"Ms. Ellaine...Ms. Ellaine...Ms. Ellaine..."
Para yatang may tumatawag sa'kin. Pero di ko naman alam kung sino.
"MS. ELLAINE!"
At aba, sinigawan pa ako. Napakaepal niya talaga. Nananahimik na nga lang ako dito tapos sisigawan pa ko. Hay naku buhay artista nga naman. Pwes, isang tawag pa at talagang makakatikim na siya sa'kin.
"MS. ELLAINE ASIS!!!"
At ang lakas talaga ng loob na sabihin ang full name ko. Lagot ka talaga sa'kin. Pwede naman kasing sabihin in a nice way di ba. Kaya naman napatayo na ko sa upuan ko nung oras na yun sabay sabi, "Sino ka ba? Bakit mo ba ako tinatawag?" Nagtaka ako kasi bigla akong nakarinig ng tawanan. Mga kaklase ko pala yung mga wagas tumawa. Tapos pagtingin ko sa harapan ko, nakita ko ang nakakatakot na mukha ni Ma'am Shabby. Kaya naman biglang nagising ang diwa ko. Hindi ko pala namalayang nakatulog na naman ako sa klase.
"Ms. Ellaine, what a disgusting attitude you have. Is it your proper way of talking to your professor?"
Ouch, nosebleed na naman ako kay Ma'am. Pero no choice, kailangan ko siyang sagutin in my proper way.
"S-s-sorry Ma---" Hindi pa nga ako tapos magsalita nang biglang humirit pa si Ma'am. " How many times should I tell you that you must address me as Dr. Rosales?"
"I'm sorry, Dr. Rosales." Ayun na lang ang nasabi ko sa kanya. Kasi wala na talaga akong maisip.
"Your apology is not accepted. I want you to visit the Guidance Office later."
Aray! Guidance na naman ako. Pang-ilang beses na ba akong bumalik dun. siguro mga pang nth times na. Hindi ko na kasi mabilang, suking suki na pati ako dun sa Guidance. Pero ano pa nga bang magagawa ko, estudyante lang ako tapos "Doctorate degree holder" siya. Kaya naman napa-"Yes Dr. Rosales" na lang ako para tapos ang usapan. Oh di ba, at least tumahimik din siya sa pagsasalita. Mahirap na baka mapagod pa tapos biglang magkahigh blood pressure dahil sa'kin. Baka tuluyan pa kong masuspend kung mangyari man yun.
By the way, hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko. I'm Ellaine Sophia de Luna Asis, first year college sa Adamson University. BS Psychology ang kinuha kong kurso kasi gustung-gusto ko talagang matutunan kung paano magbasa ng mga iniisip ng tao sa paligid ko. Hindi ko alam kung matututunan ko talaga ang "mind reading" pero malay natin di ba. Bakit nga ba gusto kong matutunan ang magbasa ng iniisip ng iba? Simple lang. Gusto kong malaman ang totoong dahilan kung bakit parang malayo ang loob ng mga tao sa'kin. Ano ba talaga ang iniisip nila tungkol sa akin? Malay ko ba baka mamaya may maitim na pala silang balak sa akin. Para lang makapaghanda ako kung sakali.
May lilinawin pa akong isang bagay, hindi ako artista, feeling artista lang. Hindi masamang mangarap kaya nilulubus-lubos ko na ang pagkakataon. I'm just an average college student with an average intellectual capacity and personality as well. Ayaw kong sabihin na weirdo ako kasi ipinapakita ko lang naman ang tunay kong pagkatao. Kung ano ako, yun talaga ako. Sabi kasi ng karamihan, being an anime lover is weird. Hey, I just want to clarify something. Oo, I'm an otaku, meaning, sobrang hilig ko sa anime. Eh, bakit yung iba na sobrang naaadik sa larangan ng sports, entertainment, business at etc. Di ba dapat weird din sila? Hindi na talaga ito makatarungan! I stand for all the otakus out there! Well as for now, nasanay na rin naman akong tawaging "weirdo." Since then, for a very long time, weirdo na talaga ang tingin nila sa'kin. Ito ang dahilan kung bakit wala pa kong nakikilalang pwede kong tawaging "friend."
I'm a loner type person kahit na medyo mayaman ang pamilya ko. I'm raised by a senior accountant and an auditor. Senior accountant si mommy sa SGV at auditor naman si daddy sa Nestle, Corp. Kaya kung akala nyo na pag mayaman ay maraming friends, hindi iyon totoo. Wala akong friends pero masaya pa rin ako sa sarili ko na makabilang sa mga loner type individuals. For short, mas maigi pang wala na lang pakialamanan sa buhay para peaceful ang life.
Pagdating sa usapang pisikal, yung tungkol sa kung anong masasabi ko sa aking pisikal na kaanyuan, all I could say is that I'm speechless. Hindi ko malubos-maisip ang tamang salita na pwede kong gamitin para mailarawan ang sarili ko. Di ko naman kayang sabihin na pangit ako (baka isipin pa ng iba na napasobra ang humility ko) at lalong di ko magagawang ipagsigawan na sobra kong ganda (syempre, unang-una sa lahat, nakakahiyang sumigaw sa maraming tao, may natitira pa naman siguro akong kahihiyan kahit konti na lang). Nahihirapan talaga ako basta usapang pisikal ang nagiging diskusyon. Kaya naman para magkaroon na ako ng peace of mind, isa na lang ang masasabi ko, I'm just your average type of girl. Isa lang naman ang kaya kong ipagmalaki sa iba, at yun ay ang mala-artista kong kutis. Oo, maputi talaga ako. (Alagang silka yata ang balat ko). Isa sa mga dahilan kung bakit naging maputi ako ay ang pagkahumaling ko sa pagbabasa ng mga vampire stories. At para magkaroon ako ng focus sa pagbabasa, dun lagi ako tumatambay sa malalamig na lugar katulad na lang sa pinakapaborito kong puntahan sa school, sa library. Halos magdamag na nga ako sa loob ng library matapos ko lang ang binabasa ko kapag walang klase. Kaya naman di ko na namamalayan na paglabas ko sa library, madilim na pala. Feeling ko tuloy na I'm just like one of them. Yung tipong pag naarawan ako ay bigla na lang lumalabas ang rushes ko. Wag naman sana akong matunaw, okay na ang rushes. Tapos hate na hate ko ang bawang. Pakainin nyo na ko ng sibuyas, huwag lang bawang at baka matuluyan na ko nito. Hay naku, eto na naman ako, nagfifeeling vampire na naman. Sana nga ma-experience ko naman na malabasan din ng pangil kahit minsan.
Ito ang buhay at pagkatao ko bilang si Ellaine Sophia de Luna Asis. Kakaiba man ako sa paningin ng iba, ayaw ko na makialam pa sa mga iniisip nila. Baka kasi ako ang maging greatest nightmare nila. Gusto ko lang maging honest sa buhay, para magkaroon sila ng ideya kung sino ba talaga ang Ellaine na nakakasalimuha nila sa araw-araw. Ngunit naghihintay din ako sa tamang oras na makilala ko kung sino man ang taong makakaintindi sa buo kong pagkatao. Sa sobrang tagal kong paghihintay, unti-unti nang nawawala ang pag-asa ko na makita pa kung sinuman siya, pero may kaunti pa kong tiwala na natitira sa aking puso na naniniwalang magkakasalubong din ang landas ko at nang taong una kong masasabihan ng salitang "friend." Pero please lang, pwede bang dalian mo na kasi sabik na sabik na kong makilala ka. Hindi ko kasi matiyak kung hanggang kelan pa ko maghahangad na mabuksan ang aking "social life." Baka kasi mamaya huli na ang lahat at maging "forever loner" na lang ako.
-----end of chapter one-----
hi guys! may mga nagrequest kasi sa akin na mgupload ng bagong chapter. eto na po ung chapter one. hope you'll like it and please continue to support my story. thank you very much :D
YOU ARE READING
FACT: It's Obviously OA
Teen Fiction"If you will be my north pole, and I will be your south pole; then even if we're destined to be opposites, we'll surely be together. Cause a certain fact exists: it's obviously OA which means opposites attract."
