Chapter 9

738 32 3
                                        

Baekhyun's Pov



Di ko alam kung anung oras na ako nakatulog. Ang alam ko lang nakatulog ako habang umiiyak. Pag gising ko wala si Chanyeol sa tabi ko. Pinuntahan ko sya sa kabilang kwarto at andoon sya sa sofa at yakap yakap nya yung picture frame nila ni Nana. Pinagmasdan ko sya halatang umiyak din sya. At may bote ng alak sa may side table.




"Im sorry Chanyeol. Sorry kung dahil sa akin naging miserable buhay mo. Ng dahil sa akin  at sa bata napilitan kang panagutan ako. Sorry kung hindi ko napigilan ang sarili ko na mahalin kita. Alam kung hindi sapat ang salitang sorry sa sitwasyon nating dalawa. Pero pinapangako ko na mamahalin at aalagaan kita at ang anak natin. Magiging mabuti akong asawa sa iyo at magulang sa ating anak. Kahet alam kung may katapusan ung pagging asawa ko sa iyo. At saka happy father's day sa iyo. "Bulong ko habang  hinaplos ko yung mukha niya. At dahan dahan na kinuha yung picture frame.


Pero nagising sya nung dahan dahan kong kinukuha ung frame mula sa pagkakayakap nya. Kumunot noo syang tinignan ako.




"Anung ginagawa mo?" Galit na tanong nya.





"Sorry.. Wala ka kasi sa kwarto kaya hinanap kita. Tapos nakita ko tong kwartong ito at nakita kta. Nakita kong magulo kaya Lilinisin ko sana ito." Tumayo sya  at hinila ako palabas.


"Sa susunod wag kang papasok dito na walang pahintulot galing sa akin. Offlimits lahat dito. Ok. At sa susunod wag na wag mo akong pakielaman yung mga gamit dito. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tumango ako bilang pagsang ayon. At pinagsaraduhan nya ako ng pinto. Nag tungo na lang ako sa banyo at nag ayos ng sarili.. Mamaya pa naman yung flight namin papuntang Maldives. Excited na ako kasi isa un sa bucket list ko.


Pagbaba ko ng kusina di pa handa yung almusal medyo maaga pa naman kaya nag punta ako ng kusina.  Bago ako makapasok sa kusina napahinto ako,naguusap yung mga kasambahay nila mamita. At ako yung pinaguusapan nila.




"Nakita mo ba yung asawa ni Sir Chanyeol?"tanong ng isang babae




"Oo ang ganda nya kahet na lalaki sya." Sagot naman ng isang kasambahay nila.




"Oo may itsura sya pero mas maganda si mam Nana. Di lang maganda sexy pa. At higit sa lahat babae." Aray ang saket. Kasalanan ba maging gay?





"Hoy kayo nga magsi tigil nga kayo dyan. Malapit na gumising sila madam baka mapagalitan tayo. At saka wag nyong pagusapan yung asawa ni sir Chanyeol. Mukhang mabaet naman yung tao. Kaya wag kayong masyadong madaldal dyan. Pag kayo narinig ni madam Suho o seyorito Chanyeol mawawalan kayo ng trabaho" sabi ng mayordoma yata nila yun.  May katandaan na ito. Di ko lang alam ang pangalan nya.




Dahan dahan ako pumasok at nung makita ako tumigil sila sa paguusap at nagsi alisan sa lugar nila.


"Good morning po."bati ko sa kanila.




"Good morning din po sir Baekhyun" sabi nung mayordoma




Kumuha ako ng baso at pumunta sa ref para kumuha ng milk. Di pa kasi handa yung almusal. Kaya lumapit ako kay manang para tumulong sa paghanda ng almusal.



"May maitutulog po ba ako?" Tanong ko



"Ay wag na po. Ok lang po kame dito sir Baekhyun"



"Baekhyun na lang po manang..,..."




"Ako nga pala si Rosa. Mayordoma po dito sa mansion. "




"Nice to meet you po Manang Rosa. Hayaan nyo na lang po ako na tulungan kayo. At saka gusto ko pong ipagluto yung asawa ko. Father's day po kasi ngayon. "


"Ok sige po."

"Manang Rosa ano po ba yung gustong kainin ni Chanyeol?"

"Uhmm... Nung bata pa sya gustong gusto nyang kumaen ng pancakes,bacon and eggs. Yun kasi yung niluluto ng mommy nya nung nabubuhay pa. Then ngayong nagtratrabo na sya malimit na sya mag almusal. Parati nalang nag mamadali. Kumakaen lang yan pag pinagalitan ng mamita nya."


Ahh... Pancakes, egg and bacon pala yung gusto nyang kainin noon. Yun na lang ang lulutuin ko.



"Manang pwede po bang pakuha na lang po ng mga kakailanganin ko sa pagluluto." Tumango siya at binigay sa akin yung mga kailangan.




Nag simula na ako magluto ng pumasok si mamita sa kusina. Nagulat sya ng makita nya akong nagluluto.




"Oh....Baekhyun apo bakit ikaw ang gumagawa nyan. Manang Rosa baket nyo naman hinayaan magluto yung apo ko. Alam nyo naman na buntis sya. "




"Ay mamita wag nyo pong pagalitan si Manang Rosa ako po yung nagpumilit na mag luto. Ipagluluto ko lang po ng agahan si Chanyeol. Father's day po kasi. "




"Oo nga pala father's day pala ngayon. Tapos ka na ba magluto?"tumango ako bilang pagsang ayon.


"Hayaan mu muna yan kay manang rosa. Gisingin mo na yung asawa mo."



"Sige po." At umakyat na ako sa kwarto ni Chanyeol. Sakto pagpagpasok ko lumabas sya na nakatapis ng twalya. Kakaligo lang nya. Topless at tumutulo pa yung buhok nya.




"Gising ka na pala. "

"Obvious ba na gising na ako." Inis na sagot nya. Habang nag pinupunasan nya yung basang buhok nya pumunta ako sa cabinet at pinag handa ko sya ng damit nya.

"Oh para saan yan?"

"Inihanda ko na yung damit mo. Yung iba kasi nasa maleta na."

"Diba ang usapan naten walang pakielamanan.. "Tumango lang ako bilang pagsangayon ko.

"Alam mo naman pala baket mo pa pinakelaman?"

"Gusto ko lang gampanan yung duty ko bilang asawa mo at saka specia........" Di pa ako tapos magsalita ng magsalita sya.


"Asawa? Hahaha. Nababaliw ka ba? Asawa lang kita sa papel ok. Mag hihiwalay din tayo." Wala na ako nasabi. Yumuko na lang ako at umalis ng kwarto.




Bago ako pumunta ng dinning table inayos ko muna yung sarili ko. Para halatang di ako umiyak..




Nauna akong naupo sa lamesa nasa gitna naman si mamita at nasa harap ko naman naupo si Chanyeol. At inihanda na nila manang rosa yung almusal namen.





"Good morning apo. Halika kumaen muna tayo almusal. Special yan si Baekhyun mismo nagluto nyan." Sabi ni mamita at nag smile lang ako sa kanya.




"Diba may sasabihin ka Baekhyun?" Sabi sa akin ni mamita.
Umiling ako para sabihing wag na.


"Sige na Baekhyun sabihin mo na." Pero tikom pa din yung bibig ko.



"Ano ang sasabihin mo sa akin Baekhyun?" Tanong nya.


"Gusto ko lang sabihin na Happy Father's day sa iyo."

………………………………
Balated Happy father's day sa inyong mga lolo,papa,tatay,daddy,itay,appa... Sorry ngayon lang bumati.. Hehe double update for today.... I hope you like ij..

Love lots,
Firelight0627

Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon