Chance (13)

8 0 0
                                    

Kanina pa nakapulupot ang kamay ni Miyu Hayato sa braso ni Rio. Kasamahan siya ni Rio sa trabaho, which happened to be a celebrity. Isa sa mga sikat na banda si Rio sa Japan at paminsan-minsan ay lumalabas din sa mga pelikula bilang extra. Hindi niya tinatanggap ang anumang projects na inaalok sa kanya dahil ayaw nitong iwan ang kanyang banda.

Naalala ko bigla nang inasar ito ni Mira tungkol sa pagpapalit nito ng passport name.

Siya ba ang sinasabi ni Rio na minahal niya noon? Because I'm sure there's something between them.

Kung saan man ako magpunta ay nakasunod si Rio habang nakasunod naman sa kanya si Miyu.

Sa kwarto...

"Rio hindi ka pa ba lilipat ng –"

"This is not what you think it is..." panimula ni Rio nang makita ko sila ni Miyu sa kwarto namin.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko habang pilit na nakangiti. "Wala naman akong sinasabi."

Lumabas ako ulit ng kwarto. Alam ko namang wala silang ginagawa dahil magkalayo sila at halatang-halata naman na nagpapahinga lang si Miyu. Nahilo lang siguro ito sa byahe nila kahapon.

Sa dagat...

Tinawag ni Miyu s Rio at hinila sa may dagat. Most of the time, nag-uusap naman sila at kitang-kita kong masaya si Rio pero hindi ko sila naiintindihan dahil nihonggo ang salitang ginagamit nila.

"Carlee, tara!" Tawag niya sa'kin pero tumalikod lang akoat bumalik sa kwarto ko.

Fnally, matatahimik ang mundo ko at makakapagsulat ako pero hinahanap-hanap ko rin ang pangungulit niya.

No shit!

Kahit nakikipaglaro ako samga bata, gano'n din si Rio. Syempre hindi mawawala si Miyu sa eksena. Not that, I hate her or I'm jealous –maybe I am- but her presence is just as annoying as Rio's.

Pero tuwing nakikita ko silang dalawa na magkasama ay masaya ako. They are perfect for each other. Hindi ko alam kung anong meron sila pero bilang writer alam ko na hindi lang sila magka-trabaho.

Sa hapagkainan, palihim na sinisipa ni Rio ang paa ko sa ilalim ng lamesa habang kumakain kami pero hindi ko siya tinatapunan ng pansin.

He's too quiet and firm. Maybe it's because of his dad, or because of the lady beside him.

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at tinago 'yon sa ilalim ng lamesa pero tinanggal ko rin agad ang pagkakahawak niya sa'kin nang mapansin ito ni Miyu.

How could he act like he doesn't want the attention that girl is giving, when in fact he is a flirt, no doubt.

Napalingon ako kay Shayla nang tawagin niya ako.

"Kumusta na pala ang sinusulat mong kwento, Hija? Hindi ba kami nakakaabala sa'yo?"

Bago pa man ako makasagot ay sumingit na naman sa usapan si Rio, "She's writing your love story."

"Really? Wow. That's... Thank you, Carlee," malambing na sabi naman ni Shayla at inabot pa ang aking kamay sa ibabaw ng mesa.

"I'm looking forward to read it," sabi naman ni Akihiro na nakangiti rin sa'kin. Ginantihan ko rin sila ng ngiti at tahimik na kumain.

"It's not yet done, but I will finished it for both of you. I admit, I find a hard time writing it-"

Naputol ang sasabihin ko dahil bigal rin nagsalita si Rio.

"That's why I'm helping her. Right?" Sabi niyang pinisil pa ang ilong ko.

Chances for a Bitter Writer (First Chance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon