[30] ♔ Travel

1.5K 39 4

Hana's POV.

“Hanniel, malayo ba ang pupuntahan natin? Mag-gagabi na eh.”

“Matulog ka nalang. Pagkagising mo bukas nandoon na tayo.”

“Paano ka?”

“Natulog naman ako kanina eh. Kaya okay lang ako.” sabi nito.

Tatawag pala bukas yung guard. Baka walang signal doon. Wala din naman akong number sakanya. Saan ba kasi kami? Parang di yata ako makakatulog nito eh. Kahit pagod ako.

Kailangan ko lamg ipikit yung mata ko. Ganoon naman ako noong bata pa ako eh, ipipikit ko lang yung mata ko tapos di ko na namamalayan tulog na pala ako.

Zzzzzzzz....

“Hana?” nagising ako dahil may tumatapik saakin. Teka?!  Bakit parang nakahiga na ako? Agad king iminulat yung mata ko at nasa isang kwarto ako. Hindi ito kagaya ng kwarto ko sa bahay ni Hanniel. Mga kahoy ito at yung hinihigaan ko? Hindi ito kasing lambot ng hinigaan ko sa bahay. Nasaan ba ako? Nasa isang palabas ba ako na yung mga mayaman naging pulubi para maramdaman manlang nila ang hirap? Pero naging mabait naman yata ako ah?

“Hoy Hana!”

“Nasaan ba tayo? Gusto ko ng umuwi.”

“Nandito na tayo. Maganda dito. Tara kain na tayo.” aniya. At inalalayan niya akong makalabas sa kwartong iyon. Mukhang nasa isang bahay kubo yata kami.

“Nasa probinsya tayo. Dito muna tayo dahil may aayusin ako dito. Maganda kaya dito.” mukhang tama naman siya. Paglabas namin may sumalubong saamin na matandang mag-asawa at may dalaga.

“Pasensya na kong maliit yung bahay namin.” sabi ng babaeng matanda.

“Okay lang po.” sabi ni Hanniel. Ngumiti naman saakin yung anak nila.

“Kain na kayo. Tapos na kami kumain kaya kayong dalawa nalang. Marami pa naman ang sinaing na bigas. Ito nga pala si Mai-mai.”

Ngumiti lang akong bilang tugon. Iniwan na nila kami kaya umupo ako sa isang upuan.

“Anong gagawin natin dito?”

“Mamamasyal tayo. Magaganda ang lugar dito. Kaya wag kang mag-alala hindi boring dito.” sabi niya. Kanin at itlog lang ang kinakain namin at may mga gulay pa. Masasarap ito kasi mukhang bagong pitas palang ang mga ito.

“Dito ba sila nakatira?” tanong ko.

“Hindi. Yung katabi ng bahay na ito yon yung bahay nila. Ayoko namang doon tayo sakanila matutulog kaya mas pinili ko dito.”

“Maganda naman dito. Mukhang mga lumang kahiy nga lang pero maganda yon design. Gusto ko dito kahit aircon ang lamig pa rin.”

“Sabi ko sayo eh. Nga pala, marunong ka bang magsaing?”

“Oo naman!”

“Walang rice cooker dito kaya bago ka magsaing kailangan mo munang gumawa ng apoy. Tulungan nalang kita.” sabi nito at kinindatan ako, tinarayan ko lang siya at tumawa siya. Baliw! “Maliligo tayo pagkatapos nating kumain.”

“Saan naman?” wala naman akong nakikitang banyo. Pati nga sa kwarto walang banyo eh.

“Sa ilog.”

“Wahhhh. Beach? Maganda ba doon? White sand ba?”

“Tch. Oo.” sabi nito at tumayo na. Tapos na pala siya kumain ang bilis naman.

Binilisan ko ang kumain. Sabi ni Hanniel mamaya pa daw kami kakain dahil sasama siya sa pag-aayos ng tubig doon sa bundok. Di ko alam na may side siyang ganoon. Ang bait niya sa mga taga-probinsya.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!