Ice Breaker

2.7K 80 1
                                                  

Halos ibalibag na ni Art ang kanyang mouse nang mabasa niya ang nakasaad sa mensahe sa e-mail na ipinadala ng kanilang Vice Dean. Students, the attached file indicates your tuition fee for the next semester.

Fuck.

Saan nanaman kaya siya hahagilap ng pambayad sa ganitong kalaking matrikula. Halos limang libo ang inangat ng kanilang matrikula. Noong first semester, nagawa niyang makaraos dahil sa tulong ng kanyang tiyahin.

Nakakapagsisi lang dahil ito ang pinili niyang unibersidad, ang akala niya kasi noong una makakaya niya na makapag-aral dito. Isa pa, maganda ang paaralanan na 'to. Kapag narinig ng mga kompanya na galing ka sa ganitong klaseng umiversidad, tiyak mabango ang pangalan mo.

Dati kasi mayroong trabaho pa ang kanyang Tatay, maluwag pa noon ang mga gastusin hindi katulad ngayon na halos sakalin na sila. Hindi nakapagtapos ang Nanay niya kaya hindi niya rin maaasahan ito.

Isa pa, kung titigil siyang mag-aral, hindi niya makakayanang makita ang kanyang mga kaibigan na maunahan siyang maka-graduate. Baka hindi na lang rin ipagpapatuloy ni Art ang buong pag-aaral niya ng ganun.

Hindi maintindihan ni Art kung bakit ganito ang tinuturan ng kanyang Tatay. Halos ikahiya nito ang sarili nito matapos itong mawalan ng trabaho. Hindi na ito nakikipagkita sa mga kaibigan nito. Vice Chairman ito noon sa isang kumpanya, ngayon, halos hindi na ito maarawan dahil palaging nagkukulong sa kanilang bahay.

Napabuntong hininga na lamang si Art. Pinatay niya ang kanyang computer at napagdesisyunang maghanap na lamang ng trabaho. Siguro mapalad na siya dahil 19 years old na siya, nasa wastong edad na para makapagtrabaho. Kakasimula pa lang ng kanilang bakasyon, may tatlong buwan pa siya upang makapag-ipon.

Dali-daling lumabas si Art sa kanilang bahay. Naririnig niya pa ang tunog ng pelikulang nakasalang sa kanilang telebisyon. Kasabay din nito ang malakas na ugong ng hilik ng kanyang Tatay. Binalewala na lamang niya lahat ng ito.

Hindi niya rin alam kung bakit pero idinala siya ng kanyang mga paa sa bahay ng kanyang kaibigan na si Henry. Binuksan niya kaagad ang pintuan ng bahay nito na para bang pagmamay-ari niya ang bahay. Siguro dahil ilang taon na silang magkaibigan, wala ng hiya-hiya kahit pa sa bahay ng bawat isa.

"Hello po Tita!" Maligayang bati niya sa Ina ni Henry na nanunuod ng paborito nitong TV series na Game of Thrones.

"Oh, Art, napadalaw ka." Tumingin lamang ito sa kanya ng panandalian bago ibaling muli ang atensyon sa telebisyon. Halatang nakapokus ito sa pinanunuod.

"Opo, puntahan ko lang sana si Henry." Napansin ni Art na nasa Season 3 na ito. Napangiti siya.

"Ah, nasa taas lang yun. Puntahan mo, kakatapos lang namin kumain, siguro nagpapakababoy nanaman yun. Kayo talaga kapag bakasyon ninyo puro kayo kain tulog." Pinause nito ang kanyang pinapanuod sabay tingin kay Art.

Tumawa ng mahina si Art. "Ganun talaga Tita." Tumingin na ulit ito sa pinanunuod at pinagpatuloy ang panunuod. "Malapit na po dyan yung Red Wedding. Mamatay na po si Robb." Tumakbo ng mabilis si Art paakyat bago niya marinig ang pagsigaw nito mula sa sala. Pinaka-ayaw nito ang pagspoil, kaya nang makita ni Art ang oportunidad, hindi niya ito pinalagpas.

Tumatawang binuksan ni Art ang pintuan ng kwarto ni Henry. Sakto at nakatayo ang binatilyo sa harapan niya at mukhang aalis ito dahil may nakasabit na bag sa balikat nito. Napakunot naman ng noo si Art. Hindi siya mapalagay dahil alas-sais pa lang ng hapon, mga ganitong oras busy pa si Henry na nagmamasturbate or nagpapakalulong sa DOTA or PUBG. Pero ngayon mukhang may lakad ang tanga.

"Saan ka nanaman titira?" Tanong ni Art dito. Rumolyo ang mata nito at patuloy na naglakad palabas ng pintuan. Mapanlaro nitong tinabig ang balikat ni Art.

Cold Like Ice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon