Chapter 11

748 36 1
                                        

Chanyeol's Pov



"Chanyeol....." Nararamdaman kong may umuuga sa akin.



"Chanyeol...."


"Uhmm... Ano?"iritang sagot ko. Ang sarap na kasi ng tulog mo tapos gigisingin ka lang.


"Gusto kong kumaen ng blue berry cheese cake nung kinaen naten kanina." Binuksan nya yung isang mata ko para tignan yung orasan.



"Are you serious?? Its fucking 2am saan ako hahanap nun. Matulog ka na lang."  Sira ulo ba sya anung oras pa lang oh wala nang bukas na restaurant. Kaya bumalik ako sa pagtulog ko.



Maya maya wala akong nararamdaman mula sa kabilang bahagi ng kama. Pag lingon ko walang Baekhyun na natutulog.



"Haizt.... Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking yun..." Kaya hinanap ko sya sa villa namen. Pero wala sya, may narinig akong nag uusap sa labas at sumilip ako. Si Baekhyun at may kasama syang lalake. Yung nakilala nya sa airport. Kaya lumabas ako para tawagin sya.



"Baekhyun!" Mukhang nagulat sya. Nilapitan ko siya at hinawakan yung kamay nya. Magsasalita pa sya pero hinatak ko na sya papasok ng villa.


Pagkasarado ng pinto agad ko syang hinarap.


"Ang tigas talaga ng ulo mo. Sinabi na bukas bibili tayo di ka makapaghintay. Paano kung may mangyari sayo at sa anak naten. "


"Sorry." Habang umiiyak.



"Wag kang umiyak dyan. Ikaw tong may kasalanan. Matulog ka na. Masama sa buntis ang magpuyat."
Humiga na ako sa kama at bumalik sa pag tulog.


Kinaumagahan nagising ako wala nanaman si Baekhyun sa tabi ko. Hinanap ko sya at nakita ko sya na nasa labas.


"Gising ka na pala. Tara magalmusal na tayo ako na yung nag order. " tumango lang ako at nag simula nang kumaen.


"Ang ganda dito. Alam mo ba na nasa bucket list ko puntahan yung Maldives. Nakikita ko lang to sa internet. Di ko akalain na andito na ako ngayon." Kwento nya.


"Ano ung gusto mong gawin ngayong araw?" Tanong ko?





Baekhyun's POV



"Ano ung gusto mong gawin ngayong araw?"  Nagulat ako ng tanungin nya ako.


"Mag swimming...."



"Yun lang?"


"Wala naman akong maisip na iba kundi mag swimming."


"Sige ako na ang bahala. Kumaen ka na muna dyan at pagkatapos ay magswimming tayo." Tumango ako bilang pag sang ayon ko.



At ayun nagswimming kame dito sa tapat ng villa namen. Then nag order na lang ulet kame ng lunch para dalhin dito sa villa namen. Pagkatapos nun nakatulog kame sa pagod. Mga bandang 3pm nagising ako. Pinagmasdan ko sya habang natutulog ang gwapo nya talaga. Naputol yung pag titig ko sa kanya nung tumunog yung alaram ko. Sakto naman na hinahaplos yung mukha nya. Takte bumukas yung mata nya habang yung kamay ko nasa mukha nya.
Tinitigan nya ako nagtataka kung ano yung ginagawa ko.



"Ahh ano kasi may.... Dumi kasi sa mukha mo inaalis ko lang." Kaya dali dali akong bumagon sa kama at dumeretcho ako sa banyo. Jusko naman ang pula ng pisngi ko. 


Paglabas ko ng banyo nakita ko si Chanyeol na may kinakausap na staff. At may binigay na susi. Ano kaya yun?


"Baekhyun mag bihis ka may pupuntahan tayo."



Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon