Aangat sa Lahat - Above All

178 5 0

Setyembre 2013: Kalakhang Maynila (NCR)

Magkadaupang palad ang dalawang kamay ng Professor.

"Sa ika-18 na araw... ng ika-siyam na buwan... I shall release the ninth ray..."

Noong pamahalaang Marcos, may mga nagsusulong na maglagay ng ika-siyam na silahis sa araw ng bandila ng Pilipinas. Kung ang walong silahis ay para sa walong nag-alsang lalawigan sa Luzon at inilagay sa ilalim ng batas militar noong 1896, ang pangsiyam naman ay para sa Mindanao. Kaya lamang, ang sinasabing ninth ray ng Professor ay walang kaugnayan dito.

Sa ika-labingwalo ng Setyembre, tatlong araw bago ang ika-apatnapu't-isang taon mula nang malagdaan ang Proclamation Number 1081, biglang lumitaw sa mga balita ang tinatawag na "tagapagligtas ng matataba." Siya si Fatman.

Reporter: "Sir Quiry, totoo nga po ang nadinig niyo! Ang tinaguriang Fatman nag-aalis ng taba ng tao ng libre! Lagpas isang libo na ang natanggalan!"

Anchor: "Aba, tila magandang timing naman si Fatman. Lalo na't ayon sa isang lumabas na study, 30% daw ng mga tao ay matataba!"

Reporter: "Kausapin po natin ang isa sa mga nanggaling na sa clinic ni Fatman... Ma'am, ano pong masasabi niyo kay Fatman?"

Babae: "Aaay! Malulugi na sina Belo at Calayan!"

Anchor: "Nand'yan kaya 'yung author ng Pugad Baboy?"

Taimtim namang pinapanuod ni Pacifico ang balita nang dumating si Tomas sa bagong headquarters ng nauna.

"Ang hirap baga puntahan 'tong hideout na 'to! Ala ay lumilindol pa yata 'yung hagdanan!" ani ni Tomas.

Sagot ni Pacifico, "'Wag ka na nga maarte d'yan. 'Lam mo namang low budget lang tayo eh. Buti nga napagbigyan pa ang request ni Jose na magkaroon ng "hideout"."

"E, ano 'yang pinapanuod mo? Home Shopping Network?"

"P***, hindi! Balita 'yan. Sinong naniniwala sa mga ganung infomercial?"

"Teka, Fatman? Ay, sus. Wala namang originality!"

"Oo nga, pero kahit kakaiba 'tong ginagawa niya, tingin ko may masama pa rin siyang balak. Tignan mo naman, ni walang aparato sa clinic niya. Paano niya natatanggal ang taba??"

"At isa pa, ba't siya magtatanggal ng ganung karaming taba? May factory siya ng mantika?"

"Mantika... Oil... Hmm...."

***

            Samantala, habang pinapapayat ni Fatman ang Pilipinas, namamasyal naman sina Tinyente Tagalog at Esla sa N Seoul Tower bago katagpuin ang nakausap nang Dance Rebel. Ang N sa N Seoul Tower ay maraming kinakatawan. Ang isa ay new (bago), kahit na masasabing hindi na siya ganoon kabago. Isa pa ay Namsan, ang pangalan ng bundok kung saan ito naitayo. Huli ay needle (karayom), dahil sa patulis nitong hugis kung titignan mula sa malayo. Abala pa si Benjo na lagyan ng surveillance grid ang buong Seoul.

"Kitang-kita pala talaga ang Seoul mula dito, kuya," sabi ni Esla na ginagamit ang teleskopyo.

Sabi naman ni Tinyente, "Patingin nga."

"Kaya niyo ba 'yan tignan ng ganyan...?"

Kahit na nakasuot pa ng helmet ay inilapit ng Tinyente ang mga mata sa teleskopyo. Bago pa naiayos ang lente ng teleskopyo, biglang may humarang na kandado sa paningin niya.

"'No ba, Esla?? Sayang ang hinulog kong pera dito!"

"E, kuya... 'Di naman ako 'yan."

Nanlaki ang mga mata ng Tinyente, na hindi naman halata dahil suot pa rin ang helmet, at madaling tinanggal ang paningin sa teleskopyo. Nabunyag sa kanya na hindi nga si Esla ang humarang sa lente kung hindi ang Dance Rebel, si Alesia. Nakasuot siya ng mahabang jacket, kung saan nakasulat ang mga katagang "Class of 87" at puting pantalon.

"Uy, Tinyente. Annyeong haseyo!"

"A-anong sa'kin?"

"Um, kuya... Wala ka bang translator? Hello lang ang sinabi niya."

"O? Well, konnichiwa? Soy Teniente Tagalog. Ikaw?"

"Ikaw talaga, Tinyente. Palabiro ka pa rin. Hi hi hi."

"San ba tayo?"

"Saan pa? Kakain muna tayo, ano?"

Kaya, pumunta ang tatlo sa umiinog na kainan sa loob pa rin ng nasabing gusali. Siyang tunay, makikita ang kabuuan ng lungsod dahil sa pag-inog na ginagawa ng kainan. Hindi gaanong kabilis ang pag-inog kaya hindi ito nakakasuka. Si Esla naman, pinipilit na basahin ang isip ni Alesia habang naglalakad papunta sa kainan, ngunit tila hindi niya ito magawa. Para bang katulad ito ng malaking pader na mahirap basagin. Nagsimulang magtaka ang bata at inisip kung alam na rin ba ng Tinyente ang kakaibang isip ng Dance Rebel.

Nang maupo na at makakain ang bulgogi at galbi, nagkaroon ng tila sandaang taong katahimikan.

Binasag ni Alesia ang katahimikan nang kanyang sinabi, "Of course, ako nag-imbita sa inyo sa Korea. Dapat nga naman ako ang magsabi kung bakit dito ko napiling makipagkita. Pero, bago 'yun..."

"Bago 'yun...?" tanong ng Tinyente na suot pa rin ang helmet.

"Heh. Parang Team Manila pa 'yang outfit mo, T2," sabi ng natatawang si Alesia, "Maong pants at Rizal na t-shirt? And to think suot mo pa rin 'yang helmet ng Pilipinas!"

Nagpipigil nang tawa si Esla habang bahagyang namula ang eyeshield ng Tinyente.

"Magsama nga kayo! Pareho kayong ayaw sa makabansang taste!"

"Hi hi. Meomchul su eobseo!"

"Hrgh... Ano bang pakay mo? Kundi, ibabato kita papuntang Laoag!"

"Well, if you're ever so persistent...," sagot ni Alesia habang dahan-dahang sumasandal paharap at tila nagpapa-cute, "... niga nareul itji motage jakku ni apeseo tto."

"Da itji ohae haneun ge itji..."

"It's about time you learned your Korean."

***

Sa ngayon, tatlong araw nang nasa operasyon si Fatman, at libo-libo na ang kanyang mga followers sa social media. Bagaman hindi kinababahala ang kanyang biglaang pagsikat, ibig sabihin lamang ng katanyagang ito ay ganoon na nga karami ang matataba sa Pilipinas na nais pumayat. Mas naging usapan pa ito ng bansa kaysa sa ika-apatnapu't-isang taon mula nang huling ideklara ang Batas Militar Subalit, para kay Pacifico, ito ang bumabagabag sa kanyang isipan.

"Para saan gagamitin ang lahat ng taba...?"

Habang nag-iisip, dumating sa kanilang bagong ayos na hideout ang pinadala niyang kasabwat upang makita ang ginagawa ni Fatman.

"Sir Pacifico," sabi ng kasabwat matapos sumaludo, "nakunan ko na po ang clinic ni Fatman."

"E ano pang hinihintay mo? Isaksak mo na sa computer!"

"Alam niyo, sir, ang gaan ng pakiramdam ko. Parang lightweight na 'ko."

"Gusto mo talaga maging lightweight?!"

"Heto na nga po, sir."

Taimtim na pinanood ni Pacifico ang footage. Natulad sa mata ng lawin ang kanyang mga mata habang nanonood. Halos lahat ng detalye, malaki o maliit, pinapansin ni Pacifico. Naiinis nga lang siya sa mga pagkakataong nahaharangan ng kasabwat ang kuha ng camera.

"Wala namang kakaiba rito..."

"Opo, sir. Akala ko nga may costume si Fatman, e mukha siyang normal na doktor."

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Write a report! Babasahin ko na lang."

Tinyente Tagalog - Superherong Pinoy (Lieutenant Tagalog - Filipino Superhero)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!