong clue kung sino ka. Pero may clue ako na taga Charleston ka kasi the way you described things," napayuko tuloy si Barbs. "Ayos nga yun eh! Madali akong nakarelate sa story mo. Si Vivien pala ang nagsuggest sakin na ipabasa yung kwento mo. Sa totoo lang matagal ko nang gustong ipabasa yun sa class kaso nakakagulat naman na biglaan ko na lang yung sabihin, mahalata pa na nagbabasa/nagsusulat ako sa Wattpad. Ayun, she suggested it. Kilig na kilig si Viv sa kwento mo! I can't believe na hindi nya mahalata na ikaw author nun!"

Medyo tumaas ang self-confidence ni Barbs. "Magaling akong magtago eh!!"

"Sige na, ikaw na! Anyway ayun nga. Nung sinabi mong B na lang ang itawag ko sayo, ikaw ang unang pumasok sa isip ko. Pero I told myself imposible. Di ka naman magsusulat ng ganun eh! Mas lumakas ang hunch ko nung Friday, naging defensive ka masyado. Ang akala ko reader ka lang.. tapos after the class.. Cyrus approached me. Tinanong nya kung nakausap ko raw ba ang author. I told him no. Dun nya sinabi na sa tingin nya based sa Charleston yung story at student sa Charleston ang author.. Yun lang."

Hindi naman pala sya nilaglag ni Cyrus! Nakahinga sya dun ng maluwag. dahil dun. "Akala ko pa naman sya nagsabi sa inyo."

"Ha? Alam ba nya na nagsusulat ka sa Wattpad?"

Napanganga si Barbs. Sht, that slipped from her mouth. "Ha? May sinabi ba ako?"

Napangisi na lang si Lean at umiling. "He knows about this. Kelan pa?"

Hesitant sya kung ikukwento ba nya kay Lean ang lahat. Baka kasi maulit uli yung sa kanila ni Cyrus. "Bakit ko ikukwento sayo? Feel mo naman close na tayo."

Tumawa na naman ang teacher. "Sorry, I just want to know. Okay lang kahit hindi mo sabihin sakin. May certain boundaries tayong mga tao, and I respect that. Kung hanggang saan lang ang kaya mong i-give off, sure. I can live with that."

"Alam nya," at last bumigay na sya. "He discovered that nung June pa. Tinulungan nya akong magsulat. Kaya nagbago yung gitna ng YTOTIW."

"Talaga? How nice. He helped you? Tagal na rin pala nun! Almost 6 months nyong tinago yun?"

"Bilangin mo kasi!!!"

"Yung.. essay mo.. is that about him?"

Narinig yun ni Barbs, di pinalagpas ng tenga nya ang detail na yun. "Psh. Hindi ah. General yun. Feeling naman nya diba?"

"Okay ka na ba, Barbs? Hindi ka ba natatakot sakin? Kasi kanina.. you look very pale."

"G@go ka kasi. I thought you're a sex criminal."

O___O "I-i'm a what?"

"Sex criminal," she stated plainly. "Di ka kasi nagpakilala agad. Hayop ka. May hoodie pa? T@ngina ang arte!"

"HAHAHAHAHAHA!!!!" utas na si Lean sa kakatawa. Naiyak na naman to. Dahil sa infectious ang tawang yon, natawa na rin si Barbs.

"G@go wag ka ngang tumawa!" saway nito. "They're looking at us!"

"E..e sa nakakatawa talaga! Pakshet!! Ako sex criminal? Hahaha!!"

Pinabayaan muna ni Barbs na magsubside ang tawa ni Lean. This meetup's not that bad. At least napanatag ang loob nya na kilala nya si MRSD. She'll freak out pag ibang tao yun. Still, she can't believe na si Lean yun.

If I FallRead this story for FREE!