Clair's POV

2 hours na ang nakalipas simula nung nag announce ako. Pero parang nagiba si Trey.

Lagi siyang tulala at parang malalim yung iniisip.

"Hoy! Clair! Paki sabi dyan sa Boyfriend mo na papirmahan etong paper na to para sa Acquintance na ibibigay kay Miss Eunice. Ikaw din paki pirma na rin."

Pinirmahan ko yung papeles kaso nagtaka ako.

"Uhhhmm, Ryne bakit kay Miss Eunice? Diba dapat kay Tita Shanelle?"

"Akala ko alam mo?" -Ryne

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Tsaka alam ang alin?" -Ako

"Sige bara pa! Babatukan kita dyan eh." -Ryne

"Tsk. Ano nga kasi yun! Salita pa ng salita hindi na lang magkwento eh."

"Oo na po. Kasi po si Miss Eunice ung tunay na may-ari ng School. Yung magulang niya yung tunay na may-ari pinahawak lang kay Tita." pagpapaliwanag ni Ryne

"Ha? Eh. Si Mommy ko ang tunay na may-ari nun eh. Paano naging si Ate Euna?" tanong ko sa hangin

"Euna?" halata mo sa mukha ni Ryne na nagtataka siya

"Kapatid kasi ni Drey si Ate Euna. Eunice Naomi. Euna" pagpapaliwanag ko.

"KAPATID NI DREY!?" sigaw niya kaya binatukan ko

"Aray naman!" sabi niya tapos hinimashimas pa yung ulo niya

"Wag ka kasing mainggay! Napakainggay nyang bunganga mo eh. Gusto mo ipaking tape natin yan! Putspa ah!"

"Oo na po. Balik na ako sa upuan ko tapos ikaw pumunta ka na kay Trey baby loves mo at ipapirma mo na yan ah." sabi niya tapos punta sa upuan niya at nakipagtext ata.

Pero bago ko muna gawin yung pinapagawa niya may tinawagan muna ako.

"Mister Cruz. I need you to investigate someone. Her name is Eunice Naomi. Kapatid siya ni Drey Ocampo. Nagaaral dito sa school ko. Siya ngayon namamahala sa School. I need it within  2 days. Got it. I'm sure you'll do the job right" Sabi ko sa kabilang linya tapos binaba na ang telepono.

I need to know who you really are.

Lumapit ako kay Trey tapos nilagay ang pinakamalaking ngiti ko.

"Trey!" -Me

"....." - siya

"Hoy! Trey!" -Ako

"....." -Siya

"Ah. Hindi ka sasagot ah!"

Tumayo ako ng maayos. Nakasloutch kasi ako kanina. Sinipa ko yung upuan niya at nahulog naman siya dun.

"TAKTE! ANONG KAILANGAN MO CLAIR!?" Nagulat ako sa tono ng boses niya. tumingin ako sa paligid. All eyes on us. Pagtingin ko sa pintuan meron mga taong nagkumpulan. I saw Ryne was about to uproach us pero I partly raised my hand para pigilan siya. Alam kong meron nang luha na namumuo sa mata ko, pero pilit ko yung hindi pinapansin. Tinignan ko siya as mata.

"Kanina pa kasi kita tinatawag at kinakalabit pero di mo ako pinapansin. Pirmahan mo lang to tapos bigay mo kay Ryne. Para yan sa acquintance Party." tumingin muna ulit ako sa mga mata niya. Galit at Inis parin ang nakikita ko. 

Naglakad nalang ulit ako pabalik sa upuan ko at nagsalpak ng earphones sa tenga ko at nagloaro ng kaisa-isang laro sa cellphone ko.

Are you, The One? (On-going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!