x38: FIDELITY-- to who?

[ADRIAN's PoV]

'Ano ka ba Adrian.. Di naman nya ko binigyan ng flowers dahil birthday ni Andy noh.. Anniversary namin ngayon kaya ganito..'

'It's our THIRD anniversary.'

"ARGHH!!" nilamukos ko 'tong tracing paper at binato yun kung saan.

Bwiset eh. Kanina pa ko walang magawang maayos na plate dahil kanina pa ko ginugulo ng mga sinabing yun sakin nina Chelle at CJ.

Tsk. 3rd anniversary raw. Edi kayo na ang naka 3 years ni Chelle!

Pero.. 3 years na sila and still counting..

Samantalang kami noon, 3 months lang..

Ang laki ng difference noh? Kung ipaglalaban ko, walang panama ang 3 months namin sa 3 years na na pagsasama nila ng lalaking yun. WALANG-WALA.

Ugh. Ang sakit sa ulo isipin nun.. Parang gusto ko na iumpog ang sarili ko..

Ito na naman kasi ako..nagsisisi sa ginawa kong pag-iwan kay Chelle noon. Paulit-ulit na lang. Hanggang kailan ba ko magiging ganito?

Iniwan ko ang drawing table ko para humanap ng maiinom. Gusto ko makalimot kahit saglit lang pero wala na kong stock dito sa bahay. Lumabas na lang tuloy ako at nagpunta sa bar na tambayan ng barkada ko.

Ang OA ng reaksyon nila nang makita nila ko. HIMALA raw at nagawa ko pang magpakita sakanila. Sabagay, simula kasi nang ipakilala sakin ni Chelle ang anak namin, di na ko nagpunta dito. Gusto ko nga kasing magbagong buhay para sakanilang mag-ina ko pero..para saan pa yun kung di ko naman pala sila mababawi?

Napailing ako sabay inom ng alak. Dalawang magkasunod na shot.

Tapos sinimulan akong tanungin nitong barkada ko tungkol sa tsismis na kumakalat na may anak na raw ako at dinala ko pa raw sa school yung bata. Kinomfirm ko naman yun. Pero yung iba sakanila ayaw maniwala. Amp. Tatanong-tanong tas di maniniwala sa sagot ko. Kabwiset ampotek.

Di ko na sila pinansin. Uminom na lang ako ulit.

"Eh yung nanay pare? Balita ko Journalism student ah! Kayo na ba ulit? Nagsasama na ba kayo?"

Natigilan ako sa tanong ng kabarkada ko. Then napangisi.

"Di kami nagkabalikan noh at lalong di kami nagsasama." sagot ko. "May mahal nang iba yun kaya napaka-imposibleng mangyari nun."

Yun oh. Sinaktan ko sarili ko.

Pero tama lang. Para naman matauhan ako. Para naman di na ko umasa.

Oo. Di na ko aasang mamahalin ulit ako ni Chelle..na magkakabalikan pa kami..na mabubuo pa ang pamilya namin kasi..

KASI MAY MAHAL NA NGA SYANG IBA. At 3 years na silang dalawa ah.

3 YEARS..

Napangisi ulit ako sabay inom.

TEKA TEKA. Kailan pa pala ko nagkaroon ng katabing babae dito sa upuan at tinatagayan ako? Di ko sya napansin ah.

Ito ang himala. Maganda at ma-laman 'tong tumabi sakin pero di ko man lang sya napansin.

"So daddy ka na pala.." nakangiting sabi nitong babae.

"Hindi hindi. Hindi DADDY, okay? PAPA."

"Huh?" natawa yung babae. "Ah, ibig mo bang sabihin, PAPA tawag ng anak mo sayo?"

Tumango lang ako at uminom ulit.

"That's nice.." napangiti sya. "Uhm, by the way.. I'm Jeremae. And you're Adrian, right?"

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!