Simula

14.3K 428 32
                                    

Escape

Rain and tears are mingled on my whole face. Maputik ang daan, ramdam ko ang bigat ng suot kong bathrobe habang tinatahak ang matalahib na gubat.

"Hanapin n'yo! Tiyak na hindi pa nakakalayo ang batang 'yon!"

Mabilis akong nagkubli sa Isang malaking puno nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Dolfo.

My body was shaking violently. Mariin kong tinakpan ang aking bibig at pumikit ng mariin.

"Boss, mukhang nakalabas na ng highway 'yon!" Boses iyon ng lalaki na tiyak kong tauhan ni Dolfo.

"Punyeta! Kahit saan lupalop pa 'yan pumunta makita't makikita rin natin 'yan! Sige halughulogin ang buong gubat. Maglagay ng mga bantay sa hangganan ng lungsod!" he shouted angrily.

Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko nang marinig 'yon mula kay Dolfo. Mas sumidhi pa ang takot ko dahil sa huli nitong sinabi.

"Gusto kong dalhin n'yo dito si Venice patay man oh, buhay!"

Unti-unti nangatog ang mga tuhod ko sa takot. Mas lalo kong idiniin ang palad na nakatakip sa aking bibig. Ilang beses kong pinigilan ang paghinga para hindi 'yon makagawa ng ingay.

The sky thundered and the rain poured down heavily. Ganon din ang mga yabag sa 'di kalayuan na bumibingi sa akin. Hindi na ako pwede magtagal pa dito, siguradong mahahanap nila ako kung mananatili pa ako dito.

Pinuno ko ng hangin ang dibdib bago walang lingong tumakbo para suongin ang masukal na kagubatan. The more I tried to run faster, the more my body began to slow, natataranta na ako, kinakain na rin ng takot ang buong sistema ko. Kung hindi ko pag-iigihan ang pagtakbo ay baka mahuli nila ako.

Kabisado ko ang gubat, madalas akong maglaro dito. But it difficult for me to see the road at this moment because of the rain and the heavy fog. Huminto ako at mabilis na hinubad ang bathrobe na suot ko. Ang natira nalamang ngayon ay ang nightdress na suson ko. Mas gumaan ngayon ang pagkilos ko pero hindi pa rin maisawang sumagi ang balat ko sa matatalim na sanga at dahon.

Impit na daing ang pinawalan ko nang matisod ako sa Isang malaking ugat ng puno.

"No.." I whimpered.

Nahintatakutan ako nang makita ko ang malalim na sugat sa aking binti at braso. Blood shedding all over my legs, masyadong malaki ang hiwa doon gawa ng naka-usling kahoy.

"No, please! Let me out of here!" daing ko.

Umayos ako ng upo at pilit na kinakalma ang sarili. Theres no need to fear, Venice. Hindi ka pwedeng sumuko ngayon. Paano sila Tata Teban at Aling Lusing na naiwan doon. Sila nalang ang pamilya mo!

Marahas kong pinahid ang luha ko at walang pasabing pinilas ang laylayan ng aking suot na nightdress at itinali sa malaki kong sugat.

"Agh! Damn!" pigil kong daing.

Mabilis akong bumalik sa wisyo nang makarinig ng mga yabag mula sa malayo.

"Dad, please guide me!" usal ko sa paos na boses.

Sinubukan kong tumayo at pinilit na ilakad ang binting may sugat. Napapikit ako dahil sa kirot na nanuot doon. I'm afraid I won't be able to go..

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon