Sa japanpart 4

1.4K 40 0

Lumipas ang mga buwan at gabing nakikisalamuha sa mga hapon sa club , nagpa padala pa rin nang pera si carol sa kanyang pamilya .

Anak maraming salamat sa padala mo, yung mga Kapatid mo nakapag aral at anak may bago na tayong tv, DVD player, washing machine, ref. Sambit ng Ina ni carol sa kanilang linya.

Dumaan ang mga gabi na lasing, puyat, walang tulog na si carol , di maipag kaka ilang lumalaki ang tiyan niya.

Takeshita San ninshin shitemasho, kore wa dozoro ba oi desuka? Kekkon shimasuka?"Takeshita San nagdadalang Tao ako , pano to pakakasalan mo ba ako? Tanong ni carol sa costumer niyang hapon.

No! No! Ako meron asawa ! Sagot ng hapon.

Napatakbo sa restroom si carol at napahagulhol sa sobrang bigla. Hindi niya akalain na may asawa na pala ang hapon na yun, at di siya pwede ng panagutan. Habang lumalaki ang tiyan ni carol, nalaman ito ng may ari ng club ,kahit tinatago pa nang mga kasamahan niyang talents dahil naaawa na ma deport siya , pero nalaman pa rin at napa uwi si carol sa pilipinas na buntis. Dahil sa hiya Ay di kayang umuwi ni carol sa kanila . kayat napag isipin niyang pumunta ng ibang baryo , ang baryo Santa Rosa.

Tao po! Tao po! Ma walang galang na po Lola , habang nagwawalis sa bakuran ang matandang Tantya eh nasa nobenta anyos na. ano iyon ineng ? Tanong nang matanda na napahinto sa pagwawalis. Meron po kase sa labas nabasa ko yung karatula room for rent po, magrerenta po sana ako .

Lika pasok Ka ineng, at nang matingnan mo yung kwarto na pinapaupahan ko.

Kukunin ko na po. Sagot ni carol.

BUNTISBasahin ang storyang ito ng LIBRE!